CHAPTER 1
“Mabuhay ang bagong kasal!” sigaw ng isang bisita.
“Mr. and Mrs. Reinhart, tingin po dito sa camera!” sabi naman ng isang photographer. Nag-ayos ang mag-asawa at nagsmile sa camera.
“Buong pamilya naman! let’s take a picture for the new family!” sabi pa ng isang photographer.
Nasa gitna ang newly weds habang nasa magkabilang dulo ang dalawang binata. After a click sound heard, umalis agad ang binatang kung tawagin ay ‘Breaker’ na pilit lang na ngumiti sa harap ng camera.
“Everyone, shall we eat?” nagsi- upuan ang mga bisita at nagsimulang i-enjoy ang handaan sa kasal. Habang busy na kumakain ang bagong kasal, lumapit si Breaker sa kaniyang ama.
“Dad, I need to go. I have something else to do.” pamamaalam nito.
“Ano ka ba? It’s our wedding! Can you just stay here for a while? Ipakita mo naman na masaya ka para sa kasal namin.” palihim na bulong ng ama. breaker goes back to his seat habang pinipigilan ang galit.
“Mat, bantayan mo ang kapatid mo ah, wag mo siyang pabayaan na umalis.” panuyo ng ama.
“Sure dad, ako na po ang bahala sa kniya.”
Pagkatapos ng kasal, sabay-sabay na umuwi ang pamilya sa bago nilang tahanan.
“Well, this will be our new home. Apat ang kwarto nitong bahay, tig-isa kayong magkapatid, isa para sa amin at isa for our guests.” sabi ng ama. Pinili ni breaker ang kwarto na nasa attic. After ng kanilang dinner, umakyat na agad siya sa kaniyang kwarto.
“Papa, san kayo mag-hhoneymoon ni mama?” pabirong tanong ni Mat habang nanonood sila ng movie.
“Hindi na kami pwede diyan anak.”
“Pwede pa po yan. Magdagdag pa po kayo ng magiging kapatid namin ni Breaker.” pamimilit ni Mat.
“Mat, patayin mo na yang tv at matulog ka na, gabi na. Magpapahinga na rin kami ng papa mo.” paningit ng ina.
“Sige po.” pinatay na niya ang tv at aakyat na sana siya ng biglang may naalala siya.
“Bago ko po makalimutan, lumabas po si Breaker, dala ang kotse niya. Hindi ko na po siya natanong kung saan siya pumunta. Pasensiya na po. Sige po, akyat na po ko. Good night.” pamamaalam ni Mat.
“Hindi yun nagpaalam sa akin ah. Pinapaiinit niya ang ulo ko.” Galit na pagkakasabi ni Mr. Reinhart.
“Hayaan mo na siya. Malaki na ang anak mo. He can take care of his self. Tsaka don’t worry, nagpaalam siya sa akin.” pagpapakalma ni Mrs. Reinhart.
“Nagpaalam siya sa’yo? Eh san daw siya pumunta?” magkasalubong na kilay na tanong ni Mr. Reinahart.
“S-sa k-kaibigan niya ata. Hay naku! hayaan mo na siya. At least, he asked permission from me.” sagot ni Mrs. Reinhart.
“Sige na nga matulog na tayo. I’m sure pagod ka kanina.” at umakyat na ang dalawa sa kanilang kwarto.
Pagkaakyat ni Mat, tinawagan niya si Breaker. Ngunit, nanggigigil na siya sa galit dahil sa hindi ito sinasagot ni Breaker.
Si Mat ang kinikilalang panganay na kapatid ni Breaker. Si Matthew Reinhart o Mat ay isang maginoong binata, nasa 5’6 ang tangkad, maputi, magalang, matalino, masipag at halos lahat na ng magagandang ugali ay nasa kaniya na. Pagdating naman kay Breaker, lagi siyang naiinis dito. siya pa minsan ang nagdidisiplina sa napakawalagn hiya at walang modong pag-uugali nito. Walang araw na hindi siya nagalit sa kaniya.
BINABASA MO ANG
WHOM TO FALL IN LOVE WITH
RomanceSino nga ba sa magkapatid anf karapat-dapat na piliin ni Danielle na magpapasaya sa puso niya? Si Mat na siyang napakabuti at napakasunuring anak? O ang super bad boy na si Breaker, na hindi makalimutan ang past lovelife niya kay Erica?