Haruna's POV
"Oi, mall naman tayo bukas o," sabi ng isa kong friend. "Oo nga Masaya yun," echo naman ng iba. "Haruna, sama ka?" Tanong ng isa. O oo sana ako, pero napahinto ako. "Guys, I'm sorry. Pass muna ako," sabi ko with a weak smile. "Hmp? Bakit naman?" Tanong ng isa. "A-Ano eh... May pupuntahan ako. Sorry," sabi ko. Nag buntong-hininga sila. "Ok, pero next time. Sasama ka. Getz?" Sabi ng isa. "Oo naman," sagot ko na medyo natatawa. Nag paalam na kami at umuwi na din ako.
Hindi ako sumama sa kanila dahil may training ako sa Caless. Ang Caless ay isang school for art. Di art na painting or sketching. Arts na pagsasayaw, pagtugtug ng instruments at pagkanta. Malaki-laki ang gastos nina mama at papa dun kaya alam kong pagbubutihan ko.
Flashback:
4 years ago...
"Anak," sabi ni mama. Napatingin ako sa kanya. "Bakit ma?" Tanong ko. "Alam namin na magaling kang sumayaw. You were born a dancer. At alam na alam namin kung gaano mo ka gusto maging professional dancer sa future," sabi naman ni papa. Bakit ang drama ng atmosphere?
"Ma, pa? May mali ba? Ang drama niyo eh," sabi ko. Nilagyan na ni papa yung plato ko ng kanin. Ngumiti si mama at papa sa akin. Creepy... "Anak, inenroll ka namin sa Caless," sabi ni mama. Nabitawan ko naman ang chopsticks ko. "Kaya pagbutihan mo, anak," sabi ni papa at inakbayan si mama. "Weh? Nagbibiro kayo?" Natatawa ako. Umiling silang dalawa.
So, totoo pala?
Waaaah!
Caless. Isang prestigious art school na nagkakahalaga ng 21,000 yen per month(AN: 8, 800 in pesos). At inenroll ako nina mama't papa? Lucky jackpot! Ang saya ko!
Tumayo ako at niyakap sina mama at papa. Medyo naiiyak pa nga ako eh. "Thank you po talaga. As in, thank you," bulong ko. Niyakap din ako nila. "Alam kasi naman magtatagumpay ka baling araw, Haruna," sabi ni papa at hinalikan ako sa noo.
Present...
"One, two, three, four..." pagbibilang ng instructor namin ako naman walang tigil sa pagsayaw for about two hours na ata. Pero wala akong pake. Hindi ko pinpansin ang pagod. Dahil ang isang tunay na dancer may hardwork at determinasyon. Ng matapos ang routine nakipag high five ako sa mga kasama ko. "Good, galing niyo girls!" Masayang bati ng instructor. "Eh, magaling din ang nagtuturo eh," sabi ng isa kong kasama. Tumawa kaming lahat. Tama, magaling talaga si Sir Nomura isa siyang magaling na dancer. Sayang naman siguro ang binabayad namin kung hindi magaling ang nagtuturo. "One hour break girls. Oh! But before that please come closer," sabi niya. Lumapit naman kami.
Tiningnan niya ako, si Mika, si Michiru at Chika. "The four of you. Please stay the rest may go," sabi niya. Umalis naman yung iba naiwan kaming apat. Kinakabahan ako. Paano kong hindi pa sapat ang ginawa namin? Baka ang dami ng mali namin? O di kaya kick out na kami?
Hindi, Haruna! Think positive!
Ngumiti sa amin si sir. "Alam niyo sa apat na taon na nandito kayo. Kayo ang mga pinakamagaling na dancer dito sa Caless. Oustanding palagi ang performance niyo. At alam kong alam niyo din yun. Maraming magagandang feedback sa inyong apat," pagsasalita ni sir. Tiningan ko yung mga kasama ko. Yep, four years na kaming magkakasama sa art school. May bonding na din kami eh. Marami ding nagsasabi na kami daw ang pinakamagaling na dancer sa Caless. "Kaya I chose the four of you. May big break sa inyo guys," sabi ni sir with a smile. Nagtinginan kaming apat. "Ha? At ano naman yun, Sir Nomura?" Tanong ni Michiru.
"Backdancers,"
Nagtinginan kami ulit. "Ha?" Sabi namin ng sabay-sabay. Umirap si sir at nag-cross arms. "Backdancers, guys. Upcoming movie yun. Kasama niyo si Aya Hirayama . At kayong apat will be in that movie. I mean, di naman kayo yung lead cast. But you will be in the movie," paliwanag ni sir. Tumalon kaming apat. Talaga? Mag kaka movie na kami? As in? Hindi ko 'to ine-expect. "Sure na ba yan, sir?" Tanong ni Chika. Sumimangot si sir, "You're doubting me, Chika?" Aniya. Umiling si Chika. "Parang hindi kami kasi maka paniwala eh. I mean, movie? Oh my god! Excited na ako!" Masayang sabi ni Mika. "Simula ngayon gagalingan na namin, Sir Nomura! Dodoblehin namin ang pag ensayo," sabi ko na may malapad na mga ngiti. Tumango si sir, "Tama si Haruna, girls. Two times na ang magiging training niyo. And I know you won't let me down. Ipakita niyo ang produkto ng isang Caless dancer!" Excited na sabi ni sir. Tumango naman kaming apat.
BINABASA MO ANG
SCANDAL(DISCONTINUED)
Teen FictionPaano nga ba sila naging legendary all girl rock band ng Japan?