Chapter 3

15 1 0
                                    

Nagasing ako at napansin kong nasa kwarto na ako.
"Panaginip na naman?" Sabi ko sa sarili ko.

"Devi, buti gising ka na." Napatingin ako sa tabi ko.

"Con? Anong--"

"Kinabahan kami nung nagpass out ka kanina. Buti nasalo kita. Okay ka lang ba?" Tanong nya.

"Uh... I thought panaginip lang. What in the world?" Napabangon ako.

"Ha? Eh ikaw ba naman kase. Pinilit mong isuot yang damit na yan eh ang sikip-sikip oh. Ang taba mo kaya." Sabi nya saka tumawa.

"Loko. Nasan sila?" Tanong ko.

"Nasa baba sila tita, kinakausap pa yung doctor mo."

"Eh si Monique at Nathan?" Tanong ko.

"Ano? Devi, ano ba? Wag ka ngang ganyan." Para syang takot na ewan.

"Hoy lalake! Loko ka talaga. Nasan nga sila? Yung iba?" Sigaw ko.

"Ano ba Devorah! WALA NA SI MONIQUE! SI NATHAN HANGGANG NGAYON NAKARATAY SA OSPITAL!" Nagulat ako sa bigla nyang pagsigaw.

"ANO?!" Pero kanina lang eh nandito sila. Dumating sila kasama yung iba.

"Devi, magayos ka na lang para makababa ka na." Sabi nya at tumayo.

"Connor, what happened before I passed out." Napatingin sya sakin.

"Tumayo ka lang naman mula sa pagkakaupo saka ka tumakbo papalapit sa pinto. Tapos parang may kausap ka. Tapos ayun, nawalan ka na ng malay." Sabi nya. Napaisip ako bigla. "Sige na. Baba na ako. Palitan mo yang damit mo. May catsup pa." Tuluyan na syang lumabas ng kwarto ko.

Tumayo na ako at pumunta sa banyo.

"Ano ba talagang nangyare? Si Monique, wala na? Panong nangyare yun kung nakapunta pa sya dito kanina?" Para akong baliw na kinakausap ang sarili ko.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Oct 26, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Devorah's NecklaceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon