Alamat ng Bagyo

3.7K 17 3
                                    


Noong unang panahon may isang babaeng napakaganda ngunit pinagkait na magpakita ng kahit anong emosyon at damdamin sa kadahilanang may tinataglay itong napakalakas na kapangyarihan na nakakapagdulot ng napakalaking pinsala. Siya ay nagngangalang Baeg. Walang nakakaalam kung saan siya nanggaling. Palagi siyang naglalakbay at humahanap ng lugar o kaharian na tatanggap sa kanya ngunit ang nangyayari tuwing nalalaman ng mga tao tungkol kay Baeg.

"Salot ka!! Umalis ka dito!!! Walang tatanggap sayo kahit libutin mo pa ang mundo.!" Binabato siya ng mga masasakit na salita o kaya naman ay halos patayin ng mga tao ang dalaga. Pilit niyang pigilan ang kanyang emosyon ngunit hindi niya ito makontrol kaya nama'y nakadudulot siya ng malaking pinsala sa naturang lugar.

Kaya naman aalis na naman siya at maghahanap ng panibagong lugar. Palagi itong nangyayari sa buhay ng dalaga.

Napadpad na naman si Baeg sa isang malaking lupain. Nasa isang dalampasigan siya ng lupain. Di na kayang pigilan ang nararamdaman ng dalaga, umiyak nang umiyak si Baeg dahil para sa kanya ay wala nang saysay ang kanyang buhay. Dumilim ang kalangitan at nagsimula nang bumuhos ang napakalakas na ulan. Nagsimula na ding kumulog at kumidlat.

Di niya alam na may kaharian pala na nandoon sa malaking lupain na kanyang kinaroroonan. Ang kaharian ng Poiudje. Pinamumunuan ito ng isang reyna. May tatlo itong anak na lalaki. Ang bunsong anak ng reyna na nagngangalang Yong ay biniyayaan ng isang kapangyarihan ng isang diwata noong ipinanganak ito. Hindi sana mabubuhay ang anak ng reyna kung hindi sa tulong ng diwata ngunit may kapalit ito. Kapag ginamit niya ang kapangyarihan na binigay ng diawata ay hindi na ito hihinto at makakapagdulot ng malaking pinsala. Siya ay may angking kagwapuhan at siya din ay isang mabuting prinsipe sa kanilang kaharian.

Naglakbay si Baeg sa lupaing iyon. Hanggang sa nahanap niya ang kaharian ng Poiudje. Napakaganda ng kaharian at mapayapa.Nasiyahan ang dalaga. Tumingin siya sa kalangitan at nakita niyang mukhang uulan ito. Pinakalma niya ang kaniyang sarili at pilit pinipigilan ang kanyang nararamdaman.Unti-unti nang lumiwanag ang kalangitan.

Habang naglakad-lakad si Baeg sa kaharian ay nakita siya ni Prinsipe Yong. Nabighani at nahulog ang loob ng Prinsipe sa dalaga at mula noon ay palagi na niya itong sinusundan. Napansin niya na hindi nagpapakita ng emosyon ang dalaga.

Isang araw ay nakipagkaibigan ang prinsipe sa dalaga. Palagi na silang nagsasama. Unti-unti na ding nahuhulog ang loob ng dalaga sa prinsipe. Hanggang sa nalaman ng prinsipe ang pinakatatagong sekreto ni Baeg.

"Huwag mo na akong lapitan Yong. Masasaktan ka lang." naiiyak nitong saad sa binata. Sa isip ng dalaga na baka hindi siya nito tatanggapin. Pero imbis na lumayo ang binata ay nilapitan niya ito at niyakap.

"Wala akong pakialam kung ano ka. Basta nandito ka lang sa piling ko, sapat na." ani niya. Ang mga katagang iyon ang nakakapagbago sa pinaniniwalaan ng dalaga. May tatanggap at nagmamahal din pala sa kanya. Napakasaya niya sa panahong iyon. Nagsimula na ding umulan ng malakas ngunit wala itong nagagawang kulog at kidlat.Pinatunayan ng Prinsipe ang kanyang nararamdaman para sa dalaga hanggang sa nagkatuluyan na ang dalawa. Hindi alam ng ina ni Prinsipe Yong na umiibig ito.

Aksidenteng nalaman ng isa sa mga mamamayan ng kaharian at agad itong ipinagbigay alam sa kanilang reyna. Labis na galit ang nadarama ng reyna hindi lamang dahil sa hindi ipinagbigay alam ng kanyang anak na may iniibig ito kundi dahil nalaman nito na pwedeng makakasira sa kaharian nila ang babaeng iniibig ng kanyang anak.

Isang araw habang naglalakad si Baeg na papunta sana sa lugar kung saan palagi silang magkikita ay bigla siyang kinuyog ng mga tao. Sinasabihan siya ng masasakit na salita at sinasaktan. Bumuhos ang napakalakas na ulan, kumulog na din at kumidlat na siyang sumasalamin sa nararamdaman ni Baeg sa oras na iyon.

Hindi alam ng dalawang magkasintahan na plinano pala iyon ng reyna. Kinulong ng reyna sa isang silid si Prisipe Yong. Siniguro nitong hindi makakalabas ang kanyang anak sa kanyang silid.

Ngunit hindi iyon naging hadlang upang hindi niya malaman kung ano ang nangyayari o nararamdaman ng kaniyang pinakamamahal. Nakita nitong napakadilim, napakalakas na ulan at kumukulog at kumikidlat ang kalangitan.

Nababahala na si Prinsipe Yong kung ano ang nangyayari kay Baeg. Daling humanap ng paraan ang binata ng pwedeng daan upang makalabas sa silid na iyon at nagtagumpay naman siya. Nagmamadali siyang pumunta sa lugar kung saan silang dalawa palaging nagkikita.

Nakita niya ang kalunos-lunos na nangyari sa kanyang pinakamamahal. Matinding galit ang nararamdaman ni Prinsipe Yong sa oras na iyon, lumabas ang kanyang kapangyarihan. Napakalakas na hangin. Lumapit si Prinsipe Yong kay Baeg at tsaka ito niyakap. Nagsama ang kapangyarihan ng dalawa. Mas lalong lumakas ang hangin at ulan ngunit hindi na ito kumukulog at kumikidlat. Marami nang tirahan ang nalipad at nasira, nagsimula nang bumaha, nabuwal ang mga puno, nagdudulot ng napakalakas na alon at marami na ring nabawian ng buhay.

Ilang oras ang lumipas bago humupa ang napakalakas na hangin at ulan. Nagdulot ito ng napakalaking pinsala sa kaharian. Halos hindi na makilala ang magandang kaharian na nasira lang sa delubyong nangyari. Hindi na nila nakita ang dalawa. Naglaho sila na parang bula. Sa isip ng reyna ng Poiudje ay umalis ang dalawa upang maghanap ng panibagong lugar na matitirahan.

Simula noon taon-taon ay may delubyong katulad ng nangyari sa kaharian ng Poiudje ang dumadating. Tinawag na itong bagyo hango sa pangalan ng makapangyarihang magkasintahan na sina Baeg at Prisipe Yong.

Alamat ng BagyoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon