Dear Love

40 2 0
                                    

dahil malapit na ang Mother's day..... :))

**********************************************

Dear Love,

Sabi ng Mommy ko, nabuo daw ako dahil sayo.

Namatay si Daddy dahil nasobrahan sayo.

Lumayas si Kuya dahil hindi ka niya naramdaman.

At umiiyak si Ate dahil sinaktan mo siya.

Lahat ng nangyayari sa buhay namin, ay umiikot sayo.

Lagi kong naririnig yang pangalan mo.

Sa bahay,

Sa simbahan,

Sa school.

Minsan pa nga, nababasa ko yang pangalan mo sa Mall at kung san pa.

Tanong ko lang, wala ka bang apelido?

Pansin ko rin, ang raming nagcecelebrate ng birthday mo.

Pati sina Ate at boyfriend niya.

Ganyan ka ba talaga ka-sikat?

Kasi ako, pati ako, alam kung kailan birthday mo.

Eh ikaw, alam mo ba kailan birthday ko?

Ang rami ko nang narinig tungkol sayo.

Minsan nga, rinding-rindi na ako sa mga paulit-ulit nilang kwento.

Sabi nila, masaya daw pag totoo.

Masakit pag peke.

Ang rami mo na raw napasaya.

Ang rami mo na ring pinaiyak.

Ang rami na rin ng mga nasaktan mo.

At ang rami mo na ring ginawang tanga at bulag.

Ikaw daw ang pinakamasarap na nangyayari sa buhay ng tao.

Ikaw rin ang pinakamasakit at pinaka-wagas kung maghiganti.

Ikaw ang nagsusubo sa tao na gumawa ng tama.

Pati na rin mali.

At ikaw ang dahilan kung bakit nakakaya ng taong mabuhay at gawin lahat.

Gustong-gusto na kitang makilala.

Alam mo, gusto kitang sampalin para sa lahat ng mga napaiyak mo.

Para sa Mommy ko,

Daddy ko,

Kuya ko,

at Ate ko.

Pati na rin sa mga kaibigan ko.

Napaka-manloloko mo, alm mo ba yun?

Sa araw na magtatagpo ang mga landas natin,

ikaw naman ang papaasahin ko.

Ipaparamdam ko sayo ang kaligayahang langit ang kapantay.

At sa huli, sasaktan kita gaya ng ginawa mo sa kanilang lahat.

"Anak, tulog ka na...Goodnight...I Love you."

sabi sakin ng Mommy ko.

"Mommy, ako? Love mo? Pano nangyari yun? Eh hinahanap ko nga siya."

"Oo, ikaw love ko. Pati Daddy mo, Kuya mo, at Ate mo. Kasi, parte kayo ng puso at buhay ko."

Bigla akong natauhan.

Tila di makapaniwala sa nalaman.

Ibig sabihin ba nun,

Isa ako sa Love na nagpaiyak, at nakasakit sa Mommy ko?

**************************************************************************

Thank you po sa mga nagbasa..

PS. Love your Mom. :))

please comment and vote guys. yun lang po! :*

#ILoveYouMa

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 01, 2013 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Dear LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon