Chapter 2
"Sigurado ka bang ayos ka na?" untag ni Clear kay Bloom.
Katatapos lang nilang i-report sa presinto ang nangyaring panghoholdap sa dalaga. On the way na sila pauwi sa bahay nito.
"Ayos lang ako, huwag mo akong alalahanin. Salamat talaga ng marami." nahihiyang wika ni Bloom.
"It's okay. Ginawa ko lang ang tama."
Huminto ang sasakyan at pumarada sa tapat ng isang gusali.
"Sandali lang ako."
Bumaba na ng sasakyan si Clear at agad itong umalis. Sumilip sa labas ng bintana si Bloom at napatanga siya ng makita niyang pumasok ang binata sa loob ng isang first class na coffee shop.
"Taxi-driver nga ba talaga siya?" amaze pa niyang wika.
Ilang sandali pa ay nakita niya itong lumabas sa coffee shop na may dalang dalawang baso ng kape at isang paper bag na sa hula niya ay pagkain ang laman. Pumasok na ito sa loob ng sasakyan at inilagay ang mga dala sa headboard. Inayos nito ng kaunti ang upo at pagkatapos noon ay kinuha nito ang isang cup ng kape at iniabot nito iyon sa kanya. Alanganin niya iyong tinanggap.
"Sobra-sobra na ito, masyado nang nakakahiya..."
"Hindi mo kailangang mahiya. Kailangan nating uminom ng kape para hindi tayo lamigin. Isa pa, hindi pa ako kumakain ng hapunan, gutom na ako. Ikaw, kumain ka na ba?"
Saka naalala ni Bloom na hindi pa rin naman siya kumakain ng hapunan. Sa nangyari sa kanya kanina, hindi na niya naramdaman pa o naalala ang gutom. Pasimple siyang umiling.
"Hindi pa rin naman ako kumakain. Nakalimutan ko na ang bagay na iyon..."
Kinuha ni Clear ang paper bag at inilabas ang laman noon na dalawang styro na may lamang mga pagkain. May mga kasamang plastic na kutsara at tinidor. Binuksan nito ang takip ng isang styro at bahagya siyang nagulat ng makita niya ang lamang pagkain. Alam niyang hindi iyon basta-basta.
"Hindi kaya malugi ka na niyan? Tinulungan mo na nga ako, tapos heto... Nilibre mo pa ako ng pagkain. Hindi ko na tuloy alam kung paano pa ako makakabawi sa'yo. Ang laki ng utang na loob ko..."
Bumuntung-hininga ng malalim si Clear at matipid na ngumiti sa kanya.
"Hindi mo kailangang bumawi sa akin. Huwag ka nang mag-isip ng kung ano at huwag kang mahiya. Halika na, kumain na tayo. Tapos, saka kita ihahatid pauwi."
"Sige..." sang-ayon niya.
Iniabot nito ang binuksan nitong styro sa kanya at agad naman niya iyong kinuha. Kinuha na rin nito ang isa pang styro at nagsimula na silang kumain ng sabay.
"Matagal ka nang taxi-driver?" curious niyang tanong.
Napatigil sa akmang pagsubo ng pagkain si Clear at napakurap na napatingin kay Bloom. Ibinitin muna niya sa ere ang pagkain.
"Bago lang ako." maikli niyang sagot.
Sumubo na siya ng pagkain.
"Ah... Okay. Salamat pala sa lahat. Pasensiya ka na kung medyo makulit ako. Pero ang laking bagay para sa akin itong nagawa mong pagtulong sa akin. Hindi ko ma-imagine kung ano na ang nangyari sa akin kung hindi ka dumating. Thank God talaga." wika pa ni Bloom.
Sumubo na siya ng pagkain. Hindi naman umimik si Clear kasi busy siya sa pagnguya. Medyo makulit pa daw? Samantalang hindi na niya mabilang kung ilang beses na siyang pinasasalamatan ng dalaga. Uminom siya ng kape. Uminom din ng kape ang kasama niya at napangiting tumingin sa kanya. Napaganti siya ng matipid na ngiti. Mukhang suwerte sa kanya ang pagdating ng kanyang field work. Nang matapos silang kumain ay muling pinaandar ni Clear ang sasakyan at medyo isang awkward na katahimikan ang namayani. Kaya naman, naisipan niyang i-on ang radio. Isang love song ang nagpe-play. Once in a lifetime. Late na kaya puro lovesongs na ang kanta. Pasimple siyang napasulyap sa kasama niya. Nakatingin ito sa labas ng bintana at tahimik.
BINABASA MO ANG
MEN IN ACTION 6: CLEAR IMPERIAL
RomanceNaholdap si Bloom at blessing in disguise na iniligtas siya ng isang guwapo at tisoy na Taxi driver na si Clear Imperial... Iyon nga lang, duda siya kung totoo ba talagang taxi driver ito?