THREE - Mr. Stranger to the Rescue

75 4 0
                                    

"Tama na yan. Hindi mo sila dapat iniiyakan." Nag-angat ako nang tingin at nakita na naman ang mukha ng lalaking iyon. Bahagya siyang nakayuko sa harapan ko habang nakalahad ang isang kamay na may hawak na panyo at ang isa nama'y nakasuot sa kanyang bulsa.

Ano bang problema nang isang ito? Bakit ba siya nakikialam? Nakita na ngang sobra na akong naghihirap dito binubwiset pa niya ako.

"Ikaw na naman! Pwede ba, hayaan mo na ako." Nanginginig ang boses na wika ko. Stalker ko ba sya? Bakit palagi na lang syang sumusulpot sa tuwing umiiyak ako? Saka uwian na a, ba't nandito pa siya? Tumayo ako at saka naglakad. Nilampasan ko siya habang pinupunasan ang luha ko gamit ang aking kamay.

Pati ulo ko sumasakit na sa sobrang pag-iyak ko. Tapos dadagdag pa itong isang ito na kung saang lupalop ng mundo nagmula.

"Hay! Bakit ba ang tigas ng ulo mo?" Narinig ko na lang na sabi niya pero hindi ko siya pinansin. Marahan akong naglakad palayo sa kanya. Siya nga ang matigas ang ulo e, sinabi nang wag niya akong pakialaman pero ang kulit-kulit niya.

"Tara na nga!" Bigla na lang niya akong hinatak palabas ng school. Sino ba ang lalaking ito? Bakit ba niya ako kinukulit? Bakit palagi siyang dumadating kapag umiiyak ako? At saka bakit parang ang dami nyang alam sa amin ni Vin kahit wala naman siyang sinasabi? Alam kong nasaksihan niya ang pakikipag-break sa akin ni Vin pero bakit parang may alam siya tungkol dito? Ano bang iniisip ko? Imposible iyon, ngayon ko nga lang siya nakita e.

"Alam mo masarap talaga yung ice cream nila dito. Tikman mo." Sabi niya at saka itinapat sa bibig ko ang kutsarang may scoop ng ice cream. Inirapan ko lang siya at hindi tinanggap ang iniaalok niya. Nagkibit-balikat lang siya saka dinala sa bibig niya ang kutsarang may ice cream.

Hindi ko alam kung ano ang sumapi sa akin at sumama ako sa kanya e hindi ko naman siya kilala. Siguro nawalan lang talaga ako ng lakas at gana para tumanggi pa. Dinala nya ako sa isang ice cream parlor. Sabi niya palagi daw siyang tumatambay dito at kumakain ng ice cream kasi masarap daw talaga yung ice cream dito.

Halata naman sa itsura niya na masarap talaga iyong ice cream na kinakain niya. Para siyang bata, kulang na lang pati iyong lalagyan ay kainin niya. Nag-order naman siya ng para sa akin pero wala akong ganang kumain. Pakiramdam ko tinakasan na ako ng lahat ng energy sa katawan ko dahil wala akong kagana-gana sa kahit na anong bagay.

Muli akong tumingin kay Mr. Stranger at napailing-iling.

Wala akong ideya kung bakit nag-aabala ang isang ito na intindihin ako e hindi naman niya ako kilala at isa pa concern na concern siya sa akin na akala mo'y matagal na kaming magbestfriend. Akala mo'y naranasan na rin niya ang ganitong pagka-sawi at relate na relate siya sa akin kaya niya ako tinutulungan ngayon. Pero sa kabilang banda, natuwa ako sa ginawa nya dahil kailangan ko talaga ng makakausap at masasandalan ngayon.

Hindi rin naman masamang kumapit sa ibang tao sa mga pagkakataong nasasaktan ka. Minsan mabuti na rin iyong maghanap ka ng makakasama nang sa ganun may mapaghugutan ka ng lakas. Well, it doesn't mean na manggagamit ka. Gusto mo lang na may aakay sa iyo sa mga panahong nawawalan ka ng lakas at tiwala sa sarili mo.

"Hoy tulala ka na dyan! Wag mo nang isipin yun. Hindi nya deserve ang isang kagaya mo at hindi mo rin deserve ang isang kagaya lang nya."

Hindi ko alam kung dapat akong matuwa o mainis sa sinabi nyang iyon. Napatingin ako sa kanya at napahalakhak ako ng makita ang mukha nya. Grabe! Feeling ko nasa akin na ang atensyon ng lahat ng tao dito dahil sa paghalakhak ko. Eh kasi naman may kumayat na ice cream sa may gilid ng labi nya. Hindi ko alam kung bakit ako natatawa pero sadyang nakakatawa talaga ang itsura niya e.

"Hoy mamatay ka dyan sa kakatawa! Nabaliw ka na ba? Umiiyak ka lang kanina tapos ngayon tawa ka naman ng tawa." Sabi nya at saka sinubo yung huling scoop ng ice cream sa baso nya. Binawi ko ang ngiti sa aking labi at tiningnan siya nang masama.

"Ang sama mo! Kasalanan ko ba kung makalat ka kumain ng ice cream tapos nakakatawa pa yung itsura mo, akala mo isang taon kang hindi nakatikim ng ice cream." Saad ko

"Eh sa masarap talaga yung ice cream e, anong magagawa ko? Makatawa ka dyan!" sagot nya na parang nagtatampo yung itsura. Ang cute nya!

"Sorry na. Nakakatawa kasi talaga itsura mo."

"Atleast napatawa kita di ba?" sabi nya sabay wink sa akin. Hala, may ganun?!

Biglang gumaan ang pakiramdam ko dahil sa pagtawa kong iyon. Gulong-gulo man ay nagpapasalamat ako dahil sa super powers ng makulit na lalaking ito sa harap ko. Hindi ko kasi akalain na sa sobrang sakit na nararamdaman ko ay mapapatawa nya ako kahit wala naman talaga syang ginawa para mapatawa niya ako.

Well I guess, laughter can be really the best medicine sometimes. Sa likod ng mga mabibigat at masasakit nating pinagdadaaan sa buhay, kapag tumawa tayo nagagawa noong pagaanin kahit papano ang kalooban natin. Bumabalik ang sigla ng katawan natin at nagkakaroon ulit tayo ng pag-asa.

"Thank you pala." Nagsimula na akong kainin ang ice cream na in-order niya para sa akin. Napapikit ako dahil sa sarap ng lasa. Tama nga ang lalaking ito, sobrang sarap nito.

"Para saan?" tanong niya

"Sa pagsama sa akin dito, saka sa pagtulong sa akin kanina."

"It's fine. I just don't like seeing someone being miserable." Sabi lang niya habang nakatingin sa akin. Feeling ko gusto niya rin tikman itong ice cream na kinakain ko dahil sa paraan nang pagtitig niya.

"Gusto mong tikman?" tanong ko. Naglagay ako kutsara ng ice cream at inaro iyon sa harap ng bibig niya. Umupo naman siya ng tuwid saka dumukwang para isubo iyong kutsarang may ice cream pero inilayo iyon agad sa kanya.

"Sorry ka, akin ito e!" inilayo ko ang kutsara saka diretsog isinubo iyon. Tiningnan niya ako nang masama at mahinang tawa lang ang iginanti ko sa kanya.

"How could you tease me like that? You'll surely gonna regret it little woman." He gave me that look na parang isang tigre na anumang oras ay nakahandang sakmalin ako. Nabitawan ko ang kutsara saka tumayo. Nagmadali akong tumakbo palabas at nang lumingon ako ay nakita ko siyang tumatakbo palapit sa akin.

Napatakbo ako nang mabilis dahil sa kabang nararamdaman ko. What is this guy's problem?

********

Comment.

-syeshapotz-

Broken-Hearted GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon