HOM #12 - Baril.

694 7 6
                                    

Lois*

"Yung feeling na sa sobrang gutom natin, bat di nalang tayo mamatay na ngayon?" sabi ni Xyrix.

"Kaya nga e, gutom na gutom na tayo pero hindi tayo namamatay" sabi ni Yoh

"Yeah, katinding sikmura." sabi ni Effex.

Ako naman nakatunganga nalang, ako nalang babae dito, wala na bespren ko, hindi na buo at hinding hindi na mabubuo ang royal bestfriends. Wala na si Ate Yuna, Si Kuya Tam at Kuya Lay, grabe naman na lugar to. Nasa huli nga naman pag sisisi.

"Hindi pa ba umaga?" tanong ni Kuya Clohann

"Sisikat na din yan." Sagot naman ni Kuya South. Mga mukha kaming patay sa totoo lang.

Yung feeling na gustong gusto mong mamatay nalang kayong lahat ngayon kesa pag daanan pa yung mga lintek na pag subok na yan para lang mabuhay ang isa. Puchemas.

Pag lipas siguro ng isang oras, lumiwanag na sa kwarto. Buti hindi kami nasusuffocate dito no? Talagang asar eh, napakarami nang chansang mamatay kami pero gusto pa talaga sa loob ng isa sa mga pintong yon. 

"Oy! Ako naman pipili." sabi ni Kuya Clohann.

"Sige." mga walang pake naming sagot kasi ganun din naman, pumili ka pa, lahat din naman yan mararanasan niyo. 

Pinili ni Kuya Hanhan yung may baril na sign.

"Waahh kagandang training studio." Sabay sabay na sabi namin, pano ba naman nasa isang napakalaking room kami na puro dummy, puro targets at higit sa lahat puro baril! Ang ganda lang ng lugar na to.

Pero yung alam mong hindi mo maeenjoy kasi may isa sainyong mamamatay. Grabehan.

"Asan yung ponciong task?" tanong ko. "O kung ano man." pahabol ko.

House of Magic Season 1 - HOM Season 2 ( Louis Academy )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon