Chapter 5

29 7 0
                                    

Hailey's POV

The End.

Isinara ko ang librong kanina ko pa binabasa at inayos ang pagkakasandal sa malaking puno sa open field.

Ang sarap sa pakiramdam kapag may natapos kang basahin na libro. Alam nyo yung pakiramdam na, ayaw mo pang magbasa ng ibang libro kasi hindi kapa makaalis sa mundo ng librong kakatapos mo lang basahin?

That's the problem with the good book, you want to finish the book but also you don't want to.

Yung bang gustong gusto mo nang matapos para malaman mo kaagad ang ending pero may part sayo na ayaw mo. Ang weird.

Napabuntong hininga ako.

Pumikit ako at isinandal ang ulo ko sa malaking puno. May ibang buhok na tumabing sa mukha ko pero hindi pa rin ako dumilat. Pinakiramdaman ko lang ang bawat pagtama ng hangin sa dahon ng punong pinagsasandalan ko, ang mga sigawan ng mga naglalaro ng basketball at ang bawat paghampas nila sa bola.

Ang gaan sa pakiramdam. Parang wala kang problema.

"Napakapapansin mo talaga Ayana kung ipamigay kaya kita sa ibang section?!"

Napamulat ako ng sumigaw si Brayden. Anim na nga lang silang naglalaro ang iingay pa.

"Walang tatanggap dyan, banned nay an sa ibang section! Wahahahaha!" sabat ni Anika.

Napailing na lang ako dahil sa pinaggagagawa nila. Hindi na ko nag abalang umawat pa, hindi pa naman kasi dumadating sa puntong magsusuntukan o magtatadyakan sila sa isa't isa. Alam ko, hanggang dyan lang yan.

"Alam mo Anika, kapag nai-stress ako pumapanget ako! Pero syempre mas panget ka sakin kaya no worries," Ayana.

Hindi ko Makita ang expression ng mukha nila dahil medyo malayo ako. Tanging ang sigawan lang nila ang naririnig ko.

"Aba ang gaga, nagbuhat ng sariling bangko!" Tracy.

"Kung feeling mo maganda ka, well you're not feeling well." Kate.

Napailing na lang ako sa sagutan nila. Hays ewan ko ba sa mga 'to, walang araw na hindi nag-aaway.

"Boo!"

"Aray!"

Napakapit ako sa ulo ko ng mauntog ako sa punong kinasasandalan ko. Ikaw ba naman ang gulatin.

"he-he-he sorry" sabi nya hanbang ngumingiti na para bang di nya ko ginulat.

"Haysh! Kiara masaket!" reklamo ko ng nakangiti.

"Bakit di ka sumali sa kanila?" tanong nya habang umuupo sa katabi ko. Medyo naguluhan pa ako dahil hindi ko alam kung sinong tinutukoy nya kaya agad nyang dinugtungan ang sinasabi nya.

"kina Brayden,"

Ngumiti ako. "Napapagod ako e,"

Tiningnan nya ko na para bang naguguluhan sya sa sinabi ko.

"Hindi ka sumali sa volleyball kasi pagod ka? Weh? Ikaw ba talaga yan? Kahit kalian naman kahit pagod ka, naglalaro ka nyan e!" sabi nya na para bang isang bata.

Oo nga pala. Nakalimutan ko.

"Ganun ba?" sabi ko ng may pilit na ngiti.

"Oo nga pala din a kita nakikitang naglalaro nyan! Naalala ko 'nun palagi tayong magkakampi dyan! Hehe! ^_^"

Ngumiti na lang ako sa kanyan. Ganyan ako, ngumingiti na lang kapag hindi na alam ang isasagot sa isang tanong. Hindi naman kasi ako katulad nya, na palaging may sagot sa lahat ng tanong.

High School FairytaleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon