Ang boring ng Araw na ito haayy ! Kahit anung pilit ko makinig sa mga prof na nagtuturo , Di ko parin maiwasan na hindi makininig ..Napapatulala nalang ako !
Iniisip ko tuloy si crush, kaylan ko ulit kaya siya makikita?
Di ko pa pala nababanggit yung name niya ,
Si Lee Villaruz, isang sikat na teen star ,
Magaling siyang kumanta, sumayaw , umarte at higit sa lahat GWAPO siya .
Bakit sa tingin niyo magiging crush ko ba yun kung di siya gwapo ? isi isip din kapag may time:D ahahahaha kala mo maganda e,
yaan niyo na! kayo naman eh …
Lagi ko na lang talaga siya naiisip ,
Hindi ba siya napapagod na lagi nalang siyang tumatakbo sa aking isipan?
Ay gasgas na banat na yun ah ..
Si lee parang kamukha niya yung Lalake na nakabunggo ko kanina, parehas sila ngumiti . Remember ngitian ako nun nung tinatakot niya ako ?
Ou nga pala nag sumbong kaya yun ? naku wag naman sana! Ang dami ko na kayang nagawang violation dito sa skul na to ..
“Aray !” may bumato sakin na lukot na papel sa pisngi! sinu kaya un?
“uy bruha makinig ka sa prof, pinagpapantasyaan mo naman yung crush mo” – Sandra
“ou nakikinig kaya ako, ikaw ang makinig dyan! Ang daldal mo sandy”
“Eh! stop calling me sandy, Sandra po , che kanina ka pa nakatulala diyan “
“Ahahaha pikon ! arte mo Sandra o Sandy parehas lang un bleeh “
Ayaw na ayaw kasi ni Sandra na tinatawag siyang sandy ksi naalala lang daw niya yung EX niya , nakakatawa siya..
Makikinig na nga ako , maya maya naman mag lalunchtime na ..
“Ma’am Excuse po pinapatawag daw po si Ms.Gil sa office, papuntahin nalang daw po dun after ng class niyo sabi ni Sir.Jam “ Student Assistant
Hala ako daw pinapatawag? Bakit? Patay! Siguro nagsumbong na yung monster na yun .
Monster agad?
Eh ang cute kaya ng face nun, sayang nga lang nakashade kaya di ko yun mamumukhaan ..
“ Ok , Ms.Gil Go ahead! Sumama kana , total naman mag bebreaktime na” M’aam
“Ma’am?” Naku kinakabahan na tuloy ako !
“What? Anu pabang tinatayo tayo mo dyan?, pumunta kana”
“yes ma’am”
Niligpit ko na ang gamit ko at papunta na ako sa office,
hay kaw kasi A.J bakit ang tapang tapang mo? Ayan tuloy natatakot na ako!
Ay sana kanina ko pa naisip habang nakikipag-away .
Kaya ko to ! itatanggi ko na lang ahahahaha magaling ako sa ganoon.
Naku malapit na ako, lalo na talaga ako kinakabahan !
“Sir gud afternoon po ! bakit niyo po ako pinapatawag ?”
Hala andito yung monster, sus yari na talaga at ang lakas ng loob ko magtanong pa
“Mis Gil, ito si Gian Lee .. (sabay turo sa lalake na nakaupo) pwede mo ba siyang ilibot sa buong skul? “ school president
Gian lee pala pangalan ni mokong , infirmness kapangalan niya si crush :D ! At ano daw?
BINABASA MO ANG
kasalanan ba na mahalin kita?
Teen FictionKasalanan ba mag-mahal ng isang tao na di ka man lang kilala? Kasalanan ba maging selfish para sa taong mahal mo? yung tipong pinagdadamot mo siya sa ibang tao, kahit alam mo naman sa sarili mo na kahit kaylan di mo siya magiging pag-aari .. Kasalan...