Chapter 28: Ang sorpresa (part 1)

125 8 0
                                    

Jhinalyn's POV

Sa tuwing naaalala ko ang nangyari sa pool party ng pinsan ni Christian dati ay pinagpapawisan pa rin ako ng malamig. At ngayon, masasabi kong dumoble ang pagpapawis ko ngayon samahan mo pa ng panginginig ng buong katawan.

Habang nakalapat ang palad ko sa dibdib ni En-jhay ay ramdam na ramdam ko rin ang bilis ng tibok ng puso niya kasabay at kasinglakas ng tibok ng puso ko. Tinitigan ko siya sa mata at ganun din siya sa akin. Gusto kong kumawala sa pagkakahawak niya sa kamay ko pero masiyadong mahigpit ang pagkakahawak niya rito. At para bang ayaw na niyang bitawan pa iyon.

Jhinalyn sambit niya at unti-unting lumapit sa may bukana ng gym habang hawak pa rin niya ang kamay ko. Pagkapasok namin ay bigla akong nalito sa mga nangyayari. Hindi ko alam kung itutuloy ko pa ba ang pagpasok o titigil at umatras na lang.

Nandito lahat ng kaklase namin. Nakabihis sila ng parang mga prinsesa at prinsipe gaya ng mga nasa palabas sa sinehan at telebisiyon. Maging si Annabelle ay nakabihis rin ng parang isang tunay na prinsesa. Nakita ko rin sina Christian at Niel na pinag-gigitnaan si Belle. Napakaganda rin ng ayos ng gym. Mula sa mga nakasabit na dekorasyon hanggang sa kumikinang na na mga kandila sa gilid ng red carpet na mahahalata mong gawa sa pulang cartilina na pinag dikit dikit. Kung titignan mo ang kabuuan ay hindi mo pagkakamalang nasa loob ka ng eskuwelahan – sa loob ng gym.

Iginaya ako ni En-jhay patungo sa gitna kung saan dadaan kami sa red carpet. Medyo nakaramdam ako ng hiya ng biglang magpalakpakan ang mga kaklase namin habang naglalakad kami. Paano ba namang hindi ako mahihiya, kung lahat sila ay bihis na bihis at ako naman ay parang hampaslupa lamang dito sa suot kong uniform. Hindi sa nilalait ko ang uniform namin, sadyang magagarbo lang ang damit ng mga kaklase ko.

Napansin kong mas lalong humigpit ang pagkakahawak ni En-jhay sa kamay ko kung kayat napatingin ako sa kanya. Parang nag-aalinlangan pa siya ng ngitian niya ako. Napakunot ang noo ko nang mapagtantong, bakit nga pala nandito ako? Anong gagawin ko dito? namin? Napansin kong unti-unting nawawala ang kanyang ngiti sa kanyang mga labi dahil ata sa pagkunot ko ng noo.

Nang nasa may tapat na kami ng red carpet ay biglang namatay lahat ng ilaw bukod sa liwanag kung saan kami nakatayo. Bigla ring nagkaroon ng background music na nakapagpadagdag ganda sa lugar. Isama mo pa ang mga kandilang nakapalibot sa may gilid ng red carpet na mas lalong nakaagaw ng atensiyon dahil para itong mga bituin na nagbibigay liwanag sa madilim na kalangitan. Habang naglalakad kami ay wala akong ibang maisip kundi ang nasa tabi ko, ang kasabay kong naglalakad, at ang lalakeng may hawak ng kamay ko. Alam ko kung ano ang nangyayari subalit ayaw pa ring iproseso lahat ng utak ko ang mga nagaganap na kaganapan ngayon.

Nang makarating kami sa may dulong bahagi ng red carpet ay parang muubusan na ako ng hininga dahil sa panginging ng tuhod ko habang naglalakad kami kanina.

Biglang nagkaroon ng spot light sa may gilid ng stage. May taong nakatayo sa gilid. Naka-tuxedo ito at hindi pamilyar sa akin ang pigura ng taong ito. Mahahalata mo ang kakisigan nito kahit ito ay nakatalikod lamang.

Napaigtad ako ng biglang bumulong si En-jhay sa tainga ko. Halos kumawala ang puso ko dahil sa lakas ng tibok nito. Maging ang mga balahibo ko sa katawan ay nagsitayuan dahil sa biglaang pagbulong niya.

Be happy. This is for you. Huwag kang masiyadong kikiligin sa kanya ha? Dapat sa akin ka lang makakaramdam ng kilig. Bulong niya. Nagtaka pa ako nung una subalit nang marinig ko ang boses ng lalakeng nasa stage ay hindi ko naiwasan na biglang manlaki ang mga mata ko at malaglag ang panga ko. Sheet! Sheet! Sheet! Anong ginagawa niya dito? Bakit siya nandito? Kyaaaa......

Ehem! Ehem! Magandang hapon sa inyong lahat. Bati niya. Kyaaaaa........ ang boses na iyon. Alam ko kung kaninong boses iyon. Hindi ako pwedeng magkamali. Siya iyon. Siya talaga iyon.

Kasasabi ko lang na huwag kang masiyadong kiligin. Psh! Paano ba namang hindi ako kikiligin kung nasa harap ko ngayon ang ultimate crush ko. Si Papa DJ. Sheet! Ang gwapo niya pala sa personal. Wala kasi siyang picture kapag sine-search ko siya sa internet. Shemay! Hindi ko alam na ganito pala siya ka-guwapo. Ngayon ko lang siya nakita, oo, pero alam kong siya nga si Papa DJ. Nakumpirma ko yun sa boses niya.

Aray! Ang sakit na nang kamay ko. Baka gusto mong pati itong kabilang kamay ko ay pilayin mo na? Masiyado kang halatang kiligin. Oooppppsss! Sorry, magkahawak kamay nga pala kami. Hindi kasi ako makasigaw kaya naiilalabas ko na lang yung kilig ko sa paghihigpit ng hawak ko sa kamay niya.

Inalis ko agad ang kamay kong nakahawak sa kanya. Hihimatayin na ata ako. Papalapit dito si Papa DJ! Shemay! Anong gagawin ko? What to do? What to do? What to do?

Bigla akong siniko ni En-jhay ng mahina kaya sinamaan ko siya ng tingin.

Huwag ka ngang parang timang. Halata ka masiyado. Sabi niya sabay irap.

Hindi ko na sana siya pinapunta dito kung alam ko lang na ganyan ang magiging reaksiyon mo. Sinabi ko ng sa akin ka lang dapat kiligin pero kinikilig ka sa kaniya. Ang kulit talaga ng lahi mo. Bubulong na nga lang yung rinig pa. Pero aaminin ko napangiti ako sa sinabi niya. Hindi ako naiinis sa sinabi niya bagkus ay kumalabog pa lalo ang pintig ng puso ko.

Nang makalapit na nang tuluyan sa akin si Papa DJ ay halos himatayin na ako sa kilig. Gusto kong tumili pero ayaw ko namang ma-turn off sa akin si Papa DJ. Inabot niya ang kamay ko at hinalikan ito. Tinignan ko naman si En-jhay dahil ayaw niyang bitawan ang isa ko pang kamay na kanina niya pa hawak. Ang sama ng tingin niya kay Papa DJ. Ako na ang kusang nag-alis ng kamay ko mula sa pagkakahawak niya. Ang KJ talaga niya kahit kailan. Nginitian ako ni Papa DJ at nginitian ko rin siya.

Kkyyyyyyaaaaaaaaaaaaaa.................... sigaw ng mga kaklase ko. Hindi na ata nakapagpigil.

Kkkkkkkkkkyyyyyyyyyyyyyyyyyyyyyyyyyyyyyyaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaa......... wohhooo! tili ni Annabelle. Napatingin kami sa kanya ni Papa DJ. Siniko naman siya ng katabi niyang sina Christian at Nathaniel. Natawa naman kami ni Papa DJ.

Iniwan ako ni Papa DJ sa stage sa mismong gitna ng gym. Nakakainis ambilis naman. Hindi ko masiyadong nasulit. Ni hindi man lang ako nakapagpakilala ng personal sa kanya. Sayang yung pagkakataon ko kanina. Nakakainis naman kasi yung puso ko kanina, ayaw patalo. At tyaka medyo nakaramdam ako ng hiya noong nakakapit ako sa braso niya. Ayaw ko naman siyang maturn-off sa akin kaya itinikom ko na lang ang bibig ko at ninamnam ang pagkakataon.

Kkkyyyyyyyyyyaaaaaaaaaaaaaaaaaa.................. biglang hiyaw ng isang babae kung kayat napabalik ako sa ulirat. Tinignan ko kung saang banda galing ang hiyaw na iyon at nakita ko si Nathaniel na takip takip ang bibig ni Annabelle. Napapakamot naman sa batok si Christian dahil sa ginawang pagsigaw ni Annabelle. Psh! panira ng moment. Makikita mo, ako naman ang sisira ng moment mo. Minsan na nga lang ako magmukhang prinsesa, manggugulo pa -_-

Nanahimik ang lahat nang mag-umpisang maglakad si En-jhay patungo sa kinaroroonan ko. Naglalakad siya habang may hawak hawak na bulaklak. Hindi ko alam pero lahat ng mga kaklase ko maging sina Annabelle, Nathaniel, at Christian ay nawala sa paningin ko. Na para bang si En-jhay lang ang nakikita ko. Na parang kami lang ang naririto. Na para bang kami lang ang natatanging tao sa mundo.


So this is how it feel (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon