Chapter 58

3.7K 66 0
                                    

Third Person's PoV


Tahimik lang si Cindy habang naka-upo sa tabi ni James na wala pa ring malay. Lagi niyang pinagdarasal na sana ay magising na siya, hindi rin mawala sa isip niya kung talaga bang aalis siya gayong ganito ang nangyayari sa pamilya ng kaibigan at mahal niya. 

Gulong-gulo na ang isip niya, wala na si Bianca pati ba naman siya mawawala rin sa tabi ni James? 

Pero sino nga ba siya para manatili sa tabi ni James na ni minsan ay hindi man lang nalaman nito na mahal niya siya.

"Uy James kelan ka ba gigising?" usap nito sa natutulog na si James saka hinawakan ang kamay nito.

  "...Kasi nababaliw na 'ko kakaisip sa'yo e. Nahihirapan na rin ako, hindi kita maiwan kasi mahal kita kaya nga nandito pa rin ako sa tabi mo para bantayan ka kahit na pinapagalitan na ako ni Tatay. Wala eh, ganito talaga kapag nagmamahal, kailangang magsakripisyo gaya ng ginawa ng ate mo pero yung sa kanya maling daan ang tinahak niya, nagkamali rin siya ng pagstep sa stairs kaya siya nadisgrasiya. " 

Napapahid siya sa pisngi niya ng may maramdaman siya likidong dumadaloy, natawa siya bigla sa sarili niya.

"Haha. Buset! tignan mo na... Nang dahil sa'yo umiiyak ako ngayon." Napasuntok siya ng mahina sa dibdib ni James. "Ikaw kasi e~~" Sabi nito saka isinubsob ang ulo sa gilid ng kama.

Hindi niya alam na kanina pa gising ang lalaking kinakausap niya habang tulog. Nagpipigil ng tawa ito dahil sa pag-amin sa kanya ng dalaga. Hindi ito makapaniwala sa nalaman, sa isip niya... 

"Mahal din naman kita e. Matagal na!"

 Napangiti siya sa sarili niya habang dinadama ang paghawak ng kamay ni Cindy sa kanya. Gamit ng isa pang kamay niya ay pinilit niyang haplusin ang buhok ng dalaga, nagulat naman si Cindy dahil bigla nalang may humaplos sa ulo niya.

"James!" sabi nito at bibitawan sana niya ang kamay ni James kaso hindi niya nagawa dahil hinigpitan ni James ang pagkakahawak sa kamay niya.

"J-James..."  pag-uulit nito.

Ngumiti si James sa kanya.  "Wag ka ng umalis oh..." 

Pinilit na hilahin ni Cindy ang kamay niya kay James saka tumayo. Nararamdaman na din niyang nag-iinit ang mukha niya kaya nag-iwas siya ng tingin at napahawak sa mukha niya ng palihim. 

"A-Ano bang sinasabi mo diyan? S-Saglit tatawagin ko sila Tita."  Pagpapaalam nito at nagmamadaling lumabas pero bago pa man nito tuluyang maisara ang pinto ay may sinabi ni James na kailan man ay hindi niya inaasahan na maririnig niya mula sa kanya. 


"Mahal din kita, Cindy." 


--------------


Muling nagyakapan sina Charlene at Beth, ang asawa ng kanyang Tatay na si Rico. Nakipagyakapan din ito kay Nami at nagpasalamat.

"Salamat sa inyo ha. Napakabuti niyo." 

"Wala po yun Tita. Naiintindihan naman po namin kayo." sagot ni Charlene. 

"Ate..."  Tawag sa kanila ng lalaking nakaupo sa hospital bed niya. Ngumiti si Charlene, si Nanami naman ay lumapit kay James at umupo sa may kama nito.  

"May kailangan ka ba bunso?"  Nakangiting tanong ni Nanami sa kanya. 

Hindi naman inaakala ni James na tatawagin siyang 'bunso' ni Nanami. Halos lumundag ang puso niya sa kaba ng dahil dito. Nong una ay parang nag-aalinlangan pa siyang ngumiti pero kalaunan nong makita niya ang Mama niya na parang sinasabi na 'Sige-lang-anak' ay hindi na siya nag-alinlangan at ngumiti din siya. 

Im Inlove With My Sister's HusbandTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon