Hadlee's POV
Pauwi na ako ngayon sa bahay, and halos di ako patahimikin nang mga nangyari ngayong araw, buong araw kong pinag-iisipan kung gagawin ko ba talaga yung dapat kong gawin bukas, naguguluhan ako, gusto ko pang lumaban, gusto ko pang ipakita at iparamdam kay Keegan na mahal na mahal ko siya, but the possibilities na hindi na ako magtatagal, mas nawawalan na ako ng lakas para lumaban pa, it seems like I only put a salt in my wound, mas lalo ko lang pinapalala yung sitwasyon kung ipagpapatuloy ko pa rin yung paglaban ko.
Mas madami akong masasaktan kapag kumapit pa rin ako sa kanila, maaari ko lang silang mahila pababa kapag di ko sila binitawan.
But all of them gave me reasons para hindi ko ituloy yung binabalak ko, Quinn, my friends and the BTS but is it enough?
Mas masasaktan ko sila kung hahayaan ko pa rin silang nakadikit sa buhay ko, mas masasaktan sila kapag bigla akong nawala sa kanila, kaya mas mabuti pa ring alisin ko na sila sa buhay ko habang maaga pa, atleast konti na lang yung sakit na mararamdaman nila kapag natalo na ako ng sakit ko or baka nga wala na silang maramdaman kapag nawala na ako, and that's what I want, I don't want them to suffer like what my parents did because of my sickness.
Especially Keegan, I don't want him to feel hurt kapag nawala ako, kaya mas mabuti pang bigyan ko siya ng dahilan para ayawan ako, para bitawan ako at para kalimutan ako.
Napailing naman ako nang maalala ko ulit yung mga scenario na nangyari kanina, I don't know if it's a coincidence or hindi, because all of them seem like they have a feeling na bibitawan ko na talaga si Keegan, like what Quinn said to me kanina sa library, di ko alam kung bakit parang nakikiusap siya sakin na huwag akong makikipaghiwalay kay Keegan, and kanina din yung BTS.
Pagbalik ko kasi sa garden kanina pagkatapos naming mag-usap ni Quinn, nakita kong kasama na nila Ate Isha ang BTS, and they are happily eating with Keegan, halos ayaw ko pang lumapit nun because I want to watch first how they smiled and laughed, gusto kong kabisaduhin yun, because that was a last time na pwedeng gawin nila yun na kasama pa ako sa dahilan.
Flashback
Pagkatapos kong panoorin silang nagtatawanan habang kumakain, dahan-dahan akong lumapit sa pwesto nila at umupo sa tabi ni Keegan, sabay-sabay naman silang tumingin sakin kaya nginitian ko kaagad sila.
Hey Hadlee, bakit ang tagal mo? Akala namin natabunan ka na ng wheat bread sa cafeteria hahaha, sabi mo kasi samin mabilis ka lang natatawang sabi ni Ate Najah, tinignan ko naman siya tsaka nginitian.
Dumaan pa kasi ako sa locker room, naiwan ko pala dun yung wallet ko, sayang nga yung pinila ko eh, malapit na kasi ako sa counter nang maalala kong wala pala sa bulsa ko yung wallet ko kaya umalis muna ako dun at tsaka ako tumakbo sa locker room pagsisinungaling ko tsaka pa ako tumawa kunyari, tumango naman siya tsaka tinuloy yung pagkain niya.
Hayaan mo na yang si Najah, Hadlee, kumain ka na dito, ito kainin mo to, si Pres daw nagluto diba kaya panigurado masarap to singit ni Ryker oppa kaya tinignan ko din siya, inaabutan naman niya ako nung buttered shrimp kaya umiling agad ako.
Ah Ryker oppa sorry I can't accept that, diet kasi ako eh, and masyadong mataas yung cholesterol level ng shrimp kaya di talaga ako pwede niyan, okay na ako dito sa wheat bread na dala ko pagtanggi ko, tsaka ko pinakita sa kanila yung dala ko, mabilis naman silang napangiwi, then binalik naman ni Ryker oppa yung bowl ng buttered shrimp sa pwesto nun kanina.
Psh kaya buto't balat ka na singit bigla ni Titus oppa kaya mabilis ko siyang tinignan, magdadahilan na sana ako sa kanya nang bigla siyang hinawakan sa braso ni Ate Isha.
BINABASA MO ANG
I'm A Kontrabida of My Own Story ( COMPLETED )
RandomHighest rank: #469 in Random Category ---------------------------------------------------------------------------------- At first, I only thought that the only problem about our relationship is your bestfriend. I always jealous of her, I always beca...