One Shot - 1

33.9K 479 73
                                    

Leigh's POV

Unang araw ng klase sa Hale University. Third year college na ko, kaya ilang kembot na lang hello diploma na!

Nang makita ko ang mga barkada ko na nakaupo sa bench ay agad ko silang nilapitan at umupo sa tabi nila. "Wazzup guys!?"

"Oy! Babaita nahuli ka ata ngayon? Anyare?!"

Inayos ko ang buhok kong kulot kulot. Natural ang pagkakulot nito kaya proud na proud ako dito. "Tinanghali ako ng gising e..nadaganan ko yung cellphone ko. Ayun muntik ng mayupe!" Ngumisi pa ko. "Bakit anong atin?"

Tumikhim si Jona, "Andito na sila!" May tili pangkasama ang pagkakasabi niya. I'm sure yung mga walang kwentang gwapings lang ang kinakikiligan niyan! Haay..girls, girls, girls...

Parang nagsikilos Maria Clara ang mga kaibigan habang papalapit ang mga Varsity Player ng school namin. Na pinangungunahan ng kapre nilang Captain na si Howard.

Halos mamilipit sa kilig 'tong mga babaeng 'to!

Hindi ko sila pinapansin kaya pinagtuunan kong tingnan ang notes kong di pa tapos ang assignment. Makikopya na lang kaya ako?!

Kinuha ko ang ballpen ko sa bag ko ng di sinasadyang maihulog ko ito sa lapag. "Ay! Ispoklong!" Pero naunahan ako ng ibang kamay.

Tumingin ako sa nagmamay ari ng kamay na yun.

And it hit me!

I was stunned. Mesmerized. Fell. Ooops! Who the hell is he?

"Miss?"

"Po?" Titig na titig pa rin ako sa kanya.

He smiled at me. A very sweet smile I have ever seen in my entire life. "I believed this is yours,"

Kinuha ko ang ball pen sa pero nasa kanya pa rin ang mata ko. Parang naweirduhan naman siya sa'kin.

Hindi pa rin ako nakapagsalita. "Next time be careful." Then he walked away.

Tulala akong sinundan ang tingin niya.

Ang ganda ng katawan niya. Saan kaya siya naggigym? Baka kailangan niya ng companion.

"Sino yon?" Tanong ko pero sinusundan ko pa rin ng tingin yung lalaki.

"Shane Tuazon, BSBA - Management, Transferee."

At doon lang ako napatingin sa mga kaibigan ko, "Wow ha! Full details! Transferee pa lang."

Pero nginisian lang ako ng mga nito.

**

Alam kong may tama na ko kay Shane Tuazon unang kita ko pa lang sa kanya.

Kaya maging dito sa Canteen ay sinusundan ko siya. Kumakain siya kasama ang mga friends niya.

Ilang linggo ko na siyang inistalk.

Sa classroom, library, court at kahit pati tambayan nila sa bilyaran ay inistalk ko na rin siya.

Pag tumatawa siya, pati ako napapangiti dahil sa pati pagtawa niya nakakakilig.

Pero halos madurog ang puso ko ng makita kong lumapit si Giselle sa kanya at nakipagflirt. Giselle is one of the famous campus crush namin. He was known as cheer leader. Maganda , sexy, mayaman at lahat ng naging boyfriend ay gwapo.

Black Magic (One Shot)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon