Chapter thirty two
"Sino ba hinihintay natin?! Time natin to diba?!" hulaan niyo kung na saan kami.
Nasa MALL na naman grabe suki na ata kami dito. Nagyaya na naman kasi si katie so andito kami sa foodcourt may kasama pa daw kami para masaya. Bigla naman siya napatayo siguro anjan na.
"Hey babe." napalingon naman ako kung sino yun at sila lucas bakit kasama pa yung dalawang bwisit so eto yung masaya? Bakit di na lang pakamatay kesa magkagera?!
Tumayo na din ako pero kunwari wala akong paki saknilang dalawa pero deep inside gusto ko pumatay nakita ko kasi na sobrang kapit ni denise kala mo linta! Pero ang sakit kasi nakikita ko na ang saya ni trevor kay denise. Wala na nga ba?
"Hi guys." bati ko saknila at nagsmile. " Hi trevor and denise." bati ko din at binigay ang pinakasweet kong smile. Pero umiiral pa din na gusto ko talagang pumtay. Grrr.
Nakatingin lang sila sakin sina katie na parang naguguluhan si denise napataas lang yung kilay si trevor tinitignan ako parang nagtataka.
"Denise just forget about everything I said before." sabi ko, lumapit ako saknya at hinawakan yung kamay niya. Gusto ko siyang sampalin sa totoo lang. "Friends?" sabi ko. And the winner of being plastic is ............... Louis james! Thank you thank you. Chos.
"May nakain ka ba? Or may plano ka sakin masama?" tanong ni denise natawa naman ako na kinatakot niya sige matakot ka. Gaga!
"No. Feeling ko kasi ang sama ko sayo. MAHAL ka naman talaga ni trevor may magagawa ba ko?" sabi ko at tumingin kay trevor. "Diba trevor?" tanong ko saknya. Siniko naman siya ni levin nakatingin lang sakin eh. Malusaw ako niyan alam ko naman kagandhahan ako please lang. Wag na ipagkalat!
"H-hindi." sabi niya.
"Ano/What?" sabay sabay naming sabi.
"Ah. Sabi ko oo mahal ko siya." sabi niya na kinasikip ng dibdib ko. Ang sakit sana ako na lang nasa pwesto ni denise. Bakit ba ang swerte niya? Tumalikod na ko at nagsimulang maglakad sumunod naman sila sakin.
"Uy! Okay lang yan. Boto pa din ako sayo. Tayo muna lovers!" sabi niya at natawa ako.
"Boto ka dyan tatay ka ba niya? Hmm? Lovers? Pwede na." sabi ko.
"Arte ah! Buti nga sa gwapo kong to pinatulan pa kita." sabi niya. Ang hangin grabe lang!
"WOW AH! WOW LANG!" sigaw ko. Yabang eh sarap hampasin. Joke! "Sige na nga! Para di ka mapahiya!" sabi ko at hinug siya.
"Ayiiee! Kayo ha! Kailan pa yan?! Tama nga sabi mo katie the more you hate the more you love." sabi ni lucas. Baliw.
"Saan pala tayo?" tanong ko sakanila.
"Sine." sabi naman ni denise.
"No....." aangal pa sana si katie pero sumagot na ko.
"Great idea. Let's go." sabi ko. Tinignan na naman nila ako parang sinasabi na 'okay anong meron?' look. Ngumiti lang ako.
"Grabe masisira ozone layer sayo. Sobrang plastik!" bulong ni levin so halata pala ako. Oo nga pala holding hands muna kami ni levin. At fyi siya humawak. Pagbigyan wala pa naging lovelife. Oo wala pa. Loko eh. Pero kapag nakilala mo enjoy pero minsan bwisit.
"Tss pangarap ko pa naman maging artista." biro ko.
"Nako. Good luck! Nga pala ano papanoorin natin?" tanong niya.
"Uy guys the lady boss tayo. Please!" sigaw ko. Magkakahiwalay kasi kami partner by partner.
"Sure!" sabay sabay nilang sabi. Bumili na kami ng ticket pati popcorn at inumin namin. Pumasok na kami at naghanap na ng mauupuan so ang pwesto ako-levin-katie-lucas yung dalawa nasa likod nirequest ni denise eh.
-----------------------
-----------------------
Pagkatapos namin manuod pumunta ulit kami sa ice cream parlor grabe para akong bata na mauubusan ng ice cream kasi pagkadating namin dun tumakbo kagad ako at nagorder katulad din ng kahapon.
"Wow ako din gusto ko niyan." sabi ni levin. Edi pinagorder ko na siya yung apat nagoorder pa so kami ni levin naghanap muna ng mauupuan. Bigla naman nagring yung phone ko si mommy tumatawag. Kaya lumabas muna ko.
"Hello?"
"Next week engagement party. Kai...."
"He broke up with me."
"Wow good. Okay you should attend."
"Mommy pwede ba na wala ng engagement party? Kasal na agad?"
"Hmm? Wow that's a great idea okay I'll call you if they agree."
"Thanks bye."
Binaba ko na yung phone at bumalik na kung na saan sila. Pagkadating ko andun na din yung mga orders namin.
"Ganyan mukha mo?" tanong ni levin.
"Dyosa ba? Oo alam ko wag na ipagkalat nakakahiya." biro ko. Siya naman kunwaring nasuka syempre binatukan ko ang OA eh!
"Where were you?" tanong ni katie.
"Mom called so I went outside." sagot ko naman.
"Sabi?" nagulat ako ng bigla naman nagsalita si trevor silang lahat nakatingin samin. Oh I miss that voice.
"As usual." sabi ko na lang at kinain ang oh so yummy ice cream.
Pagkatapos namin kumain at nagkwento ng kung anu ano, naglibot libot na din kami. Nagkayayaan na din umuwi kasi hapon na at wala na din kaming alam puntahan.
"Uy thanks sa time niyo ah." sabi ko, andito na kami ngayon sa tapat ng bahay namin.
"Sheez! Ang boring niyong kasama." maarteng sabi ni denise. Pinipigilan ko lang sarili ko nako kung boring pala edi sana humiwalay sila. Grabe! Pinagbigyan na nga kanina gaganyan pa.
"Edi pakamatay ka." sabi naman ni levin.
"And besides we actually don't like you to be part of ours you only pushing yourself because of trevor." sabi naman ni katie.
"Kung boring kami edi wag ka sasama. Ang tanong sinasama ka ba namin? At gusto ka ba namin kasama? Sana magtanong ka para di ka mapahiya." sabi naman ni lucas okay face to face ba to?!
"Guys tama na." sabay naming sabi ni trevor. Tss. Gaya gaya.
"Ayieee! Muling ibalik ang tamis ng ....." tinakpan ko na yung bibig niya kasi di nakakatulong promise.
"Tss. Sakin lang si trevor!" sigaw niya at niyakap si trevor. Sana ako na lang nakayap saknya.
"Lul! Edi lamunin mo ng buo! Tinatanong ba namin!" sigaw ni levin. Jusme wala talagang pinapalampas to.
"Ah. Pasok na kami. Tara katie. Bye guys." paalam ko. Sumimangot naman yung dalawa. Kawawa naman.
Pagkapasok namin sa bahay agad naman nagsisisigaw si katie parang mababaliw na. Ako naman pumunta sa kusina at kumuha ng tubig para kay katie.
"Hey! Inom ka muna. Init ng ulo mo!" sabi ko tapos binigay yung isang basong tubig.
"Are you not affected what's happening that denise stoled your boyfriend! My god louis are you out of your mind!?" sigaw sakin ni katie.
"Bakit kapag ba ginawa ko yung mga ginagawa mong yan. Babalik sakin si trevor? Maibabalik ko ba yung dati? Hindi diba mukha lang akong tanga kung gagawin ko yan." sabi ko hindi ko na napigilang umiyak.
"Di mo lng napapansin nasasaktan din ako sa tuwing nakikita kong masaya si trevor kay denise, kapag niyayakap siya kapag mag kahawak sila ng kamay. A-alam mo ba hinihiling ko na sana ako na lang si denise. Sobrang sakit katie! Masakit! Sana pinatay na lang nila ako kasi parang unti unti na din nila ako pinapatay sa mga ginagawa nila. Di ko na kaya!" sabi ko habang umiiyak pa din ako.
"So-sorry." sabi niya na lang at niyakap niya ko.
Sana matapos na to para di na ko masaktan.
••••••••••••••
PLEASE VOTE!
DROP YOUR COMMENTS!
FOLLOW ME :)
TheGreatLuw xx
BINABASA MO ANG
I'm Loosing You
AléatoireMy name is Cher France Louis James. If you want to know my story. Just read it :)