My Stupid First Love (Ongoing)

56 5 4
                                    

Inroduction :

Pag ba ayaw na sayo ng isang tao , gugustuhin mo pa ren kayang ipilit yung sarili mo kase ayaw mong masayang yung panahong nilaan mo para sa kanya ??? Selfish ba ang Datingan ? ... E pano yun kung siya na yung lumalapit sayo kung kelan AYAW mo na ??? ... KAKAINIS diba? Hay Buhay asaan ang hustisya .. (O.A.)

- - - - - - - - - - - - -

Chapter 1 - Meet me

Hi ! isa po akong probinsyana . Yung tipong palda na lampas tuhod ,blouse na mukang basahan na ginagamit ng nanay nyo sa pampunas ng sahig , simpleng buhok na bagsak at kayumangi ang balat .. IN SHORT panget , Sige na panget na ......

Naglalakad po ako ngayon hawak ang basketng lola ko , mangunguha po ako ng prutas at gulay , gulay sa bukid . Konting lakad lang naman to mula sa aming kubo ... Habang naglalakad pa lang naman ako , Ako nga po pala si Ysabelle Mandayao, 8 Years old po sa ngayon mag-9 nako (NATURAL) , si lola Belinda ang kasama ko sa Kubo simula pagkabata , dahil ang tatay ko ? , ewan ko , hiwalay na kase sila ni nanay Belle kaya napaMaynila si nanay para may pampayusyos po ako , Kasama rin namin si tiyang Linda na hanggang ngayon wala pang asawa ....

A.N : Sorry po sa kaiklian ng chapter 1 ... bawi na lang po ko sa ibang chapter ..

- - - - - - - - - - - -

Chapter 2 - I met Him

Ayun , nandito na ren po pala ako sa  bukid , kung kanino man tong bukid na to , Salamat at kami ang nakikinabang , sa sobrang lake ng lupa nato ang dami nang kung anu anong tumutubo ....

kumukuha ako ng papaya nang may biglang,

"AHHHRRRGGGG !!!!" , may lalaking sumigaw at parang galit .

Hinanap ko kung saaan yun nanggaling habang hawak ang laylayan ng palda ko ang basket at yung papaya . Nakita kong may tao sa may malaking puno doon , yung Narra ... nagtago ako sa likod ng katapat na puno ng Narra at tsaka ako sumilip , bata siyang lalake at magara ang suot , hindi ko makita yung muka nya kase nakatalikod sya habang binubugbog yung puno ng Narra , Akala nya siguro mapuputol nya yan ?? Baliw naman to . Nang Magsalita ulit yung bata ..

"Lage na lang ba ako Male ?? Sila palagi TAma ?!!" , Nung sinabi nya yun gusto ko sanang  magtanong kung baket , Kaso inagawan ako ng Moment ng Papayang hawak ko . NABITAWAN ko !

Humarap yung lalake , at Agad Agad naman akong nagtago sa puno ... PUNO NG MALUNGGAY !

Mayb nagsalita ulet at narinig ko kaliskisan ng damo parang lumalapit sya ...

"Sino Ka ?" Hala ! lumalapit yung boses nya .. Pumikit na ako , Baka masapak ako ?

"Hindi mo ba ko narinig? , tinatanong kita !" Kinikilabutan ako sa sigaw nya ..

"Dumilat ka nga !" Pagdilat ko bumungad yung muka nyang mala Anghel sa ka amuhan , singkit ang mata nya maputi at matangos ang along ... IN SHORT GWAPO ! kita mo yan ? 8 years ald na probinsyana malandi na agad ??

"Ano ba ?! PIpe ka ba ?! bat ba Ayaw mong Sagutin mga tanong ko?!!!" Natauhan ako at agad na pinulot ko ang papayang agaw eksenang sumira ng moment ko .

"Hey ! . Tinatanong kita !!! Sumagot ka nga !!!" Pasigaw niyang banat . Tingnan mo tong poging to ? magtatanong lang kaylangan sumisigaw? OO PANGET ako pero hindi ako BINGE , Kotongan ko kaya to ??

"Ano ?!!!..."

"OO ! NAririnig kita ! hindi mo kaylangang sumigaw , Hindi ako binge !! Kung malinawanag sayo ako si Ysabelle ... Ano masaya ka na?!!!" Binigay ko ang buong lakas at enerhiya ko sa pagsasabi ng mga salitang yan ...

My Stupid First Love (Ongoing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon