Naunang umuwi si Katy ng Pilipinas dahil may laban pa si Gary. Habang pasakay ng eroplano punong puno siya ng pagtataka sa sarili. Nagustuhan niya ang ginawa ni Gary. Di naman sila ganoon kaclose sa isa't isa kaya sobra siyang naguguluhan.
Lahat ng bagay ay ayos na sa kasal niya kay Mr. H maliban na lang sa wedding gown niya. Tinawagan niya agad ang kanyang kaibigan na si Michele para magsukat ng wedding gown.
"Ang ganda mo bestie!", ang natutuwang sabi ni Michelle sa kanya. "Salamat!", ang sagot niya ng nakangiti pero sa loob niya sobra siyang nalulungkot. Iba kasi yung pakiramdam kapag hindi mo naman mahal iyong papakasalan mo. Kung dati pwede pa siyang umatras dahil may pera pa sila, ngayon ay hindi na. Medyo lubog na kasi sila sa utang at kung gusto niya talagang umayos ang buhay niya itutuloy niya na ito. Kung dati ay ginagawa niya pa ang trabaho niya dahil ng walang dahilan iba na ngayon. When it rain it pours, sabi nga nila.
Katy's POV: (habang naghihintay sa coordinator napaisip si Katy, si Michelle naman ay naghanap ng banyo dahil sumama ang tiyan sa kakatikim ng cake sa food tasting)
Sa buong buhay ko alam ko na darating ang araw na ikakasal ako. Akala ko dati ikakasal ako sa boyfriend ko ng limang taon. Masakit pala iyong umasa ka na magkatuluyan kayo. Kasi kapag nawala siya parang wala ng dahilan pa para ikasal. Parang ang kasal di na tungkol sa pagmamahal. Para na itong normal na bagay. Kailangan mo kumain, maggrocery ka, kapag kailangan mo ng mga gamit sa banyo bumili ka. Lahat ngayon parang praktikal na. Ang sakit pala maging praktikal. Iyong walang emosyon kasunduan lang. Ibang-iba kasi iyon sa gusto kong mangyari.
Minsan dumarating ang panahon na babalik ka sa lahat ng mga nangyari sa buhay mo. Naaalala ko kung paano ko ibinuhos lahat ng pagmamahal sa ex ko. Ang tanga ko pala. Alam mo ba iyong pakiramdam ng umiyak ka ng sobra sobra sa puntong hindi ka na makahinga kasi sinisipon ka na. Oh kaya yung pakiramdam na hindi ka lang makahinga kasi ang sakit ng dibdib mo.Iyong pakiramdam na ayaw mo kumain kasi natutulala ka pa sa mga nangyari.
May dumating man na medyo nagugustuhan mo na hindi pwede kasi hindi ka perfect para sa kanya. Malinis kasi siya. Mabait kasi siya. Masiyado siyang hindi maabot. Kung baga di talaga kayo bagay. Kahit na gusto mo siya sinasabi mo na lang na galit o inis ka sa kanya. Nasasaktan ka kapag jinujudge ka niya sa mga pananaw mo sa buhay kasi para sayo ang linis linis niya. Sobrang gusto mo siya ayaw mo lang aminin kasi lahat ng bagay na ginagawa mo kinakahiya mo sa kanya.
Ang kasal noong bata pa ako akala ko sumasaya dahil sa mga cake. Gumaganda ang bride dahil sa gown. Noong bata ako inaamoy amoy ko pa ang mga invitation kasi iyon ang uso noong araw iyong mababangong invitation. May mga ibon pa na lumilipad. May nagsasabit ng pera habang sumasayaw ang mga ikinasal. Ang simple. Ang saya. Noong bata ako di ko alam kung gaano kamahl ang kasal ang alam ko lang kailangan madami kang pera para ikasal. Ngayon naisip ko lang siguro ang saya ikasal sa taong mahal mo. Kahit siguro wala ng bisita pari lang pwede na akong ikasal basta mahal ko. Kahit nakapantalon pa kayo ikasal basta mahal mo. Ang saya-saya siguro.
****
Dumating ang isang babae/coordinator mula sa walk-in closet ng boutique.
"Maam ito na po ang gown of the month namin, kakadesign lang po at kayo ang unang gagamit ", excited na sabi ng coordinator.
Napahinga ng malalim si Katy dahil napakaganda ng gown, off-shoukders, may petty coat sa loob, silk na may silver linings. Sobrang ganda ng gown, lalo siyang nalungkot.
"Okay na yan", ang sabi niya ng mahina. Tumayo na siya at hinanap si Michelle.
********
Makalipas ang limang araw ay nakauwi na din ng bansa si Gary. Masaya ito dahil nanalo siya. Naghanda ng victory party ang mga kaibigan niya na sina Brad at Bill.
Pagod na sa biyahe si Gary pero dahil masaya ito sa pagkapanalo agad itong pumunta sa Prime bar sa quezon city upang icelebrate ang success niya.
Habang nakikipagsayaw ang mga kaibigan niya ay naisip niya ang mga labi ni Katy. Sobra siyang nagagandahan dito pero di niya ito naiintindihan. Hindi niya gusto ang mga ginagawa nito pero naaawa siya sa kanya.
Gary's POV: (habang umiinom ng alak ay napaisip siya)
May mga bagay talaga na di pwede. May mga tao talagang hindi bagay. Naisip niya kung magiging sila ba ay matatanggap niya ito? Kung magiging sila ba ay magkakagusto sila. Nagyon lang siya nakakita ng babaeng katulad ni Katy. Kung ibabase sa mga babaeng naging girlfriend niya ay ibang-iba ito. Gusto ko si Katy pero wala rin namang mangyayari. Kakalimutan ko na lang siya. Isa pa ikakasal na siya.
Umuwi na siya sa unit niya. Medyo lasing na siya kaya agad siyang nakatulog sa sala. Tinangal niya ang lahat ng damit niya maliban sa boxer shorts niya. Samathalang sa unit ni Katy, hindi siya matahimik dahil alam niya ng dumating si Gary. Pumunta siya sa unit nito. Binalak niyang kumatok subalit bukas naman ng bahagya ang unit ni Gary.
"Gary pwede ba tayong magusap?", ang sabi niya habang kinakalabit ang tulog na si Gary. Nabukas ang mata ng lasing na si Gary. Agad siya nitong hinalikan. Hinalikan din ni Katy si Gary. Tinanggal ni Gary ang damit ni Katy at sila ay nagsex na parang magboyfriend. "Katy", ang sabi ni Gary bago tuluyan pumikit ang mga mata nila.
BINABASA MO ANG
The Pornstar and the Boxer
RomanceAn aspiring boxer discovers that his neighbor is a pornstar. They meet again when her teacher asked her to do an interview work about him. He gave hints of disgust on her sidejob in the interview. Having been insulted by the boxer Katy the pornstar...