11:11
By BinibiningMiaka
PANAY ang sulyap ko sa digital clock na nasa aking study table at hinihintay na magpalit ang susunod na numero sa aking harapan. Dalawang minuto na lang at isasagawa ko na rin ang aking ritwal! Hahaha! Ilang ulit ko itong tinitingnan, sinisiguradong hindi ako makakalampas sa inaantay na oras.
Isang minuto na lang at gagawin ko na. I tapped my fingers against the table while biting my lip and looking at the dark clear sky outside. Mabilis akong lumingon sa digital clock na nasa harapan ko at saktong pagtingin ko dito ay nagpalit na ito. I thanked silently. Agad akong pumikit para humiling.
11:11 PM
Sana mabasa ni crush yung sulat na nilagay ko sa locker niya kanina.
Nakangiti akong dumilat, kasabay nito ang paghugot at buga ko ng hininga. Punong-puno ako ng pag-asa nang matapos akong humiling. Lagi akong nagiisip ng positibo dahil ito naman talaga ang tama at nararapat na gawin.
Nakagawian ko nang humiling tuwing sasapit ang oras na 11:11, mapa umaga man o gabi. Natutunan ko 'to sa aking Daddy.
"Daddy, ano pong gawa niyo? Bakit kayo andito?" childish at inosenteng tanong ko sa'king ama nang maupo ako sa kanyang tabi sa baitang ng hagdan sa labas.
Noong una ay nacornyhan pa ako kay Daddy kasi sa edad niyang iyan ay gumagawa siya ng mga ganyang bagay? Nakakatawa diba kasi lalaki siya tapos gumagawa siya ng ganyan? Lol! Grade two ako no'n at medyo bata pa si Daddy. Hindi ko aakalaing gumagawa siya ng mga ganyang bagay. Masyadong maeksperimento si Daddy, lahat tinutuklas. Naabutan ko siya noong nakatingala sa malinaw na kalangitan at tanaw na tanaw mo ang mga tala sa itaas. Ngumiti siya at tumingin sa kanyang relo. Imbes na sagutin niya ang tanong ko, si Daddy ang nagtanong.
"Baby, nakikita mo ba kung anong oras na?" nakangiting ipinakita ni Daddy ang kanyang mamahaling silver na relo. Tinitigan ko ng matagal ang relo tsaka tumango bilang pagsagot. Nakaramdam ako na makuhang interesante ang kanyang sasabin. Lalo pa sana akong lalapit kay Daddy nang bigla niya akong buhatin ng walang kahirap-hirap at pinaupo sa kanyang kandungan. Humagikhik ako dahil gustong-gusto ko talagang pinapaupo niya ako sa kanyang kandungan at yayakapin ko siya sa leeg.
"It's 11:10 Daddy," sabi ko sabay pulupot ng dalawa kong braso sa kanyang leeg. Ngumisi siya na para bang may gagawing kalokohan.
"Yup baby. Do you want me to tell you a story?"
"Yes Daddy! I want to! I love stories!" masiglang sagot ko at lalo akong na excite. Tumawa si Daddy ng mahina bago nagsalita.
"But baby before that, I want you to count with me from one to five, okay?"
"Okay!" gaya nga ng sinabi niya. Sinunod ko ito.
"one,"
"two,"
"three,"
"four,"
"five,"
Pagkatapos magbilang ay mabilis na tumingin si Daddy sa kanyang relo at gumuhit ang ngiti sa aking mukha nang halikan niya ako sa pisngi at saka bumulong.
"Make a wish, baby."
Aniya. Noong una ay naguluhan pa ako dahil para saan naman iyon? Bakit naman ako magwiwish? Tsaka anong mapapala ko sa pagwiwish? Matutupad ba ito? Hinayaan ko ang mga katanungan na maglaro sa aking isipan at sinunod ang sinabi ni Daddy. Pumikit ako tsaka nagwish. Medyo natagalan ako dahil nahirapan pa akong mag-isip kung ano ba ang dapat. Sa huli, nakaisip rin ako. Napakarami talaga akong hiling ngunit isa lang talaga ang gusto kong mangyari.
BINABASA MO ANG
The Love Shots
Short Story"Nasasa'yo man siya, nasa akin pa rin puso niya. Mahal ka man niya ngayon, nakatatak naman ako sa puso niya. Ikaw man ang huli, ako pa rin ang una."