Kaibigan

1.9K 42 14
                                    

Sino nga ba ang tunay na kaibigan?

Ano bang kahulugan ng salitang KAIBIGAN?

Para sa akin ang mga kaibigan ay ang mga taong nagpapasaya sayo kapag may problema ka.

Sila yung mga taong nagpapa-alala sayo na hindi ka nag-iisa.

Ang mga kaibigan ay nandiyan lagi para pakinggan ka sa mga problema mo kahit ito man ay korny, walang kwenta, o walang saysay. 

Sila yung tipong tao na hindi ka basta basta iiwan na lang bigla sa ere.

Sila yun mga taong hindi basta basta ituturo sa iyo yung sagot, ituturo lang nila sa iyo yung solution.

Pag may problema ka bukod sa mga magulang mo ang pagsasabihan mo ng problema mo ay nandiyan din ang mga kaibigan mo para iyakan at gawin unan sa oras ng iyon paglulumbay.

Sila yung tumatayong advisor para sayo, sila din ang nagbibigay buhay para gumaan ang loob mo

Pag malungkot ka nandiyan sila para patawanin ka, na kapag kailangan mo ng balikat na maiiyakan ay lagi silang libre para iyakan mo na parang unan.

Sabi nga nila mas mabuti pang makasama ang mga kaibigan kaysa sa syota, kasi ang syota pwede kang iwan, pero ang kaibigan nandiyan lagi at hinding hindi ka iiwan.

Ang kaibigan ay laging nandiyan para damayan ka, mapahirap man o mapaginghawa.

Sila yung taong hindi ka babalewalain sa oras ng iyong paghikbi, sila yung mga taong laging nakasunod sayo kahit san man magpunta.

Sila yung mga taong hinding hindi ka pababayaan kahit ano pang mangyari.

Pag may problema ka lagi silang nandiyan para pasayahin at ipaalala sayo na balewala ang problema kasi nandiyan naman sila para pangitiin ka at sila ang taong tumutulong sa iyong makalimutan ang mga problema na iyong hinaharap.

Kumbaga, parang sila yung life guard ng buhay mo kasi pag nalulunod ka na sa iyong mga problema ay lagi silang nandiyan para sagipin ka at i-ahon ka sa lalim ng iyong kinalalagyan.

Mahalin mo ang iyong kaibigan na parang kapatid, pinsan,classmate o kahit ano pa man.

Cherish every moment with them, and love them just like the way you love your family.

Hindi naman masama kung sobrang close ang mag-kaibigan lalaki eh, wala naman problema doon, ang mahalaga nagmamahalan kayo na parang magkapatid. Pag sobrang close lang ng magkaibigan lalaki bakla kaagad? hindi ba pwedeng malapit lang talaga sa isa't isa at ine-enjoy lang nila ang bawat moment na magkasama sila.

KAIBIGAN- Isang taong laging nandiyan para sayo at hinding hindi ka iiwan magpakailanman.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Apr 30, 2013 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

KaibiganTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon