"JEEPNEY"

2.3K 26 14
                                    

"JEEPNEY"

 hindi ko po inilagay ang totoong pangalan ng mga tauhan ng kwento

 para ma pangalagaan ang kanilang pangalan (NAMAN)

 PS:hindi ko naman talaga alam kong ano ang pangalan nila ehhhhahaha

 kaya hindi na ako naglagay ng pangalan lol

ALIMOWTKHEA---> ALLRIGHTRESERVED 4-30-13 !@:)& am

 Pauwi na ako ngayon galing sa gimik 12am na at nasa sakayan paako ng jeep

 nang napuno ito ay  agad naman itong umalis.

 nasa gitnang bahagi ako ng jeep, siyam ang nakakaupo sa bawat side ng jeep

 kaya medyo marami kami. may katabi akong bata kasama ang kanyang ina.sa left

 naman ay may mga tatlong tao pa bago sa pintuan ng jeep. may natutulog na nakaheadset

 may nag tetex at may tumitingin tingin lang katulad ko.

 Malayo pa ang bahay namin halos dalawang oras bago ako makarating samin kaya

 medyo inantok ako di katagalan naka tulog ako.

 Paggising ko ay marami rami parin kami 7 sa side namin at 8 sa harapan ko

 tingin-tingin ako sa paligid wala lang, walang trip ehh,,

 maya-mayay narinig kong pumara ang katabi ko nagmamadali ito na parang may hinahabol.

 ngayon ang katabi ko na ay mag nobyo

 nakahiga ang babae sa balikat ng lalaki at parang natutulog ang babae

 ang lalaki naman ay gising at inalalayan ang babae, hawak niya ang bag ng kanyng nobya

 how sweet, kung hidi sana nag pagabi di sana ganyan ka pagod pahiga higa pa sa balikat

  "BITTER" ako ng time na yun tiningnan ko ang babae

 hindi ko makita ang mukha ng babae kasi natatabunan ito ng buhok niya

 di katagalan may bumabang dalawang lalaki. 1hr. nalang bababa na ako,

 umusog ang mga pasahero, ngayon ay matandang babae na ang nasa harapan ko

 tumitingin tingin siya.

 tingin sakin,

 tingin sa katabi ko,

 sa katabi niya, sa kabila.

 natigil siya sa magnobyo, tiningnan niya ito at parang nakakunot ang noo

 napatingin siya saakin at ngumiti naman ako pero  ibinalik niya ang tingin sa magnobyo

 si lola naman nakiusyuso pa..

 nasa palangke na kami maliwanag pa dito at may konting tao pa na namimili

 napansin ko si lola na parang gulat na gulat na tumingin sa mag nobyo

 "PARA,PARA, PARA!" nag mamadali niyang sigaw

 ng tumigil ang jeep ay nauna pang bumaba ang lalaki, tumakbo at iniwan ang kanyang nobya

 dala ang bag nito.

 nagulantang ako sa nakita ko, nakahiga na ang babae at duguan may nakasaksak ma kutsilyo

 sa kanyang tagiliran, maputlang maputla ito na parang naubusan ng dugo.

 ang sabi ay nursing student ito na nag withdraw,

 sinundan ito at hinoldap ng di namin namamalayan, ng hindi ibinigay ang bag nito ay

 sinaksak ng holdaper, nawalan ito ng buhay sa loob ng jeep na nakasandal ang ulo sa taong pumatay sa kanya.

                                                                                                ALimowtkhea .. 

---------------------------------------------------------------------------------------------------

Salamat po sa nagbasa!!

Uupdate ko lang po kayo kung mag UUD na ako sa new short story ko :) solomot 

My short creepy storiesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon