Nagtext sa akin si Vin kaninang umaga. Sabi nya magkita daw kami sa may playground na malapit sa soccer field ng school bago magsimula ang klase. May importante daw kasi syang sasabihin sa akin kaya naman eto ako nagmamadali na sa paglalakad para makarating na agad ako sa playground. Lagpas alas sais pa lang ng umaga at alas syete pa magsisimula ang klase namin.
Nang makarating na ako sa playground ay tinabihan ko kaagad si Vin na nakaupo sa isang bench habang nakatingin sa langit.
"Good morning Vin!" masayang bati ko sa kanya. Tumingin naman sya sa akin at saka ngumiti ng pilit. May problema ba sya? Bakit pilit ang ngiti nya?
Si Vin ay boyfriend ko. Malapit na kaming mag-anim na buwan na mag-on actually sa kabilang linggo na yun. Masaya ako nung niligawan nya ako kasi crush na crush ko talaga sya nuon pa. Ang gwapo-gwapo nya kasi. Nung una hindi ko din akalain na liligawan nya ako, masyado kasing madaming mga babae ang may gusto sa kanya e at lahat sila magaganda at sexy. Di tulad ko na napaka-plain. Pero sabi nya sa akin mas gusto nya daw talaga sa babae e yung simple at ang simple-simple ko daw kaya nagustuhan nya ako.
Masaya kami palagi at syempre masaya ako palagi kasi lagi syang nandyan sa tabi ko. Kung minsan nag-aaway kami pero naayos din naman namin kaagad ang problema tsaka parte naman talaga ng isang relasyon yun.
"Let's break up." Nabigla ako ng marinig ang mga sinabi nya. Hindi ako makapaniwalang napatingin sa kanya. Parang akong binuhusan ng napakalamig na tubig sa kinauupuan ko.
"Vin..bakit?..bakit ka nakikipag-break? Nagbibiro ka lang di ba?" tanong ko at tumawa ng pilit habang unti-unting nangingilid na ang mga luha ko. Nakatingin lang sya ng straight sa langit na tila may malalim na iniisip. Sana nagkamali lang siya nang sinabi. Isa lang ito sa mga biro niya. Palagi naman siyang ganun e, palagi niya akong binibiro kasi tuwang-tuwa siya kapag naaasar na ako sa kanya.
"I don't love you anymore so let's break up." Pagkasabi nya nun ay tumayo sya at saka nagsimulang maglakad palayo sa akin. Tuluyan ng bumagsak ang mga luha ko habang pinapanood ang unti-unti niyang paglalaho sa paningin ko. Unti-unti kong nararamdaman ang sakit sa dibdib ko dahil pagkapunit ng puso ko.
Ganun na lang ba? Ganun na lang ba kadali para sa kanya ang iwan ako? Ganun na lang ba sa kanya ang pinagsamahan namin? Hindi nya ba ako mahal? Bakit nya ako iniiwan ngayon? Kahapon lang ang saya-saya pa namin ah. Tuloy-tuloy lang sa pagpatak ang mga luha ko. Masakit. Sobrang sakit. Parang dinukot ang puso ko at saka pinagsasaksak ng napakaraming beses.
Ano bang nangyari? Hindi na ba talaga niya ako mahal? No, imposible yon. Sobrang saya namin kahapon at ramdam na ramdam kong mahal niya ako kaya imposible ang sinasabi niya. I'm sure naguguluhan lang siya. Tama! Babalik din siya.
Pilit kong pinapaniwala sa sarili ko ang mga bagay na ako mismo hindi ko alam kung papaniwalaan ko. Bakit bigla na lang niya akong iniwan? May iba na ba siya? Nagsawa na ba siya sa akin? Hindi na ba talaga niya ako mahal? Hindi ako makapaniwala sa sobrang bilis ng nangyari. Mahal na mahal ko si Vin, paano na ako kung wala siya sa tabi ko?
"Hay! Ang aga-aga nakakakita ako ng babaeng umiiyak. Alam mo miss kung ayaw nya sayo hayaan mo na lang sya. Wag mong sayangin ang luha mo." Sabi ng isang lalaking bumaba mula sa isang puno na malapit sa inuupuan namin ni Vin kanina.
"Hoy wala kang pakilam kung umiyak man ako! Mahal ko ang taong yun at iniwan nya ako kaya ako umiiyak. Isa pa wala kang alam sa nararamdaman ko kaya wala kang pakialam." Singhal ko sa kanya at saka ako tumakbo paalis.
Pumunta ako sa banyo at duon ko inilabas ang lahat ng luha ko. Ang sakit. Ang sakit-sakit. Wala naman akong nagawang masama sa kanya para iwan nya ako. Alam naman nyang mahal na mahal ko sya pero bakit nya ginawa sa akin ito? Akala ko ba mahal niya ako? Akala ko ba hindi niya ako iiwan? Pero bakit ginawa niya sa akin to? Iniwan niya ako ng ganun-ganun lang, paano niya nagawang itapon na lang basta lahat ng pinagsamahan naming dalawa?
Habang umiiyak ako narinig kong tumunog na ang bell kaya naman inayos ko na ang sarili ko at pumunta na ako sa classroom. Namumugto yung mata ko kaya pagkarating ko ay umupo na ako agad at saka tumungo para hindi makita ng mga kaklase ko yung mata kong namumugto. Wala pa yung teacher namin.
"Iyak ka kasi ng iyak, ayan tuloy namaga yang mata mo." Sabi ng isang boses ng lalaki na nanggagaling sa may likuran ko. Lumingon ako sa likuran para makita kung sino ang nagsalita.
"Ikaw na naman?" gulat na tanong ko. Anong ginagawa ng lalaking ito dito? Teka, classmate ko sya?
"Hi, Classmates pala tayo." Nakangiting saad nya.
"Pwede ba, wala akong ganang makipag-usap sayo!" masungit na saad ko saka humarap na ulit sa unahan.
"Ang sungit mo naman. Siguro kaya ka iniwan ng lalaking yun kasi masungit ka." Dahil sa sinabi nya ay lumingon ulit ako sa pwesto nya at tiningnan ko sya ng masama.
"Hoy wala kang alam sa aming dalawa ni Vin at lalong hindi mo ako kilala kaya wag mo akong huhusgahan ng ganyan!" sigaw ko sa kanya dahilan para mapatingin sa amin ang mga classmates namin.
Pumatak na naman ang mga luha ko. Nakakainis. Ano bang gusto ng lalaking ito at kinukulit nya ako. Alam na nga nyang sobrang sakit sa akin ng nangyari kanina binubwiset pa nya ako.
Ilang minuto pa ang lumipas at dumating na ang teacher namin. Nagpapaliwanag siya sa unahan, naririnig ko lahat ng sinasabi niya pero ni isa ay wala akong maintindihan. My mind was filled with thoughts of Vin. Sinubukan kong i-scan ang utak ko at inalala lahat ng mga araw na magkasama kami ni Vin, ni isa doon wala akong makitang may nagawa akong malaking kasalanan sa kanya para iwan niya ako ng ganun-ganun lang.
What did really happen to us? Why did he left me just like that? May iba na ba siya? Pinaglaruan niya lang ba ang feelings ko para sa kanya? Pero halos six months na kaming magkasama kaya imposibleng niloloko niya lang ako. O nagsawa na siya sa akin? Pero imposible rin iyon, sariwa pa sa alaala ko lahat ng mga sinabi niya sa akin noong birthday ko. Mahal na mahal kita at kahit kailan hindi ako magsasawa na manatili sa tabi mo. Ramdam na ramdam ko ang sincerity niya kaya imposibleng nagsawa na siya.
Bakit hindi man lang niya sinabi sa akin ang dahilan? Sobrang bilis ng mga pangyayari. Gulong-gulo na ang utak ko at feeling ko malapit nang tumigil sa pagtibok ang puso ko dahil sa sakit na nararamdaman ko.
Vin bakit ka ba talaga nakipag-break sa akin?
******
Bigla na lang nag-pop-up ito sa utak ko at hindi ko maintindihan kung bakit gustong-gusto ko syang isulat. Pero sinulat ko na nga.. hehe
Anyways, enjoy!
Comment ka ha? Dali na.. :)
-syeshaaa-
BINABASA MO ANG
Broken-Hearted Girl
Ficțiune adolescenți"The best way to move on is to fall inlove again." - Faith