Itong mundo na kayhirap unawain,
tila may hiwaga na kayhirap arukin
puno ng pasakit,hirap at hilahil
nanaisin mo pa bang ito'y marating?sa panahong ikaw'y nanaghoy sa dusa,
nalulunod sa iyong sanlaksang luha,
naisip mo kayang ito'y tinadhana,
o 'di kaya'y larong may hatid na luksa?ngayong ikaw'y nabuyong makipaglaban
galing at talino'y iyong kailangan
mga katunggali ay nar'yan lamang
at mga balakid sa'yoy nakaabang.minsan ng nalasap lupit ng kaanak
hinamak,inaba,hanggang sa masadlak
pilit bumangon ngunit ikaw'y hinaltak
muling bumagsak at sa putik nasadlak.karimlay bumalot sa'yong pagkatao
pagal na katawan'y tuluyang nalugmok.
tigib ang luha't kuyom ang mga palad
ng ikaw'y bumangon,tindig mo'y kaytikas.walang kapantay o kaparis kung turan,
'yan ang taguri sa'yo ng karamihan.
ngyo'y pusong bato't may kamay na bakal
'di kayang buwagi't igupo ninuman.sila ang nagtulak sa'yong hangganan
ang nagpunla ng poot sa'yong isipan.
sila,sila ang may sala't may gawa
kabaro't kadugo,taksil lahat sila.sila'ng palalo't buktot ang pagkatao,
ngayo'y parang aso'ng sayo'y nakabuntot.
sa kumpas mo't pilantik ng 'yong daliri,
biglang naging tupa mabangis na tigre.sa iyong pagtahak sa landas malawak
payo ko kaibigan,ikaw'y mag ingat
tao'y mapanlinlang,kung 'di nalalaman
kaibigan kung turan,taksil sa laban.