Funny Boys Make You Fall In Love

228 2 1
                                    

Funny Boys Make You Fall In Love

Written By: NiAmHaZaLou23

---

"Knock, knock!"

"Who's there?"

"Eh di ako! Bwahahaha!"

Eto na naman siya. Tawa ng tawa sa ka-cornihan niya. -.-

Ako nga pala si Nicki Briones. 15 years old at third year high school. At yang corny na yan, si Louis Torres. Ang 'clown' ng section namin.

Ewan ko ba kung bakit siyang-siya sila sa ka-cornihan ni Louis. Psh.

Eto kami ngayon, hinihintay ang adviser namin. Late na naman si Ma'am.

"Good morning, class." pumasok si Ma'am sa loob at umupo sa upuan niya.

"Good morning, Ma'am." sabi namin sabay tayo.

"Sige. You may sit down."

Umupo na kami, naghihintay ng kung anumang announcement na sasabihin ni Ma'am.

"Sige. Dahil second quarter na, we will have the new seating arrangement."

"Yehey!" agad na sigaw ng mga kaklase ko at nangunguna si Louis.

Ayos na naman ako sa upuan ko. Katabi ko yung kaibigan kong si Rhea kaya lang absent daw siya. May sakit.

"Sige. Dahil maingay na naman si Louis, siya ang uupo dito sa harap ng teacher's table." sabi ni Ma'am. Napangisi naman ako.

"Aww. Ma'am ang unfair naman." sabi ni Louis at nagpout pa! Eww!

"Umupo ka na rito." turo ni Ma'am.

"Tsk." sabi ni Louis at umupo na sa upuan.

"Sige, itatabi kita sa tahimik. Uhmm. Si Nicki, dito ka sa tabi ni Louis."

Ano raw?!

Katabi ko si Louis?!

"Po?" tanung kay Ma'am.

"Dito ka sa tabi ni Louis."

"Yes, Ma'am." sabi ko sabay kuha ng gamit ko at upo sa tabi ni Louis.

Tsk. Magagambala na naman ako. Kainis.

"Hello!" kaway ni Louis sakin.

"Hi." sabi ko na walang ka-energy energy.

"Ayos ka lang? Bakit wala kang energy?!" sigaw niya.

"Tsk. Inaanotok ako kaya shut up muna ng saglit, pwede?" sabi ko habang nakatungo.

"Aw. Wala akong kausap." sabi niya, nagpout na naman.

"Tss." sabi ko sabay ub-ob. Alam mo yun? Yung nakatungo ka sa upuan. Basta!

Si Louis naman, dutdot ng dutdot sa balikat ko. Maya-mata tumigil...

"Ah!" napasigaw ako sabay tayo. Dinutdot ba naman ako sa tagiliran. May kiliti ako dun. -.-

"Ano ba Louis?!" tanong ko sa kanya.

"Ikaw kasi ayaw mo kong kausapin." sabi niya habang tumatawa.

Inirapan ko na lang siya at umupo ulit. Buti na lang busy yung iba sa seating arrangement. Tsk. Bakit naman kasi eto pa ang katabi ko?

"Nicki. Nicki. Nicki." sabi niya habang dinudutdot ang pisngi ko.

"Ano ba?!" sigaw ko.

"Kausapin mo naman ako. Sayang energy ko oh!" sabi niya sabay ngiti. Tsk.

Funny Boys Make You Fall In LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon