Ang Eroplanong Papel [ o n e s h o t]

1.7K 83 12
                                    

"HAHAHAHAHA! Kelan ba tayo magde-date?"

"Hoy bruha, kame ang magde-date!"

"Andrew's mine! "

"Ang epal mo panget ka! Akin si Andrew!"

Ano ba naman yan! Ganito nalang lagi ang eksena tuwing natatapos ang class namin. Laging may mga babaeng sumasabay at dikit nang dikit kay Andrew.

Ako naman, heto, nakaupo nanaman sa may ilalim ng Acacia Tree na malapit sa Botanical Garden ng school namin. Inaangkin ko ang lugar na ito kaya madalas, ako lang ang tao dito.

And yes, loner ako. Aminado naman ako dun e. Halos lahat kasi ng mga babae dito, sosyalera. Ang mga lalaki naman, gusto nila, sosyalera. At wala akong bahid ng pagiging sosyal sa katawan ko.

Ay! Oo nga pala, ako si Andy del Rosario. Sabi ng nanay ko, kamukha ko daw si Jodi Santa Maria pero di ko alam kung maniniwala ako sa kanya.

Mahaba kasi ang buhok ko, tapos buhaghag, hehe! Pero ang sigurado ako, pareho kami ng mata ni Jodi and proud ako dun.

Tahimik lang ako lagi sa school. Konti lang ang friends ako, as in bilang sa daliri. Favorite tambayan ko itong ilalim ng Acacia Tree.

Let me tell you my ultimate secret.

dug dug dug

dug dug dug dug

Ahhhhmmm, crush ko si Andrew Louis Pascual.

-_-

Favorite tambayan niya ang Botanical Garden kasama ang mga anay na wagas kung makaangkin sa kanya, kaya dito ako tumatambay lagi sa Acacia para nakikita ko bawat galaw niya.

Ang Eroplanong Papel [ o n e  s h o t]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon