Chapter 9

248 17 3
                                    

Keegan's POV

Pagkapasok ko pa lang sa room, dumiretso na agad ako sa upuan ko sa likod.

Panigurado magtatampo na naman si Babe sakin dahil sa inasta ko kanina, pakiramdam ko kasi di ko pa siya kayang kausapin.

Hinintay ko lang talaga siya kanina para makapag-usap kami pero wala namang nangyari, akala ko katulad pa rin ng dati na kapag nag-away kami, kinabukasan okay na agad. Nasaktan siguro talaga si Babe dahil sa nangyari kahapon.

Aish bakit ba ang tanga tanga mo Keegan Orion?

Nilagay ko naman muna yung bag ko sa desk ko tsaka ko sinubsob yung mukha ko dun, ngayon ko naramdaman yung antok ko, di kasi ako nakatulog kakaisip sa mga sinabi ni Babe kagabi.

Kagabi ko rin naramdaman yung sobrang takot, takot na baka tuluyan na siyang mawala sakin, hindi ko akalain na hahantong talaga kami sa ganun, di ko matatanggi na makaramdam ng galit sa kanya kagabi, akala ko kasi naiintindihan niya yung sitwasyon namin ni Quinn, oo naisip ko kaagad na baka wala siyang tiwala sakin pero kasi alam ko naman na minsan di na rin tama yung mga ginagawa ko, minsan di ko naiisip yung nararamdaman niya.

Di ko namalayan na nakaidlip na pala ako, di pa sana ako magigising kung walang umiihip sa teynga ko at nang tignan ko yun si Rocco Hyung pala na mamatay matay na kakatawa nang magising ako.

Kahit kelan talaga mas isip bata pa siya samin nila Rush.

Di ko naman na siya pinansin at tumahimik na lang ako, maya-maya dumating na yung class adviser namin, nagturo naman agad siya pero wala dito sa room yung utak ko, iniisip ko kasi yung itsura ni Quinn kanina nang makita ko siya sa Cafeteria kanina, ganun na ganun siya nung nag-away kami dati ni Babe nung anniversary namin o parang mas kakaiba ngayon.

Kakayanin ko bang mahiwalay kay Quinn? Bestfriend ko na siya simula elementary pa lang kaya pakiramdam ko, mahihiwalay ako sa kapatid ko, kapatid talaga yung turing ko sa kanya at si Babe, siya lang talaga ang tinuring ko ng ganito, mahal na mahal ko yun. Kaya nahihirapan akong pumili, pero kung ganitong pareparehas lang kaming nahihirapan at kung ganitong naaapektuhan na yung relasyon namin ni Babe, siguro kailangan ko na talagang pumili.

Napalingon naman agad ako sa likuran ko nang may maramdaman akong tumama sa likod ng ulo ko, at nakita ko namang nakangisi sakin si Damon Hyung.

Kanina ka pa tahimik, naninibago kami sayo, may sakit ka ba o lagnat o talagang nagmimilagro ka lang ngayong umaga o bigla lang talagang umurong yang dila mo haha pang-aasar niya, pero di ko siya pinansin at binalik ko na lang yung tingin ko sa harapan.

Nag-away ba kayo ni Hadlee? Rinig kong tanong sakin ni Titus Hyung sa gilid ko kaya tumingin agad ako sa kanya, at bumuntong hininga bago umiling.

So anong problema? Bakit nagdadrama ka dyan? Di bagay sayo kayo tigilan mo yan singit naman ni Ryker Hyung na nasa kabilang tabi ko, napaggigitnaan kasi ako ni Titus Hyung at Ryker Hyung, tapos nasa likuran namin si Harley, Damon Hyung at Rush, si Rocco Hyung naman nasa unahan sa tapat mismo nang teacher's table kasi sa sobrang kaingayan niya yun kaya dun siya pinuwesto.

Humugot muna ako ng malalim na buntong hininga bago ko sila tinignan isa-isa na halata ding naghihintay ng sagot ko bago ako tumingin kay Ryker Hyung.

Pinapalayo na kasi ako ni Babe kay Quinn kasi nagseselos na daw siya, tsaka naiinis na rin siya kasi lagi kong kasama si Quinn, eh alam nyo naman yung sitwasyon namin ni Quinn diba tsaka yung sa kanya? Tapos pag di ko ginawa yung inuutos ni Babe makikipaghiwalay na daw siya akin eh ayoko namang mangyari yun malungkot na sagot ko sa kanina, napansin ko naman yung pagngiwi nila tsaka ko naramdaman yung pagtapik ni Damon Hyung sa balikat ko, kaya nilingon ko naman siya.

I'm A Kontrabida of My Own Story ( COMPLETED )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon