DANICA'S POV.
These past few days, wala na akong pakialam sa play nila. Bahala na sila diyan.
Nakakainis sila. They were trying to set me up again! Pagkatapos lahat ng tinulong ko.
I ignored Alex. Pati yung mga attempts niyang makipag-usap sa 'kin. Para san pa? He lied to me.
Hindi na lang kasi siya umamin e. Kaasar.
Lumapit ng lumapit yung performance day. Syempre, ako yung gumawa ng script, kinakabahan din ako sa kalalabasan nung play.
Pero, I tried not to care.
THE LAST DAY BEFORE THE PERFORMANCE
I can see they are all troubled. Wala silang Elizabeth e. Hindi na pumapasok yung cast namin.
What a shame. Kawawa sila.
Umuwi na lang ako. Wala pang sense na sumama pa ako sa kanila.
Nagdoorbell na ako.
Narinig kong may naglakad sa loob. Si Ate Inday. Buti naman mabilis bilis siyang kumilos ngayon.
Nag wait na lang ako sa labas ng maliit na pinto ng gate namin.
May nagbukas na. And hindi si Ate Inday yon. Si Eli girl.
WHAT IS SHE DOING HERE?!
"Hi Danica!" she said, smiling at me.
Pumasok na ako.
"Uh, hello? Anong ginagawa mo dito sa bahay ko?"
"Kailangan kitang kausapin."
Ugh, here we go again.
"Look, kung tungkol 'to sa role ng Elizabeth, ayoko, okay? A-YO-KO."
Pumasok na ako sa loob ng bahay. Nakita ko kaagad yung kakaiba don sa sala.
May malaking gown na don na nakalatag sa sofa.
"Anong ginagawa niyan dito?" I asked Eli girl.
"Dinala ko na yan dito. Danica, please. Pumayag ka na. I want you to have the role." she said, pleadingly.
Kumunot lang noo ko.
"Ang kulit nyo talaga ni Alex, 'no?" ugh. stubborn idiots.
"Huh? Anong si Alex?" tanong niya. Tss, isa pa 'to. Painosente.
"Quit the acting. Alam ko yung scam nyo ni Alex." I rolled my eyes at her.
"No, no. Hindi kasali si Alex dito. Ako lang talaga, swear."
"Nakita ko kayong nag-uusap. Wag mo na ideny."
"Ah, yun? Nako naman, Danica. Alex was trying to stop me in setting you up."
"Really? Are you sure?"
"Yeah! Nagsuggest nga ako sa kanya, kaso ayaw daw niya. Ayaw ka daw niya magalit."
Napa-nganga ako. So, Alex was telling the truth?
Oh no. Now, I'm feeling guilty! Ugh. Bakit ba kasi? Hay nako. Bahala na nga.
Babawi na lang ako. Pero paano?
Nakita ko yung gown. FINE FINE FINE! I'll do it. Yun na lang magagawa ko e.
"Okay. I'll be the Elizabeth." i said, quietly.
"Thank you thank you thank you. Hindi ka naman pala mahirap pakiusapan e. Salamat ha. Hayaan mo, ako na mag-aayos sayo bukas! Pagagandahin kita, omy." she said, excitingly.
BINABASA MO ANG
Not the Other Way Around
Novela JuvenilSometimes the last person on earth you want to be with is the one person you can't be without.