FALLING TO PIECES (One-shot)

24 2 3
                                    

Bawat hakbang na ginagawa ko, siya ring pagkabiyak ng puso ko. Sa araw araw na pagpasok ko sa school ganito ang nararamdaman ko.

"Uy! Anjan kana pala. Umagang umaga busangot ka na naman." - eto na naman siya. Kelan niya ba ako titigilan? Di niya ba napapansin na iniiwasan ko na siya? Ayoko ng masaktan.

Hindi ko nalang siya pinansin, bagkus dumeretso ako sa upuan ko at nagpasak ng earphones sa tenga.

"Trops, problema mo?" - tanong niya pagkatanggal niya ng isang earphones ko.

Puta ikaw. Ikaw ang problema ko.

"Wala. Wag ka na ngang magulo. Dun kana" - pagtataboy ko sakanya.

"Tsk. Napakasunget. Wala naman akong ginagawa sakanya" - rinig ko pang bulong niya matapos umalis.

Hays.

"Oy Nico! Hanap ka ni Ailey! Andun sa labas." - sigaw ng isang kaklasi namin.

Pucha. Ailey na naman. Siya na naman! Sila na ba!? Sa pagkakaalam ko kase, nililigawan siya ni Nico.

At ako? Eto, lihim na nasasaktan. Ganyan namn e. Kapag lihim kang umiibig, lihim ka ring masasaktan.

Sino nga ba naman ako? Dakilang tropapips ni Nico. Yun lang, pero higit pa dun ang turing ko sakanya.

Kaso wala e. May Ailey na siya. Ang saya no?

Nakita ko pang sumulyap sakin si Nico bago siya lumabas ng room para puntahan yung Ailey niya.

"Ano, uupo ka nalang jan? Wala kang gagawin? Girl, nakakaiscore na yung si Ailey. Ano, sa ka gagalaw kapag huli na? Kapag sila na?" - sermon ng isang boses mula sa likod ko. Napatingin tuloy ako sakanya.

"Kesha?" - teka. Alam niya?

"Paano ko nalaman? Simple lang, obvious ka e. Alam mo, sabihin mo na kasi kay Nico na gusto mo siya. Nauunahan kapa tuloy ng iba" - sagot niya.

Ganun ba ako ka obvious??

"Para saan pa. E may Ailey na siya." - sagot ko.

"Tsk. Bakit, sila na ba? Saka si Ailey lang naman tong lapit ng lapit kay Nico ah. Alam mo naman yang tropapips mo, napakabait kaya kahit sino, kinakaibigan. Sa pagkakaalam ko, hindi naman talagang nililigawan ni Nico yun e. Tsismis lang yun ng iba."

"Psh. Yaan mo sila. Magsama sila. "

"Bahala ka. Nasa huli ang pagsisisi" - makabuluhang sabi nya saka umalis.

Anong oras na, wala pa rn si maam. Absent sguro. Lumabas nalang ako, wala din naman akong mapapala sa room.
.
.
.
.
.
.
.
.
Pupunta sana ako ng canteen, ng makita ko si Nico at si Ailey sa bench. Nagtatawanan.

Ako dati yun e. Ako yung kasama niya lagi, kabiruan niya lagi. Pero ngayon siya na.

Oo aaminin ko, ako yung umiwas. Ako yung lumayo. Eto lang yung naiisip kong paraan. Kung di ba naman ako tanga, mainlove ba naman sa taong hanggang tropa lang dapat.

Pero minsan napapaisip ako. Tama lang ba yung ginawa kong pag-iwas? O dapat ba sundin ko yung sinabi ni Kesha?

"Cassey!" - rinig kong sigaw ni Nico.

Nagpatuloy nalang ako sa paglalakad, di ko na nalang siya pinansin.
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

Ilang buwan na rin yung lumipas. Ganun parin. Lumalapit siya sakin, umiiwas ako. Ang tanga lang no? E hanggang ngayon kase hindi ko parin alam yung gagawin.

Pero nitong mga nakaraang araw, hindi na niya rin ako pinapansin. Aaminin ko, masakit. Ganito pala yung pakiramdam, ganito rin kaya yung nararamdaman niya nung iniiwasan ko siya? Hindi siguro. May Ailey siya e.

"Kesh, tara kain na tayo" - aya ko kay Kesha. Lunch na kasi.

"Wait. Magaayos lang ako" - buti pa tong babaeng to, parang walang ka proble-promblema sa buhay. Laging masaya. Laging nakangiti. Sana katulad niya nalang ako.

Maya maya pa natapos na rin siyang magayos. Umalis na kami.

"Kesha, pano mo nagagawa yan?" - tanong ko.

"Huh!? Ang alin?" - takang tanong niya.

"Yan. Yung maging masaya lagi. Alam ko may problema ka. Hindi mawawala sa tao yun. Pero ikaw, napakatatag mo. Nakakaya mo."

"Alam mo kase Cass. Yung mga problemang yan, hinaharap yan, hindi tinatalikuran. Kung minsan yung inaakala mong solusyon, panibagong problema at sakit lang pala ang dala. Ako, aaminin ko, madami din akong pinagdadaanan, pero mas pinipili kong harapin yung mga yun ng masaya. Para maging magaan. May problema kana, nagmumukmok kapa, para ka namang tanga nun." - sagot niya.

Di nalang ako umimik. Tama naman siya e. Hindi dapat tinatakasan ang problema. Hindi rin maitatama ang mali ng isa pang kamalian.
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

Uwian na. Pero di pako pweding umuwi. Cleaners ako e. T.T

Kinuha ko yung walis at nagsimula ng maglinis. Ako nalang magisa dito, yung partner ko sa paglilinis e absent. Tsk.

Habang nagwawalis, isang pamilyar na tinig ang narinig ko. Yung boses niya, antagal ko na ring hindi naririnig. Sobrang namimiss ko na siya.

"Cassey. Can we talk?" - Cassey? Tinawag niya akong Cassey? Hindi Trops?

"A-anong dapat nating pagusapan?" - tanong ko.

"Kaylangan mo pa ba kong tanungin niyan? Cass, ilang buwan mo na kong iniiwasan. Ni hindi ko nga alam kung ano yung dahilan e. Ganun nalang ba yun? Yung apat na taong pagkakaibigan natin bigla nalang mapupunta sa wala? Hindi naba ako mahalaga sayo Cass? Ganun ba ako ka walang kwento sayo?" - di ko mapigilan, naiyak nako habang sinasabi niya tong mga to.

"Cassey! Cassey sumagot ka naman!"

"Nico gusto kita! Yun yung problema ko! Yung lintik na puso kong to!"

"Gusto rin kita!"

O.O totoo ba tong naririnig ko!? Nananaginip ba ko?

"Yan dapat yung sagot ko kung sinabi mo yan ng mas maaga. Pero Cassey iba na ngayon. Kase, kami na ni Ailey" - tangina! Tangina talaga.

"Yeah. Ailey. Hahaha." - kunwaring tawa ang ibinigay ko.

"Masisisi mo ba ko? Nung mga panahong iniiwasan moko, nanjan siya lagi. Pinapatawa ako, sinasakyan ako sa mga trip ko. Alam din niya yung nararamdaman ko sayo nun. Sakanya ko lahat sinasabi kasi iniiwasan moko. Hirap na hirap ako nun. Bawat araw na hindi moko pinapansin, para mo narin akong pinapatay. Cassey, si Ailey. Siya yung naging sandalan ko nung mga panahong kaylangan kita"

Napahagulgol nalang ako sa mga huling salitang binitawan niya. Sobrang sakit. Hindi ko maipaliwanag yung sakit.

"Matagal ko ng gustong sabihin sayo na gusto kita, kaso pano ko sasabihin e pinagtatabuyan moko? Akala ko nun ayaw mo sakin. Kaya hinayaan nalang kita" - habol pa niya.

"Nico sorry." - yan lang ang tangi kong naisagot.

"Wala kang kasalanan Cass. Ako ang dapat magsorry. Kasi hindi ko na masusuklian yung pagmamahal mo. Kase hanggang kaibigan nalang talaga yung tingin ko sayo ngayon. Pero mahalaga ka parin sakin, hindi mawawala yun. Trops pa rin kita. Mahal kita, bilang kaibigan nalang. Sorry, Trops"
~
Hanggang dito nalang talaga. Kung sinabi ko pala sa kanya noon pa, dapat sana masaya na kami ngayon. Hindi sana ako nahihirapan ngayon.

Pero dapat kong tanggapin. Dahil hindi lahat ng gusto natin, mapupunta satin. Lalong hindi natin makukuha yung gusto natin kung wala tayong gagawin.
Sobrang sakit talaga ng nangyari, pero magsisilbi itong lesson sakin.

-

Thank you for reading! ~

-gel

FALLING TO PIECES (One-shot)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon