Umikot ng higa si Julie.
Ang lambot kasi. Ang sarap matulog! Ang sarap sarap matulog dahil sa lambot ng kama’t unan. Pero, umikot ulit siya.
At ulit.
At ulit.
At ulit.
Paulit-ulit siyang umiikot dahil nagtataka siya. Iba ang amoy ng kama niya. Iba rin ang lambot nito. Kabisado niya kasi ang kama niya. Di siya pwede magkamali…
Dahan dahan, minulat niya ang kanyang mga mata.
‘What the f-ck!? Nasaan ako?’ isip niya. Kinabahan siya bigla. At mas lalo siyang kinabahan dahil halata naman panglalake ang kwarto kung nasaan siya.
Igagala na sana niya ang paningin sa buong kwarto ng biglang kumirot ang ulo niya.
'Paksyet! Hang over… Aw… Shit!’ pagdadaing niya sa isip niya. Naiiyak siya sa sakit. Paksyet! Di naman kasi siya lalake at di niya kaya itolerate ang ganitong klase ng sakit.
Sana pala di na siya uminom kagabi. Para di masakit ngayon ang ulo niya. Tss!
Tatayo na sana siya ng maramdaman niyang may mabigat na nakapatong sa tyan niya. Sure naman siyang walang nagmolestya sa katawan niya dahil same clothes pa din ang suot niya. Amoy alak nga siya e. Tsaka wala namang masakit sa ibaba. Kaya okay lang.
Tumingin siya sa gilid niya at nakakita siya ng nilalang na maihahalintulad sa isang Olympian God. Perfet ang features ng mukha nito at ang gwapo nito. Sobra!
Kikiligan na nga sana siya kaso may boyfriend siya di ba? Mahal niya ang boyfriend niya at walang tatalo dito. Kahit magkaaway pa sila ngayon.
And, di niya kilala 'tong lalakeng ito. Buti na lang at di siya hinalay kundi… tsk.
“Hey…” tinapik niya yung balikat nung lalake. Di niya kasi maalis yung mabigat na kamay nitong nakapatong sa tyan niya, “Uy!”
Pero kahit anong tapik, di nagigising ang gwapong nilalang. Triny niya narin kilitiin ito pero parang wala itong kiliti. Kaya isa na lang ang natitirang option sa kanya. Yun ay ang…
“GISING NA!” she screamed in front of the guy’s ears, at the top of her lungs.
“AH SHIT!”
Napabalikwas naman yung lalake at hinawakn agad ang tenga. Tinignan siya nito at siya ngumiti lang. Ngiting nangangasar.
Julie's different. Di mo matatansya ang ugali niya.
Di mo masasabing mabait siya, di mo rin masasabing masama siya. Di mo rin naman masasabing pilya siya. Basta! Para bang nasa gitna siya. She’s always neutral. Ang pinaka-common and usual na ugaling makikita mo sa kanya ay ang pagiging mataray niya.
“Bakit mo ako sinigawan sa tenga?” siningkitan siya ng mata nito, “What the hell is your problem!?”
Eh sa mataray si Julie sa mga bagong kakilala niya lang. May tendency kasing mas masaktan siya pag mas madami siyang ka-close. Kaya pinipili niya lang yung taong maituturing niya bilang kaibigan. Aquiantance lang ang turing niya sa karamihan.
She raised her brow up, “Where am I?” tapos bigla siyang napahawak sa ulo kasi bigla itong sumakit ulit.
'God! Nawala na yung sakit kanina a… Ah! A-aray…’ daing niya uli sa isip niya habang mariing nakapikit ang mga mata.
“Hang over 'no? Tss. Inom inom kasi.” angas na sabi nung lalake sa kanya kaya lalong napataas ang kilay niya. Umupo na ito’t humikab hikab habang binabanat ang mga kamay.