Prologue
"Venice, what is the meaning of this?" Ipinatong ni Jesica ang hawak na papel sa harapan ng anak. Nang matuklasan niya ang tungkol dito ay nakaramdam siya ng pagkadismaya, hindi niya alam kung saan siya nagkamali sa pagpapalaki sa anak.
"Mommy...I'm sorry." Nakayukong turan ni Venice, hindi niya kayang salubungin ang titig ng ina dahil alam niyang galit ito sa kanya.
"Napag-usapan na natin ang tungkol dito di ba? Bakit sumige ka pa rin sa gusto mo?"
"Mom, please understand me. Being a doctor it doesn't mean that I am not capable to help you with our business. This is my dream and I am expecting that you'll support me." Pagmamakaawa ni Venice sa ina.
Napabuntong hininga si Jesica bago umupo sa tapat ng anak. "I am disappointed with your decision. Alam mo naman na nag-iisang anak ka namin kaya inaasahan namin ng daddy mo na Business Management ang kukunin mong kurso." Halos pabulong na wika nito.
"I want to be a doctor and I'm sure one day you'll understand me." Mapait na turan ni Venice.
BINABASA MO ANG
The Thoughts of You
General Fiction"I only know that the first time is accidental, the second time is inevitable and the third time is by fate." -VTA