2 (Invitation)

40 10 4
                                    

2

+++

IRIS

Hindi ako nakatulog ng maayos. Buwiset yung Hoon na yun. Matapos kong sinabi na ibababa ko na ayun, umungol pa ang gago matapos mag good night.

Kainis.

Masyadong perverted ang lalakeng yun. Tsaka kung gusto niyang mag-ano, pwede naman ah basta't wag na wag niya akong madamay-damay.

I sighed.

Malapit na ako sa school gate namin. I can sense na lalapitan na naman ako ng mokong na yun. Arrgh. Wag naman sana.

May kumalbit naman sa akin. I was praying for my life. Sana hindi si Hoon. Isa itong life and death situation!

Arrgh.

Ayokong masira ng manyak at baliw na taong yun ang araw ko. Baka sa susunod yung mukha na niya ang sisirain ko.

Shete.

Hinay hinay akong lumingon. Nakita ko ang nakangiting mukha ni Eric, ang matalik kong kaibigan. Siya lang talaga ang naging kaibigan ko at alam na alam niya lahat tungkol sa akin.

Siya lang naman at wala ng iba pa.

Matagal na siyang nasa tabi ko at na-appreciate ko naman yun.

Sabihi6n nalang natin na pakiramdam ko nasa ligtas ako na lugar pag siya ang kasama ko. Di tulad nang kasama ko yung asungot na batang yun.

"Ang aga-aga nakasimangot ka na," natatawa niyang sabi. "Ris."

Ris. Yan ang tawag niya sa akin. In return, Ric ang tawag ko sa kanya.

"Basta. May batang asungot na umaasungot sa buhay ko."

"Strong mo yata," sabi niya ulit sabay tawa. "Si Hoon yan?"

"Ako? Strong?! Hindi lang basta strong! Galit, poot, hinanakit at masyado akong magiging strong pag mababanggit lang ang pangalan ng asungot na yun!"

Letse. Ayan na. Sira na ang araw ko pangalan pa nga lang niya ang nababanggit ano na lang talaga pag makikita ko ang mukha niya?

Magpapatali ako ng leeg sa puno ng narra!

Bigla namang may nagtakip ng mga mata ko. Sa sobra kong inis eh halos pinalipad ko na yung taong nagmamay-ari ng kamay na yun.

Halos lang naman kasi napigilan ko pa ang sarili ko.

"Tae. Kaninong kamay to?" Inis kong tanong habang hinawakan ko ang magkabilang kamay at pilit na tinatanggal to sa pananaw ko. Ayaw pa rin ng puta.

Kainis.

Napapamura na ako.

"Hulaan mo," boses pa lang kilala ko na. "Isang malaking clue. Senpai~~~"

Kadiri tong lalakeng to.

"Tang ka. Kilala kita. Tanggalin mo tong kamay mo." I said boredly. "Ngayon na."

Tinanggal naman niya yun at buti nalang napigilan ko pang sakalin tong manyak na to at magbigti sa puno ng narra.

Nakita ko naman si Eric na umuuna na. Nagbeep yung phone ko kaya nung tiningnan ko, mensahe ni Eric ang nakalagay.

From: Ric

Enjoy your quality time. Lol. >:P

Lechugas. Anong quality time. Akala ko kaibigan ko tong si Eric? Walang modo inereto ako sa taeng manyak na to.

Bigla namang sumilip si Hoon sa phone ko. "Uy. Sinong ka-text mo senpai?"

Agad ko namang in-off yung lockscreen para wala siyang makita.

"Wala ka na doon."

Nagpatuloy ako sa paglakad nang malapit na sana akong makarating sa gate eh bigla na lang akong hinatak.

And then. He smiled at me. Halos naningkit na yung mga mata niya forming an eye smile.

"Senpai. Date tayo."

Wot?

Putragis. Ano raw? Date?!

Ako. At. Siya?!

Hell no!

No way in hell!

Talaga lang.

Kung magpipilit pa tong manyak na to ipapalipad ko to papuntang Mars!

Kaya lang. Anak talaga ng tae. Inunahan na ako ng mokong. Nabigla ako nang hinawakan niya ang dalawa kong balikat. He pressed his lips into mine and without saying a word, pinasok na naman uli niya ang dila niya.

Kung kailan kailangan na kailangan ko ang telekinesis di ko naman magamit.

Bigla nalang may nagpito.

"Hoy mga estudyante riyan! Wag na kayong papasok." sigaw nung prefect na di kalayuan ng school gate. "Banned na kayo for this day sa ginawa niyo!"

"Ano?!"

"Yun lang!" sabi nung prefect.

"Halika na. Pwede na tayong magdate." Cheerful namang sabi ni Hoon.

KAHIT KAILAN TALAGA PARA-PARAAN ANG MANYAK NA ASUNGOT NA TO!

Frustrated na ako kaya naglakad na lang ako papauwi. Eh sundot pa rin ng sundot yung asungot.

"Ayos lang senpai kung sa bahay niyo tayo magde-date."

Never Don't Mind About A Thing!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon