Ang Pagbabago

56 1 0
                                    

Nabigla na lang si Nonong ng mapansin na nasa harapan na pala niya si Mildred ng hindi niya namamalayan.

" Mildred!." Nasambit niya.

" Nong ikaw na ba iyan?" Nagtatakang tanong nito.

" Ah.. oo ako ito. Pasensya na. Hindi ko nahanap ang salamin ko." Nahihiyang sagot ni Nonong dahil sa kakaibang titig sa kaniya ni Mildred.

" Nong! Oh my! You look great!. " manghang-manghang sagot ni Mildred habang pinagmamasdan ang kakaibang hitsura ni Nonong.

" Ah.. Pasensya na Mildred, nasira kasi iyong salamin ko sa Mata at nakalimutan kong ipitan ang buhok ko." Sagot ni Nonong na nakaramdam ng hiya sa kaharap dahil sa hindi siya sanay sa ganuong papuring natanggap lalo na kay Mildred na kilala na niya ng ilang taon.

" No, you really look good. Tama nga si Zen nuong una pa lang." Nasambit ni Mildred.

" Sa-salamat. " Nahihiyang sagot nito bagamat nagdadalawang isip sa narinig at hindi kumbinsido sa sinabi ng kaharap.

Natigilan si Mildred ng napansin niya na nakatingin si Nonong sa dalawang nag-aaway sa gitna ng Lobby. Tila nagmamasid at malalim ang iniisip.

" Ma'am tama na po iyan." Awat ng mga guards kay Zen.

" You witch! You broke my arm!" Reklamo ni Blake habang ikinakalas ng mga security guards ang mahihigpit na hawak ni Zen sa braso ni Blake na nakapalipit.

" Yan! Yan ang dapat sa'yo! " sigaw ni Zen habang tumatayo at galit na galit.

" I will see to it na pagbabayaran mo ang ginawa mo! Witch!" Sigaw ni Blake habang hinihimas-himas ang kaniyang braso.

" Ilayo ninyo sa akin iyang lalaking iyan kundi makakatikim pa sa akin iyan ng sakit ng katawan!" Galit na galit na sagot ni Zen habang inaayos ang kasuotan.

Napatayo na rin si Blake at masama ang titig kay Zen.

Nang mapansin ni Zen si Mildred na malapit kay Nonong sa hindi kalayuan.

Napatingin siya sa dalawa. Nagtaka siya ng makitang nasa tabi ni Nonong si Mildred.Sinimulan niyang lumakad papunta sa dalawang kaibigan at iniwan ang komosyon.

Sinundan siya ng tingin ni Blake, at Nang mapansin na lalapitan nito si Mildred ay napatingin na rin siya sa kasama nito, isang bagong mukha na nuon niya lamang nakita.

" Nonong?" Nasambit ng kaniyang isipan ng makita ito na nakapostura at walang salamin.

"Zen!" Tawag ng nag-aalalang si Nonong.

Titig na titig si Mildred sa mga mata ni Zen na nakatutok naman sa mukha ni Nonong ng mga oras na iyon. Hindi niya malaman ang kaniyang nararamdaman.

Tinignan niya si Nonong na nakatingin din kay Zen. At sa hindi kalayuan ay nakita rin niya si Blake na nagmamasid sa dalawa.

" What am I doing here?" Natanong niya sa kaniyang sarili. Ngunit hindi pa rin niya maiwasan ang pag tabi kay Nonong sa mga oras na iyon.

" Nong! Anung nangyari." Naibulalas ni Zen nang makalapit sa kaibigang nag-iba ang anyo.

" Ba - bakit Zen? Ay! Sorry nakalimutan ko kasi 'yung isang salamin ko. Kaya eto.. eh ano kasi.." putol na pagpapaliwanag ni Nonong ng biglang nagsalita si Zen.

" You really is amazing Nong. I really...." putol na nasabi ni Zen ng biglang sumabat si Mildred.

" Let's go na guys! Umm.. hinihintay na tayo." Sabat nito upang maiwasan ang awkwardness na kaniyang nararamdaman.

Napatingin ang dalawa sa kaniya at sinabayan ni Nonong si Zen sa paglalakad.

Nang makarating sa Lobby kung saan ay gaganapin ang seminar na may libo-libong estudyante. Lahat sila ay napatingin kay Nonong. Nagbulungan at Nagulat sa laki ng pinagbago ng hitsura nito. Hindi nila akalain na may natatago itong kayamanan. Napansin ni Blake ang komosyon at Lalong nag-iba ang timpla ng kaniyang mood.

Mag-uumpisa na ang Speaker of the house para ibigay sa mga estudyante ang kani-kanilang mission sa araw na iyon.

"Today our mission is to spread good deeds to other people." Paumpisa ng nagsasalita.

" You and your partner will be going to a place where you can find yourself." Dugtong pa nito.

Lalong na-asiwa si Blake sa hindi niya malamang sitwasyon. Napatingin siya sa kinaroroonan ni Nonong at Zen.

Umiral ang pagka-pilyo nito. Malalim ang kaniyang iniisip. Napansin ito ng kaniyang dalawang matalik na kaibigan.

"Dude, are you alright? Ano na naman ba ang tumatakbo sa isip mo?" Natanong ni Dan habang humihigop ng malamig na kape.

Hindi umimik si Blake.

" Can't get over Zen? Hanggang ngayon ba pinagbabalakan mo pa rin paghigantihan ang babaeng iyan?" Natanong din ni Yuan.

Tumingin si Blake kay Yuan.

" Dude, huwag mo akong tignan ng ganiyan." Suway ni Yuan.

" Bakit?" Tanong niya.

" Yung bukol mo kasi ang sagwa. Duh!" Natatawang nasabi ni Yuan.

" Hahaha.." natawa din si Dan sa narinig.

Kinapa ni Blake ang kaniyang noo. Bigla na lamang niyang naalala ang insidenteng sinapit nila ni Zen.

" Thank you Dude. May naisip na ako." Nangiting sagot ni Blake at niyakap niya si Yuan at si Dan dahil sa kagalakan.

Nagtaka ang dalawa sa naging reaksiyon ng kanilang kaibigan.

Kinuha ni Blake ang kaniyang cellphone at lumakad palayo sa dalawa at sa seminar.

" Anong nangyayari kay Blake? Ang weird di ba?" Pansin ni Dan.

" I don't know. Got any clue?" Kibit-balikat ni Yuan.

" Well. Kilala na natin siya. May binabalak na naman iyan. Sana this time hindi na siya pumalya." Sagot ni Dan.

Makalipas ang 15 mins ay bumalik na sa kaniyang pwesto si Blake. Nakangiti. May kakaiba sa kaniyang aura. Very light and happy.

Maya maya pa ay may tatlong Officer ng West University ang dumating sa kalagitnaan ng nagaganap na seminar ng mga estudyante sa lobby.

Inabot ng Officer ang isang white envelope sa Speaker of the house.

Kinausap ito sa sulok ng Lobby na walang nakakarinig at napansin ng mga estudyante na binuksan nito ang iniabot na white envelope.

Binasa niya ito at tila nagtatanong sa mga Officer.

" Magugulo na po ang Orientation ng nga estudyante kung may reshuffling na magaganap. " pagtutol ng Speaker of the house.

" Utos iyan galing sa Itaas. Bagong Memo. Wala tayong magagawa diyan. Kung ayaw mong sundin, ikaw na lang bahalang magpaliwanag kay Madame Viva." Sagot ng isang Officer.

Napa buntong - hininga ang Speaker of the house sa kaniyang nabasang memo at nag-iisip ng magandang remedyo patungkol sa mission na kaniyang nabanggit sa harap ng mga estudyante.

Si Sumpa at Si Mang KuKulamTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon