Is It That Hard?

23 2 0
                                    

[One Shot]

"Crush mo na yun?" sabi ng kaklase ko

"Hihi. Oo, napanaginipan ko kasi sya kahapon." sagot ko naman

"Ay sheems. Yun lang rason mo? Ano yun love at first dream?" sabi naman ng barkada ko

Lahat sila nakikinig sa akin. Chismosa talaga. Haha

Ako ng pala si Mars. Masiyahin daw akong tao, sabi ng marami. Makulit at madaldal. Madaldal lang ako kapag nakikipag-usap ako sa mga kaclose ko, pero pag hindi ko kaclose napakatahimik ko hanggang sa mapanis nalang laway ko. Haha joke. Ang dami ko din raw crush, pero parang iba ito. Parang may ano. Haha.

"Ayun sya oh! Naglalaro ng volleyball." sabi nung kaklase ko

Nakita ko naman si Ken. Putek! Ang tangkad, sporty, moreno at gwapo syempre. Inistalk ko sya kanina. Haha. Mataba pala sya nung Grade 6 tas bigla nalang pumayat. Itanong ko kaya pano niya nagawa yun? Ang taba ko na kasi e. Huhu

"Ken!" tawag ni Giov. Babae po yan, name nya lang panglalaki. Kaclose nya si Ken kaya tinawag. Hihi

"Ano yun?" sagot naman ni Ken. Nagbreak muna sya. Kita ko nga yung pawisan nyang katawan. Tuksoooo layuan mo akooooo! Sarap iuwi!

"May crush sayo yung kaklase ko. Kilala mo si Mars?" sabi ni Giov na kinagulat ko ng husto. Puteeeeek! Di ako ready a? Sheet ka Giov. Napatalikod naman ako.

"Aah, oo. Kilala ko naman. Haha." sabi ni Ken. Ngumiti sya at tumawaaaaaa! Omg! This is love na guys. Haha

Naglalakad na ako palayo pagkatapos nun kaya di ko na narinig yung pinag-usapan nila. Huhuhu. Ang saya ko grabee!

"Maaars!" Wait. Si Ken tinawag ako. Ano ba gagawin ko?

Unti-unti nalang ako lumingon at biglang.............. nginitian ako? Yeng tetee?! Magpapaparty na ba ako?! HAHAHAHAHAHA sheeeeeeeeeet kinikilig akooo talaga abot langiiiit

---

Kinabukasan, maaga akong pumasok. Wala e, inspired. Haha.

Patungo na ako sa room nang makita ko si Ken na nagtetext. Kunin ko kaya number niya kay Giov? Haha. Landi ng gaga o.

Napansin niya naman yung pagdating ko. Magkatabi kasi kami ng room. Haha, swerte ng lola nyo.

Nginitian naman ako ni Ken. Puta. Paano ako ngingiti? Baka parang natatae ako pagngingiti ako pabalik sa kanya. Kaya ang ginawa ko ay lumakad nalang ng mibilis. Haha. Confidence, saniban mo nga ako ngayon din.

Natapos ang klase ng matiwasay. Di naman ako pinalayas sa klase. Yes! Haha. Nakita ko si Giov na pauwi na. Wait, may naalala ako.

"Giov!" sigaw ko

"Oh? Ano kelangan mo?" sagot nya. Tignan mo to o, ang suplada. Baka meron ngayon. Tsk tsk

"Pengeng number ni Ken." sabi ko sa kanya. Iniabot naman nya phone nya sa akin. Wala man lang nagtanong. Haha. Mabuti naman yun oy.

Nakuha ko na number nya at nagmadaling nagpaload sa pinakamalapit na tindahan. Nagpapasalamat ako kay Giov sa mga ginagawa niya. Haha

Nakarating na ako ng bahay. At nakaregister na rin sa promo. Itetext ko na sya. Huhu. Nanlalamig kamay ko.

Hi :) - Ako

Walang pang 1 min, nagreply agad siya. Sheeeems!

Sino to? - Kenmahlabssosweet

Mars to. Binigyan ako ni Giov ng number mo. Haha - Ako

Aah. Hello nga pala. Haha - Ken

Ang sweet talaga. Haaays

Hihi. High low din. - Ako

Naghintay ako ng reply nya. Mahigit 30 min na ang nakalipas pero wala paring reply niya.

'Good Morning.

Gm. #Neck' - Giov

Ay nakatulog pala ako kakahintay. Gm lang pala ni Giov yung nandito. Tss

--

Pumunta na ako sa school. Hindi masaya araw ko. Pwe!

Wala pa si Ken sa room nila. Haays. Pumasok na ako sa room namin at inilagay ang gamit sa upuan ko. Nakita ko naman si Giov na busy sa pagtetext. Matripan nga.

Dahan-dahan akong naglalakad. Plano ko kasing gulatin siya.

"HOY!" sigaw ko sabay hawak sa magkabilang balikat nya.

Namutla naman sya na parang nakakita ng multo. Odiba? Ang effective, galing ko talaga.

"A-a-aah. Ikaw pala Mars. Kala ko kung sino." nerbyos nyang sabi

Napansin ko naman yung hashtag nya kaninang umaga. May nakita akong something sa leeg nya. Wait. Baka iba lang yun. Haha

Natapos yung klase namin na lumilipad ang isipan ko. Iniisip ko yung something sa leeg nya. Sa paglilipad ng isipan ko. Ayan tuloy, nahuli akong umalis sa room. Ako pa naglock.Tss

Habang naglalakad ako patungo sa gate. May narinig akong bola na parang pinapalo. Wait baka si Ken na yon.Di ko sya nakita ngayon e.

Tumakbo ako sa court at hindi ako nagkakamali, si Ken nga. Teka.... kasama niya si Giov a?

"Ken, di mo ba sasabihin kay Mars to?" Giov

"Bat ko naman sasabihin? Kaano ano ba kami?" Ken. Putek! Parang may nabasag sa loob.

"Bastos ka talaga no? Baka magtampo yun sa akin." Giov

"Haha. Di yun. Alam mo naman na sayo lang ako diba?" Ken. Ang init nung mga mata ko. Sheet! Ano bang nangyayari?

"Haha. Bat pa kasi ngayon ka pa umamin? Alam mo bang nakokonsensya ako? Pinaasa mo sya" Giov

"Di a. Gusto mo lang yun yung gawin ko that time, kaya sinunod ko." Ken

P U T A N G I N A

"Haha. Kinakabahan ako pag nasa tabi ko sya e. Nakokonsensya ako." Giov

"Haha. Ako na bahala dun, babe. Ikaw lang naman yung gusto ko e dati pa." Ken

"Kinikilig ako, wag ka nga. Haha." Giov

"Btw, bagay sayo yung bigay ko. Haha. Letter K stands for Ken. Bagay talaga tayo babe." Ken

Ayoko na. Nanghihina na ako. Tumakbo ako palayo sa lugar na yon. Hindi ko napansing umiiyak na pala ako.

Kaya pala. Letter K yung kwintas. Yung hashtag din. Binaliktad nya lang at nilagyan nya ng 'c' para di masyadong halata. Kaya pala.

Ang tanga ko. May hinala naman na ako sa hashtag pa lang. Karma ko lang at pinagwalang bahala ko lang. Puta! Napasakit.

First love e. First true love ko sya. Pero ginago lang nya ako, at may bunos pa may kasamang kaklase na close ko. Tadhana, pinuputa mo ba talaga ako?

Ayoko na. Ang sakit. Ganito pala pag brokenhearted yung isang tao. Nagdadrama. Palagi nalang ba tayong one sided love na masaktan?

I was loved him in just 3 days. I know its so fast to develop but that was my heart wants.

Want to feel special to someone.


Want someone to love me back.


But is it that hard to do?


To love me back?


To make me special in their lives?




Is it that hard?

Is It That Hard?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon