-BAD #27-
"Yckos texted me." Sabi niya sa'kin habang kumakain kami ng agahan. Kumunot ang noo ko.
"Anong meron?" Tanong ko sa kaniya. Kinuha niya ang phone niya at pinakita sa'kin ang text ni Yckos na sinasabing wag muna ako pumasok ngayon.
"Bakit daw? Bawas nanaman yan sa sweldo ko eh." Pansin kong ilang linggo na kong konting araw lang ang pasok. Pano na yan? May mga bills din naman akong binabayaran.
"Don't worry about that. Tumawag siya kanina and he told me that bayad pa din ang araw mo ngayon. For safety purposes thats why you cant go to work today until monday." Muntik ko nang maibuga ang iniinom kong kape nang sabihin niya yon. Susme?! Monday pa?? Isang linggo akong hindi papasok?
"Isang linggo akong hindi papasok? Grabe naman yata yan? Si Vince lang naman yon bakit hindi ako pwede pumasok?" Safety purposes? Si Vince lang naman ang iniiwasan ko bakit naman kailangan hindi pumasok ng isang linggo?
"Basta sumunod ka na lang. And also, we're going to Panglao Island." Kumunot ulit ang noo ko habang tinitignan siyang umiinom ng kape. Anong trip niya?
"Panglao? Diba sa Bohol 'yon? Bakit tayo pupunta doon?" Biglaan naman yatang pupunta ng Bohol?
"My rest house there is finished so i think we can stay there for a couple of days. Besides i need some time off from work too. Isang linggo din akong busy." Simpleng sagot niya sa'kin. Hindi ko na napigilan magtanong.
"Bakit ako kasama? Iba na lang kaya isama mo? Sa bahay na lang ako." Sinimangutan niya ako at pinitik ang noo ko. Binato ko siya ng kutsara pero di siya natamaan.
"Wag ka ngang bayolente?! Babae ako dapat hindi ka nananakit ng babae! Hindi ka ba tinuruan ng tatay mo?" Bulyaw ko sa kaniya. Ngumisi siya na parang may galit.
"Pumatay nga siya ng babae eh. He also hit my mom. Do you think he can tell me not to hit women?" Lihim akong napalunok sa lamig ng boses niya. Kademonyohan niya talaga. Parang bigla akong natakot. Baka bigla na lang siya kong sakalin. Pero kahit ganoon ay hindi ko pinakita na natatakot ako sa kaniya. Oy! Marunong ako mag karate.
"Moving on, we'll be leaving later today so we have to go to your place and get stuff for our Bohol trip. Or kung ayaw mo naman umuwi-" Bago pa siya makatapos ay sumingit na ko.
"Ay gusto! Gustong gusto kong umuwi!" Nginisian niya ako at umiling iling pa ang loko. Napaka niya?
"Really? Then why did you ask me to take you here than to your place?" Natigil ako. Wala akong maisip na sagot tumayo na lang ako at tinalikuran siya.
"Tsee! Jan ka na nga! Bilisan mo jan nang makauwi ako!" Umakyat ako sa kwarto niya at inayos ang gamit ko. Napatingin ako sa sarili ko. Suot suot ko ang white plain polo na suot niya kagabi sa event. Bakit ba ang sarap suotin ng damit niya? Dahan dahan kong inamoy ang polo at ang bango bango talaga. Amoy ni Wade.
"You're an amazing woman and i love everything about you.."
Nag flashback sa utak ko ang usapan namin kagabi bago makatulog. Ibang iba talaga ang dating ni Wade sa'kin. Una, ang gaang ng pakiramdam ko sa kaniya. Pangalawa, parang kilala ko na siya dati pa. Pangatlo, kahit anong gawin niya sa'kin ay napapapayag ako na para bang gusto din ng damdamin ko. Napabuntong hininga na lang ako. Nang maiayos ko ang gown ko ay nilagay ko iyon sa paper bag. Handa na kong umalis. Dahan dahan akong bumaba para balikan si Wade sa hapag kainan pero nang makarating ako doon ay wala siya. Narinig ko ang boses niya sa kung saan kaya sinundan ko yon. Nakita ko siya sa gilid ng pool. May sigarilyo siyang hawak na nagpangiwi sa'kin. Sisigawan ko sana siya pero nakita kong may kausap siya sa phone niya. Hindi niya ko napansin dahil nakatalikod siya pero rinig ko ang sinasabi niya na nagbigay mg curiosity sa'kin.
"Really? Shit! We can't let them do that. That asshole Takama is behind this! Basta sa ngayon kailangan ko muna siyang ilayo sa mga Ledesma at pati na rin sa lalaking hayop na yon..." Binaba niya ang tawag at napaharap sa direksyon ko. Nanlaki ang mga mata niya at halatang nagulat na nakita ako.
"Kanina ka pa ba dyan? What did you hear?" Seryoso at medyo galit niyang tanong sa'kin. Napalunok ako.
"Y-yung.. Lalaking hayop lang?" Sagot ko sa kaniya. Nakahinga siya ng maluwag at niyakap ako bigla ng napakahigpit. Naguguluhan na ko sa kaniya. Pero mas naguguluhan ako dahil sa tuwing naririnig ko ang Ledesma ay parang tumatalon ang puso ko sa tuwa.
Lalo na nang mahawakan ko ang kamay ni Mrs. Amara Ledesma? Kakaiba iyong pakiramdam ko to the point na para akong naiiyak nang makita ko sila ng asawa niya. Siguro dahil nangungulila lang ako sa mga magulang ko kaya ganoon ang nararamdaman ko. Kung buhay kasi sila kasing edad lang sila ng mag asawang Ledesma. Nakikita ko din sa kanila ang mga magulang ko na tinitignan mo lang sila ay alam mo nang nagmamahalan sia ng totoo.
"By the way let's go to your house so you can get clothes and other stuff you need before we go to Bohol." Kumawala ako sa pagkakayakap kay Wade at tumango sa kaniya.
Lumabas na kami para pumunta sa sasakyan niya at umuwi na sa bahay ko. Hindi ko man alam ang nangyayari hindi naman ako tumanggi na sumama sa Bohol. Para naman may choice ako? Si Wade ang klase ng tao na pag gusto niya gusto niya. Kailangan mong gawin dahil wala kang choice. In other words, spoiled brat.
BINABASA MO ANG
Owned by The Baddest Bidder [Complete]
Literatura FemininaWade Arsen Sandoval is a bad man. Hindi lang sa isang bagay kundi sa lahat. He's known as the best and baddest bidder in the world. But behind all that he has a weakness that only him knows; And that weakness is a girl named Ema. [R18] some chapters...