5. Tutor

93 5 0
                                    

Tiffany's POV

Simula nung araw na yun, di 'ko na mapigilang mapangiti tuwing naaalala 'ko na sinabihan ako ng "kyeopta" ni Mr. Cold Guy. Cute pala ang ibig sabihin nun. Kyaaa! Di ako maka-get over sa nalaman 'ko kaya kahit na isang buwan na ang nakalipas simula nung malaman 'ko ang ibig sabihin nun, kinikilig parin ako kapag naaalala 'ko yun. Ewan 'ko ba kung bakit.


Nasa room na ako ngayon. Wala kaming klase kasi wala si sir Nel kaya ang ingay ingay ng room ngayon lalo na sina Dexter. Lagi naman e.


"May artista sa room natin!"

"Ang gwapo niya! Kyaaa~"

"OMG, asawa 'ko yan!"

"I love you po!"

"Nakaka-inlove talaga siya!"


Sigawan ng mga kaklase 'ko. Ang ingay naman nila. Sino ba kasi yang pinagkakaguluhan nila sa may pintuan?


"Siya yung tumalo kay Dexter sa basketball diba?" sabi naman nung isa 'kong kaklase

  Ano daw? Yung tumalo kay Dexter sa basketball? Si Drian ba yang pinagkakaguluhan nila? 


"Oo, ano nga bang pangalan nun? Derrick ba yun?"

"Tanga! Drian yun! Drian ang pangalan niya"


"Tiff, si Drian oh! Waaa~" sabi ni Lea. Oo, si Drian nga yung tinutukoy nila.

"Teka, anong ginagawa niya dito?" tanong ni Bianca

"Baka naman nandito siya para kay Tiffany!" sabi ni Venice at sabay sabay namang nag-'ayiee' ang tatlo. Haynako.


Pero ano nga bang ginagawa niya dito? Nandito ba siya para saakin? Kyaaa~ 

Okay. Assuming talaga ako.


"Tabi nga!" sabi ni Dexter sa mga kaklase 'ko na pinagkakaguluhan si Drian. Ang angas talaga ng isang 'to. Tsk

"Oh, Dri? Are you done answering my assignments?" tanong ni Dexter kay Drian ngunit 'di sumagot si Drian sa halip ay binigay niya lang yung hawak niyang notebook kay Dexter.

Notebook siguro yun ni Dexter. Haynako, umaasa lang talaga yang si Dexter sa ibang tao.

"Thanks Dri. You're the best!" sabi ni Dexter pero 'di nanaman sumagot si Drian

"Wow! Dri, pakopya uh?" tanong ni Ryle. Isa pa 'tong si Ryle e.

"FC ka talaga!" sabi ni Dexter. Ang sama talaga ng ugali ng Dexter na 'to. Pati ba naman kaibigan niya, pinagdadamutan niya pa.


"Pakopya na kasi! Ang damot mo naman" sabi ni Ryle at 'di na matapos tapos ang bangayan nilang dalawa.

Habang nagbabangayan ang dalawa ay nakita 'kong umalis si Drian nang 'di man lang nag-papaalam kina Dexter.


"Ay, ang sungit :3"

"Wala ba siyang ibang alam na expression?"

"Ba't ang cold niya?"

"Nilamig ako dahil sa pagiging cold niya"

"Gwapo pa rin naman"


Stop Acting Like You CareTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon