Justine's Pov
Haaaaayy .. Eto nanaman ako tinitingnan siya .. Magkakasalubong kami sa Hallway ng school ..
"Good Morning!" Pag bati ko sa kanya .. at katulad ng dati nginingitian niya lang ako .. lagi ko siyang binabati ng Hi , Hello , Good Morning .. pero puro ngiti lang ang sagot niya sakin ..
Hindi ko alam kung ano tong nararamdaman ko .. pero gusto ko lagi ko siyang nakikita .. kahit ngiti lang ang sagot niya tuwing binabati ko siya feeling ko buo na ang araw ko ..
Lagi ko siyang tinitingnan .. Balak ko na din magpakilala sa kanya ..
>>>>>>>FF>>>>>
Eto na yung araw na pinlano ko .. Magpapakilala na ako sa kanya ..
Nakita ko na siya ..
"Aahhhmm Hi ! Ako nga pala si Justine !" Pagpapakilala ko sa kanya ..
Pero nginitian niya lang ako ..
"Ikaw ano pangalan mo ?" Tanong ko sa kanya .. Pero nagulat ako sa ginawa niya ..
*nag sign language siya*
"You can't speak ?" Tanong ko ulit sa kanya .. Tango lang ang isinagot niya sakin ..
"Ahh sige . Nice to meet you ! Bye na ahh ! May gagawin pa ako ehh !" Pagpapaalam ko sa kanya at umalis na ako ..
-----------------------------------------------
Jane's Pov
Hi ! Matagal na akong may gusto dun sa isang ka school mate namin .. Lagi niya akong binabati pero ngiti lang ang sagot ko dahil hindi naman ako nakakapag salita , inshort Pipe ako .. Justine ang pangalan niya .. Pano ko nalaman ? Syempre dakilang stalker ata ako ! At tsaka nagpakilala siya sakin nun !
<<<<<<<<<<<<flashback<<<<<<<<
"Aahhhmm Hi ! Ako nga pala si Justine!" Yan yung pagpapakilala niya sakin .. at dahil hindi nga ako makapagsalita .. Nginitian ko na lang siya ..
"Ikaw ano pangalan mo ?" Yan ang tanong na hindi ko alam kung paano ko sasagutin .. kaya no choice ako .. Nag sign language na ako ..
Nakita kong nagulat siya .. At natatakot ako sa kung anong pwedeng maging reaction niya ..
"You can't speak ?" Tanong niya ulit sakin .. At tumango na lang ako ..
"Ahh sige . Nice to meet you ! Bye na ahh ! May gagawin pa ako ehh !" Pagpapaalam niya sakin ..
>>>>>>>>>end of flashback>>>>>>>>
Simula nun hindi na siya nag pakita sakin .. walang bumabati sakin .. Anim na buwan na ang nakalipas pero hanggang ngayon hindi ko alam kung nasan na siya ..
Isa lang ang pumapasok sa isip ko .. Na-turn off siya sakin kasi di ako nakakapagsalita - yan lang nasa isip ko ..
Hanggang sa hindi inaasahang pagkakataon nakita ko siyang muli ...
--------------------------------------------------
Justine's Pov
Pagkatapos nun .. Hindi ako nagpakita sa kanya ng Anim na buwan ..
Hindi dahil Na-turn off o nandiri ako dahil hindi siya nakakapag salita ..
Umalis ako para mag aral ng sign language para maintindihan ko siya .. kahit sa ganung paraan lang ..
Pagkatapos kong mag aral ng sign language ay hinanap ko siya .. nahirapan ako sa paghahanap dahil hindi ko alam ang pangalan niya ..
Dinedescribe ko lang siya .. Hanggang isang araw nakita ko na siya .
"Hi .. sorry ang tagal kong di nagpakita sayo .. Nag aral kase ako ng sign language ehh" Nakita ko na nagulat siya at ngumiti ..
Simula nun niligawan ko siya .. halos 2 months din akong nanligaw sa kanya .. aaminin ko mahirap pero syempre kakayanin ko ..
Ganun naman pag mahal mo diba ? Nagagawa mo yung mga bagay na di mo ine-expect na magagawa mo ..
Ngayon eto na kami kasal na kami at may 2 anak ..
Gusto kong malaman niya na handa akong makinig sa kanya hindi man gamit ang tenga ko .. kundi gamit ang puso ko ..
-----------------------------------
Ano sa tingin niyo guys ? Please Vote and Comment Thanks !
BINABASA MO ANG
One shots of Love
Short StoryTungkol po ito sa mga one shot ng mga magkakaibang storya ! :) hope you'll like it ! Imagination ko lang po ito !