so called word "pag-ibig"

67 0 0
                                    

epilogue

may mga bagay na mahirap maintindihan lalu na kung hindi mo pa nararanasan o nararamdaman

sa buhay natin may mga taong darating at may mga taong aalis na magiging parti at dahilan ng ating mga

saya,

lungkot,

pagtatanong,

curiousity natin sa mga bagay bagay

at sa mga kabiguan natin.

importante para sa ating lahat ang pamilya

dito tayo hinuhubog, ginagabayan, tinuturuan at kinakalinga.

dito tayo natututong gumalang, magpahalaga, makisama at magmahal.

halos lahat ng kailangan natin nasa pamilya at nasa loob ng tahanan pero ang hindi natin matututunan ay ang magkamali dahil sa bawat pagkakamali natin nandyan ang mga taong sasalo satin.

mga pagkakamali na huhubog sa ating bilang isang matatag at matapang sa pagharap natin sa buhay

at ang mga pagkakamali ay matututunan natin sa labas at sa mga taong ating makakasalamuha sa araw araw.

mga taong hindi natin kaano ano ngunit nasasabihan natin ng mga problema na minsan sa kanila lang natin nasasabi,

mga taong nkakasama natin sumuway para lang maging masaya,

mga tao ding magbibigay satin ng dahilan para umiyak at masakatan pisikal man o emostional,

mga taong magpapahalaga satin

at taong kaya kang mahalin kahit ano ka pa.

eto yung pagmamahal na nagkakaroon ng kabiyak ang iyong puso.

pagmamahal na sa kanya mo nakikita ang pamilyang gusto mo.

sabi nila pag nkita mo na yung taong para sayo makakaramdam ka ng paghalukay sa tiyan mo.

sabi naman ng iba meron kanta na tutugtog habang tinititigan mo siya at habang papalapit siya sayo para kang natutunaw.

meron din namang lalabo ang paligid at siya lang ang nakikita mo kahit, kahit maingay siya lang yung maririnig mo, at wala kang pakielam kahit ano pang gawin mo at sabihin ng ibang tao

meron ding hindi inaasahan yun bang asaran ng asaran pero yun pala may something na

yung tipong sasabihin nila na never magiging kami pero in the end namimiss mo yung pangungulit, pangaasar at pangbabara niya

yung inis ka pag hindi ka niya pinansin kahit gumawa ka ng kung anu anong pagpapapansin para lang sa kanya.

meron ding ngiging best friends na naging sila yun bang alam nila lahat ng gusto ng isat isa na kung minsan akala mo magasawa

yung pag nasaktan siya ikaw n mismo yung gustong mangaway dun sa nagpaluha at nanakit

meron din kahit pareho ng kasarian eh walang pakielam at kahit kalaban pa nila ang buong mundo basta mahal nila ang isat isa eh ayus lang

yung tipong nagtatago sa mga tao para lang magawa nilang maging sweet, maglambingan at magasikasohan

yung pag may ibang kasama pasimple pero nagpipigil

meron din one sided kung tawagin yung ayus lang kahit hindi ka niya gusto yun bang kahit masakit para sayo gagawin mo yung bagay namakapagpapasaya sa kanya.

yung tipong kahit maghintay ka sa imposible gagawin mo. na alam mo na isang tao lang ang mahal niya at magpaparaya ka.

kahit nasayo na pakakawalan mo pai kasi dun siya liligaya.

at marami pang iba...

sabi nila ang pagibig pag nakita mo na wag mo nang pakawalan, sabay niyong ipaglaban kahit sino pang hadlang, ibigay mo ang lahat ng makakapagpasaya sa kanya, at wag mong hahayaang lumuha siya.

pero ano nga ba talaga ang pakiramdam ng.....??

mahalin,

magmahal,

masaktan,

maging masaya,

umasa,

sumugal,

magtiis,

anu nga ba talaga ang so called word na pag-ibig?

bakit wala ito definite na meaning?

may mga nasasabing love is like a rosary that is full of mysteries

siguro dahil sa wala nga itong exactong kahulugan.

siguro dahil bigla na lang itong dumarating ng hindi inaasahan.

meron din namang nagsasabing

love moves in mysterious ways.

love is the greatest power in this world.

pero lahat ng ito isa lang ang ibig sabihin na ang salitang ito ay isang mahiwaga at hindi basta basta.

paano mo ba masasabing pag-ibig na nga?

mahirap sagutin lalu na kung hindi mo pa nararanasan minsan ang daling magpayo sa kung kani kanino pero pag ikaw na ang nasa sitwasyon ikaw mismo hindi mo na alam ang gagawin.

sa aking mga tanong hindi ko pa alam kung paano ko sasagutin dahil hindi ko pa ito nararamdaman.

pero alam ko darating at darating ang panahon na masasagot isa isa ang aking mga katanungan

at sana pag dumating ang tamang tao at ang damdaming ito masabi ko at maiparamdam ko ang nararapat

at masabi ang mga katagang

"I LOVE YOU*

so called word "pag-ibig"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon