2. The Makeover

14K 295 12
                                    

NOTE: may new character po kayong makikilala sa chapter na ito. Enjoy Reading! 

**

Sam's POV

"I love you"

bigla akong napabangon sa mahimbing kong pagkakatulog. Grabe ha, kala ko pa naman magandang panaginip yun, yun pala isang bangungot. whaaaa! bakit kasi siya pa ang nagsabi nun pwede naman ibang tao, pwede naman yung crush ko, pwede naman si Sander diba? bakit ang pangit na si Cedrick pa ang nagsabi ng mga salitang yun? Nananadya lang ba? porket pinuntahan niya ko sa clinic nun at grabe sa pagka concern gusto niya siya na agad mapanaginipan ko? Namimihasa naman ata siya masyado.

"Gising kana!"

napalingon ako sa nagsalita. Ay mali! sa MGA nagsalita pala. Anong ginagawa nila dito?

"Magbihis ka at may pupuntahan pa tayo" nagtinginan sila at saka ngumiti, wag kayo, alam ko na agad ang ibig sabihin ng ngiting yun ah.

"Matutulog pa ko" at saka bumalik sa pagkakahiga. 

Magiging taga bitbit lang ulit naman kasi ako pag sumama ako sa kanila. Baka sabihin pa ng ibang tao na dakilang mutchaha ako dahil sa itsura kong to. Asar lang diba? Kung hindi lang ginawa yun ni Madeline eh di sana maayos pa ang buhay ko. And for God sake, pinahiya niya ko, ayan tuloy ang sama ng tingin ng mga schoolmates ko sakin. Hindi naman nila alam ang totoong nangyari kaya wala silang karapatang manghusga!

"Ayaw mo talagang tumayo dyan?" sabi ni Ericka na halatang nafrustrate dahil bumalik ako sa pagkakahiga ko. Eh sa inaantok pa naman kasi ako.

"Oo kaya umalis na kayo sa kwarto ko. Istorbo kayong dalawa. Chupi" 

Arghh ayaw ko ng istorbo ngayon. 

"Kahit sabihin ko pa sa crush mo na crush mo nga siya?" bigla akong natigilan dun ah at saka tinanggal ang kumot na naka talukbong sakin. 

what da! pano niya nalaman?

Tumingin si Ericka kay Jenny at para bang may amusement sa mga mukha niya.

"Seryoso ka Sammy? may crush ka?" ngumiti ng nakakaloko si Ericka, Aba porket ba pangit ako wala akong karapatang magkacrush? Adik lang diba? Porket may bf siya. Agawin ko kaya si Sander. Haha pero joke lang yun, hindi ko kayang gawin yun noh. Sa bestfriend ko pa? NO WAY!

Si Jenny naman nakakaloko ang ngiti. Alam niya talaga kung sino? whaaa! mababaliw ako. Promise wala akong pinagsasabihan nun. Kelan ko nga lang naramdaman yun tapos alam niya na agad? agad- agad? Bongga ng mga senses niya ha.

"Hindi ka pa tatayo dyan?" hala nagmamaldita na si Jenny. Halo ehto na tatayo na ko baka totohanin nga niya ang banta niya. HINDI PWEDE yun. sasapakin ko siya.

--

Nang makarating kami sa mall ay agad nila kong hinatak sa salon. Tama kayo hinatak nila ko, grabe sila, hindi na naawa sakin. Sana nga lang makatakas ako sa dalawang to pero asaness naman ako. Kulang na nga lang ihand cuff nila ko eh. 

Need some help. yohooooooooo? May nakakarinig ba sakin? katawan ko ang magiging reward pag tunulungan niyo ko. Lol! Naaadik na ko. PROMISE!. tinutorture nila ang buhok ko. Huhuhu ang mga kulot kong buhok.

Wala na kong nagawa sa mga pinag gagagawa nila sakin. Iyak nalang.

"Ano sa tingin mo Jenny? Ipa hair extension kaya natin ang buhok niya?"

Di ko sila maintindihan pero tumango si Jenny sa sinabi ni Ericka.

Matapos ang halos apat na oras? Gosh! naka apat na oras kami sa salon ganun na ba talaga katagal ang kailangan ng buhok ko para maayos? 

BOOK 1: The Transformation of a NERD (UNDER REVISION)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon