Oy! Bakla ka raw? The Sequel! [One Shot]

32K 1.1K 280
                                    

February 13, 2013 yan yung araw na umamin ako kay Nikki at yan din ang araw na naging kami. Mabilis? Wala akong pake, sabi nga ng iba ang pag-ibig ang pinapatagal at hindi ang ligawan. 

April 30 na ngayon so ang ibig sabihin ay mahigit dalawang buwan na kami. Aminado ako na si Nikki na ang pinakamahaba kong karelasyon at mas aminado ako na simula naging kami ni Nikki eh naging clingy nga ako ika ng mga tao.

Clingy? Kadiri. Pambading. Mas maganda yung tawag na responsable. Siyempre girlfriend ko eh kaya nagiging responsable ako.

"Pre, masyado kang clingy kay Nikki. Tigilan mo yan, magsasawa sa'yo agad si Nikki."

"Ulol mo Bogart, hindi ako clingy. Responsable lang."

"Anong responsable dyan? Clingy ka gago! Text ka ng text eh nasa canteen lang si Nikki? Clingy yun gago!"

"Siyempre gusto ko lang malaman kung anong ginagawa niya, na baka may nararamdaman siyang di maganda. Chinecheck ko lang siya."

"Sige, diyan ka masaya eh! Pero ito 'tol ah? Aminin mo simula naging kayo eh masyado ka ng naging maalaga."

"Ha? Dati pa ako maalaga ah?"

"Luks! Anong dati pa? Kaya pala yung huli mong gf bago si Nikki eh 1 or 2 weeks mo lang naging girlfriend? Maalaga ba yun?"

"Eh bakit? May problema ba dun?"

"Wala naman, nakakatakot lang na baka kapag naghiwalay kayo ni Nikki eh magpakamatay ka."

"Ako magpapakamatay? Kalokohan. Tsaka bakit naman kami maghihiwalay? Mahal na mahal kaya ako ni Nikki."

"Nagsalita."

"Ano?"

"Wala sabi ko pakopya ng seat work."

Napaisip ako sa sinabi ni Bogart, bakit naman makikipaghiwalay si Nikki? Pero paano nga kaya kung makipaghiwalay si Nikki? Iniisip ko pa lang na malulungkot siya na wala ako, nalulungkot na ako. Mahal na mahal niya kaya ako.

1 message received.

From: Princess Nikki

Hey, let's talk after class.

Hala tangina. Teka, ba't walang 'I love you' pati 'Prince'?

To: Princess Nikki

Opo, sige po. Love you!

 

 

***

After class lumabas agad ako ng classroom para hanapin si Nikki. Parehas naman kaming course pero nagkahiwalay kami sa last subject. Asar. Hindi tuloy kami magkasama whole day, baka nalulungkot siya.

"Cian, dito." Sabay turo dun sa liblib na lugar. Mabilis ata masyado itong si Nikki? Gusto ko yan!

Pagkalapit namin dun sa lugar tinanong ko agad siya. "Anong pag-uusapan natin? Anniversary natin? Medyo matagal pa yun ah pero ok lang sa akin. Alam mo ba--"

"Cian, let's break-up." Ano raw? Close-up? "Ano? Bakit ka naghahanap ng close-up? Ayokong maging commercial model."

"Cian, hindi close-up! Break-up! Break as in hiwalay."

"Ha?"

"Kasi Cian it's very surreal na tayo agad na parang napaka-smooth flowing. It's too good to be true."

Oy! Bakla ka raw? The Sequel! [One Shot]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon