Chapter 8

260 19 0
                                    

Hadlee's POV

Halos di ako makatulog sa kakaisip sa nangyari kagabi, kaya 5 am pa lang nakauniform na ako at tapos na rin akong kumain, nagulat nga rin sakin yung mga katulong kaya mabilis silang naghanda kanina ng kakainin ko, di naman sila naglakas loob na kausapin ko and I think I don't have a strength na magpaliwanag kung bakit sobrang aga ko.

Mang Johnny tara na po I said to Mang Johnny na kakalabas lang sa Workers Quarter, tumango naman siya sakin agad tsaka kinuha yung susi ng kotse dun sa key holder.

Tahimik naman akong sumunod sa kanya sa garahe, lumilingon naman siya sakin paminsan minsan habang naglalakad kami pero di naman niya ko tinanong.

Pagdating namin sa school, wala akong imik na bumaba at di ko na rin nagawa pang mag-paalam sa kanya, even the guard of our school nagulat sa sobrang aga ko.

Wala pa talaga akong makitang students, 7 am kasi talaga yung start ng class, and 6 am kadalasang nagdadatingan yung mga students but I'm sure may ibang students na rin dito, yung mga grade conscious siguro or should I say mga nerds, or yung mga students na sanay na talagang pumasok ng sobrang aga, maybe nasa mga rooms nila or sa cafeteria or library.

Dumiretso naman na ako sa room, since bukas pa rin naman yung mga ilaw sa hallway at bawat rooms, pinapatay lang kasi yun kapag 6 am na since maliwanag na rin nang ganung time.

Para akong naglalakad na zombie dahil ngayon ko lang naramdaman yung antok ko kahit yung pagsakay ko sa elevator hanggang sa floor ng room namin hindi ko naramdaman pakiramdam ko naglalakad ako sa hangin, talagang di ako dinalaw ng antok kagabi kahit kaninang madaling araw, basta nakahiga lang ako sa kama ko habang nakatitig sa kisame, kahit ipikit ko yung mata ko di pa rin ako makatulog.

Siguro dahil guilty ako or galit pa rin ako, I can't understand myself, nasobrahan yata talaga ako. And isa na rin sa dahilan kung bakit inagahan kong pumasok is para hindi ako masundo ni Keegan sa bahay, I don't feel to talk to him lalo na sa nangyari kagabi, baka kasi mag-talo na naman kami or worst baka mag-away na naman kami, and also after nang mga sinabi ko sa kanya kagabi di siguro tama na kausapin ko siya.

Dahan-dahan ko namang tinulak yung pinto ng room namin at mabilis na napunta yung tingin ko sa taong kasalukuyang nakaupo sa tabi ng upuan ko.

What is he doing here?

Ginala ko naman yung mata ko sa buong room, and may nakita naman akong dalawang upuan bukod sa inuupuan niya na may nakalagay nang bag, so may classmate na rin akong pumasok na.

Binalik ko naman yung tingin ko sa kanya and wait for his explanation.

Tumayo naman siya tsaka inayos yung pagkakasabit ng bag niya sa mga balikat niya, he looks like hindi rin siya nakatulog, and halatang nagmadali siyang makarating dito kasi gulo-gulo pa yung basa niyang buhok.

Sabi ko na nga ba aagahan mo na namang pumasok katulad nung nagaway tayo nung anniversary natin he said tsaka siya ngumiti nang tipid, bumuntong hininga naman ako tsaka ko siya tinalikuran.

Mabilis naman akong nakarating sa elevator at saktong nasa floor namin yun kaya pumasok agad ako dun at pinindot yung ground floor, hindi ko naman pinansin si Keegan nang pumasok rin siya at tumayo sa may gilid ko and talked to me, hindi ko naman siya sinagot o kahit magbigay ng response, I just let him to do that.

Pagdating namin sa lobby, naglakad agad ako papalabas ng building at pumunta na lang sa cafeteria, nararamdaman ko namang nakasunod pa rin sakin si Keegan but I just ignored him.

Babe sorry na kasi he said, actually nakailang sabi na siya niyan habang sinusundan ako, as usual ito na naman yung scene namin, hahabulin niya ako habang nagsosorry dahil lang sa isang dahilan.

I'm A Kontrabida of My Own Story ( COMPLETED )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon