The 60 Days of Summer (Chapter 1)

516 16 10
                                    

-- First time ko po magsulat sa wattpad. AMATEUR WRITER lang :)  Sana po makapag-bigay kayo ng comments para mas mapaganda ko pa ung mga output ko :) SALAMAT! ENJOY.

THE 60 DAYS OF SUMMER

Epilogue:

60 days of summer. Marami akong natutunan sa pangyayaring ito. Sabi nga nila “everything has a reason”. Ngayon alam ko na ang dahilan kung bakit noong summer school naging block A ako. Nakilala ko ang isang tao. At nalaman ko ang dahilan ng aking pagkahulog sa kanya. Tama, “everything has a reason”. For 60 days of summer napatunayan ko ito.

Chapter 1:

MESSAGE:

“Alah! Guys, good night. First day na natin bukas para sa summer school. Kita kits J” Sleeptight !

MESSAGE SENT!

First day of summer school ngayon, April 10, 2013. Siyempre sa una kakabahan ka. Sa dinami-dami ba naman kasi ng nag-enrol para sa summer school ay hindi mo na makikilala ang mga posibleng maging blockmates mo. Naiisip mo kung mga bully ba sila, masama o kaya naman ay hindi gaanong friendly, diba? Ang hirap naman kasi kung sa isang klase ay nagkakainisan pa kayo. Hindi ka makaconcentrate at minsan wala kang mapagkokopyahan ng assignments! Ahaha.

“Pssst, Jerbaks! Haha”, tawag ko kay Grace. Bestfriend ko since 3rd year high school at ngayong college ay magkaklase pa rin kami. BEST FRIEND FOREVER!

“Ish! Hai naku, hindi ba’t sinabi kong ‘wag mo akong tawag sa name na yan! Ang baho kaya pakinggan.”, sagot nitong naiinis.

“haha sorry naman. Kamusta naman ang buhay-buhay natin ngayon?, tanong ko sa kanya.

“Kabitin ang summer vacation! Waaah! Ayoko na agad pumasok kahit first day pa lang.” sagot nito.

Sa course namin required talaga ang summer school. Kailangan ito upang matapos ng maaga ang course namin kaysa naman mag-5 years kami tulad ng engineering at architecture na 5 years ngunit walang summer.

“AAAAAH! Buti naman at nandito na tayo sa 6th floor. Wooooh! Grabe!”, Sigaw ko kay Grace.

“Grabe, nakakapagod!!”, sagot nito.

Nakakahingal talaga ang University namin. Ang tataas ng mga hagdanan pati na ang mga buildings umaabot ng 7 floors na parang 10 floors ang lakaran. Wala naman kasing elevator at ang isa pa ay ang lalayo ng mga buildings sa isa’t isa.

Pagkapasok namin ng klasrum. Halos wala kaming kakilala sa mga tao doon. Pero buti na lang at magkakasama kami ng mga dati naming kablock na sila Carla at Drevonne na mag-enrol.

“hala, uy! Paano iyan? Tayo-tayo na naman magkakasama, tapos sila tingnan ninyo parang magkakakilala na”, sambit ni Drevonne.

“Haha, Carry natin ito girls!”, sagot ni Carla.

“Guys, mukha naman silang mababait eh”, sabi ko.

“Mint, lahat naman sa iyo eh mabait, walang masama sa unang tingin.”, dagdag ni Carla.

“Uhmm, oo sa unang tingin! HAHA.”, sagot ko.

Sa totoo lang mukha naman talaga silang mababait. May mukhang taga-baguio , at may mukhang taga-baba. Pero isang lalaki ang pumukaw ng aking mga tingin. Isang simpleng lalaki.

“Good Morning class”, bati ng isang professor.

“Good Morning Ma’am”, bati naming lahat.

“So class, I will be your professor this summer in organic chemistry. I hope and I expect that you are going to be active in my class because you are the block A, right? Dagdag pa nito.

Maraming nagbulungan sa klase, ito ay reaksyon mula sa sinabi n gaming professor. Lumabas si Ma’am para pumunta sa faculty at para kunin an gaming class cards. Nang wala na si Ma’am ay may tumayong isang babae at sinabing “Porket block A, matalino agad? Hindi ba puwedeng nauna lang sa enrolment? HAHA”. At sabay- sabay nagtawanan ang lahat.

-----> Wait for Chapter 2 . THANK YOU for reading. Hope you like it. Please comment :)

The 60 days of Summer *Completed*Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon