Kabanata 5: May Magkapatid sa Klase ko

69 2 1
                                    

"Valerie at Edeza Aquino, parehas lang naman silang 15. Baka Kambal? Pero hindi magkamukha?"

pabulong ko sa sarili. Bago ako umalis ng bahay ay sinilip ko muna ang class record at lesson plan para bukas, kung may mali man sa mga visual aids ko ay mamaya ko na aayusin pag katapos ko mag simba.

alas-otso ng umaga ako nagsisimba dahil mas gusto ko sa umaga para hindi ako masyadong haggard. Umupo ako sa bandang unahan para mas rinig ko ang misa ni Father. Isa sa aking mga panalangin ay ang kalagayan nila Joyce nawa ay makabangon sila at ipinagdasal ko rin ang kanyang ama na sana ay kasama na ngayon ng ating Panginoon.

"Salamat sa Diyos..."

♫ ♫ ♫ 

Madaming tao kaya mabagal ang pag-usad ko palabas ng simbahan. Binuksan ko ang payong ko nang biglang may tumatawag sa pangalan ko.

"MA'AM ALMAYDAAAAAAAAAAAAA!"

"BINIBINING MARINELLLLLLLLLLLLLL!"

"Ha??? Ano??? ANONG MERONNN?"

Napatinggin ang mga tao sa akin at sa dalawang batang yon.

"Ma'am bili kana! Sampaguita!!!" sabi ni Edeza.

"Ma'am sakin ka bumili! Madami na po yang kinita kanina pa eee ako wala pa!" sabi ni Valerie. 

"Sige! Para walang away! Parehas ko kayong bibilhan! oh ito tig-bente kayo!" sagot ko.

"Ayy Bongga! Buena mano ko si Ma'am Almayda!!" sabi ni Valerie.

"Nag- almusal naba kayo?" 

"Hindi pa po Ma'am. Libre mo kami?" tanong ni Edeza.

"Sige Libre ko kayo! May malapit na Carenderya sa likod ng simbahan at balita ko masarap daw ang lugaw nila. Sa tingin ko maabutan pa natin yun. Tara!" 

Nauna ang dalawa sa paglalakad- tinititigan ko kung kambal ba sila o may pagkakatulad ba sila sa kilos o pagsasalita. Pero wala talaga Mimay!  -_-

Si Valerie, deretso at matingkad na maitim ang buhok na hangang balikat. Maputi at singkit. May katangusan ang ilong at maliit ang boses.

Si Edeza, kulot na buhaghag ang buhok na maputi rin naman. Hindi singkit at my katangusan din ang ilong pero hindi kahalintulad ng kay Valerie. Tatanong ko na nga lang mamaya kung pano sila naging magkapatid! 

Umupo na kami sa isang bilog na lamesa sa carenderya. Ang daming linagay na patis ni Edeza sa kanyang lugaw at si Valerie naman ay paminta ang nagustuhan. Natutuwa ako sa kanila kasi kahit sa pagkain ay nagkukulitan parin sila.

"Hoy Val! Dahan dahan! Baka maunahan mo pa si Ma'am sa Lugaw e! Takaw!" asar ni Edeza sa kapatid.

"Kumain ka na nga lang diyan! Ang dami dami mo ng kinita e!" sabay irap ni Valerie sa kapatid.

Siningit ko na ang tanong ko....

"Kambal kayo?"

"Ay! Ma'am hindi po." sabi ni Edeza.

"Sa tatay lang po kami magkapatid kaya parehas Aquino! Taray diba Ma'am! Maka- Pnoy!" dugtong pa ni Edeza. At pinaliwanag ni Valerie sakin ang lahat...

"Maraming nagtataka Ma'am kung paano kami naging magkapatid. Hindi po ikaw ang unang nagtaka at nagtanong kung kambal po kami. Noong bata pa lang kami ay ipinalabas samin ni Nanay at Tatay na kambal kami pero habang lumalaki kami ay alam namin sa sarili namin na hindi at talagang magkapatid lang po kami, Pero inamin rin po sa amin ni tatay ang totoo noong 10 years old na po kami." 

sabay budbod ulit ng paminta sa lugaw niya. At sa pagpapatuloy niya

"Si Nanay po ay isang labandera sa isang Mayaman na pamilya ng Chua at si Tatay po ay driver ng bunsong anak na babae ng mga Chua na nag-aaral sa isang mamahaling eskwelahan. Araw-araw po ay hatid sundo ni tatay ang bunsong babaeng anak ng mga Chua at parang body guard narin sa mga gimik-gimik. Sa hindi inaasahang pangyayari ay napikot ang Tatay ng bunsong babaeng anak ng mga Chua, at nagkaroon ito ng bunga- Ako po yun! Sakto! ay buntis narin pala si Nanay kay Edeza at tumigil na ito sa paninilbihan sa pamilya ng Chua at ng isang araw ay umuwi na puro pasa si tatay at lumuhod ito na humihingi ng tawad kay Nanay ginulpi raw siya ng mga utusan ng ama ng babaeng nabuntis niya. Nang ikapitong buwan ay nalaman ng mga Chua na babae ang magiging apo nila, pinatawag nila si Tatay at sabi na pagkapanganak ay si tatay na raw ang bahala sa akin dahil wala raw akong silbi dahil babae at aalis na sila ng Pilipinas papuntang Amerika."

higop ng Lugaw... at

"Kaya ako si Valerie Chua Aquino at siya po si Edeza Estella Aquino! Magkapatid po kami! sa isip at puso. Mahal po ako ng Nanay ni Edeza at wala dahil sa pagmamahal na yun ay hindi ko na siguro kailangan pang maghanap pa. Kahit po isang kahig, isang tuka kami ang mahalaga po ay sama-sama kami. Si tatay driver at si nanay labandera tapos kami nagtitinda! Oh diba ma'am may naitutulong kami sa ekonomiya! "

"nakikinig ka pala kay sir Santos sa Economics?" tanong ni Edeza.

"Joke lang yun bhe! wala talaga akong alam dun!" sagot ni Valerie.

_________________________________

10pm

Ayy nako Mimay! Tulog na may klase kapa bukas!!!! >.<

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Apr 30, 2013 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Edukasyong ABKDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon