Stereotype Chaos

578 4 0
                                    

Pumunta si Gary sa swimming pool area ng hotel. Nagtraining siya dito para lumkas pa ang kanyang katawan. Habang siya ay busy ay bigla na naman niyang nakita si Katy.

Lumapit si Katy sa kanya at sinabing "tinatanggap ko na iyong apology mo, siguro nga dapat di na tayo magaway".

Malamig na sumagot si Gary "OKAY". Agad na ikinagulat ito ni Katy " OKAY? One-Liner talaga!" 

"Katy we are good, busy ako, people like you and people like me can be civil with each other but we can't be friends."ang diretsong sabi ni Gary

"FUCK YOU! Kung bipolar ka huwag mo na akong idamay. Sorry ngayon bukas cold shoulder. People like me do not like to be friends with people like you. PUTANGINA! Ang judgmental mo. Bwisit!" Galit na sabi ni Katy habang mabilisan siyang umalis.

Katy's POV:

Sira ba ang ulo niya? Bakit niya ba ako ginaganito? Hindi nga kami close. Hindi kami friends, di kami magboyfriend. Bakit ba ako ang napagtritripan niya? Ano ba ang ginawa ko? Makainom at party na nga lang!!!

Bumalik si Katy sa bar at uminom ng vodka. Una ay one glass lang hanggang sa naisip niya " Fuck it uubusin ko ang pera sa card ng fiance ko para sa alak". "All drinks on me guys", sigaw ni Katy habang nasa dance floor. Naghiyawan at natuwa lahat ng andoon.

Pagkatapos uminom buong gabi ay naglakad si Katy papunta sa kwarto niya. Hilong-hilo siya kaya naisip niya na magpahangin muna sa dagat. Nagisip-isip siya habang nakaupo sa buhangin. Gustuhin niya mang huwag ng ituloy ang kasal nila ni Mr. H ito na llang ang paraang naiisip niya para makawala sa trabaho niya. Si Mr. H kasi ay kaibigan ng mayari ng company na pinagtratrabahuan niya. Mawawala lahat ang mga naupload na video niya at lahat ng CDs kung saan kasama siya. Lilinis na ang pangalan niya. Gragraduate siya ng normal. Magkakapamilya at magkakaanak. Titira siya sa malaking-malaking bahay. Saka si Mr. H lang naman ang nagmamahal sa kanya. Noong nakahiga siya sa buhangin gustuhin niya man na umiyak sa mga sinabi ni Gary ay di niya magawa. Wala siyang maramdaman.Ayaw niyang umiyak dahil ayaw niya ng pagtuunan ng paansin si Gary.

Gary's POV:

Hindi ako magsosorry sa kanya dahil totoo naman ang mga sinabi ko. Pero bakit ba ako nagagalit sa kanya. Ano ba ang meron siya? Bakit naiinis ako noong may hinahalikan siya. Di kaya nagseselos ako? Baka hindi naman. Di naman kami ganoon katagal magkakakilala. Hay nako! Umalis ka na nga sa isip ko Katy!May press conference pa ako bukas.

Habang mahimbing na ang tulog ni Katy sa dagat si /Gary naman ay nananaginip.

*Sa panaginip ni Gary:

Nakita niya si Katy na nakasuot ng wedding gown. Hinila niya ito palayo sa kanyang groom. Hinalikan niya ang labi nito at mahigpit na niyakap. Magkayakap sila at tumatawa ng malakas hanggang sa may ilabas si Katy na baril at bigla siya nagising. Malamig ang pawis na lumabas sa kanyang noo. Sobrang totoo sa pakiramdam niya ang panaginip niya.

Para mawala sa isip niya ang panaginip naisip na ni Gary na maligo at pumunta sa press conference niya. Uminom siya ng kape at nagalmusal bago pumasok sa banyo. "Hay Katy you really are a bitch hanggang sa panaginip ko", natatawa niyang kinausap ang sarili habang papasok sa banyo. 



The Pornstar and the BoxerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon