Itong kwento pong ito ay inspired sa na kwento saken nung favorite kong teacher nung college ako. Ito ay tungkol kung paano binago ni Mylene at ng isang lata ng sardinas ang buhay ng isang tao.
***************************************************************************************************************
Ako si Phyll. Matangkad. Maputi. Gwapo.
Nag aaral ako sa isang sikat na university sa lugar namin. Hindi naman sya kasikatan, pero magaling sya pagdating sa larangan ng sciences, kaya dun ako pumasok.
Nag iisang anak ako, kaya lahat ng bagay nakukuha ko. Oo, aaminin ko, sumosobra ako minsan at naaabuso ko na yung kabaitan ng mga magulang ko. Pero nagbago yun nung nakilala ko si Mylene.First year college ako noon. First day of class. Kumuha ako ng BS Psychology na course at sa laking gulat ko nung pasukan, ako lang ang lalaki sa section namin. Well, masaya at naging okay naman yung takbo ng pag-aaral ko, hanggang sa nakuha ng isang babae yung atensyon ko. Nakuha nya ang atensyon ko kasi hindi naman sa type ko na agad sya, hmm, oo maganda sya, pero hindi dahil dun. Mahigit isang semester na kasi kaming magkakasama, pero napapansin ko na hindi sya nakikihalubilo sa mga classmate namin. Kapag niyayakag sya ng mga girls na mag bonding o mag mall lagi syang tumatanggi. Eh di ba yun naman hobby ng mga girls? Napakamisteryoso nyang babae. Lagi syang basta na lang nawawala tuwing break sa klase at yun yung isa sa mga misteryo nya na inalam ko. Hanggang isang araw mukhang narinig ako ng langit at nagkaroon ako ng pagkakataon na kilalanin si Mylene.
Nagkaroon kami ng isang activity kung saan kailangan naming mag interview sa mga rehab o kaya naman sa mga mental hospital para sa ginagawa naming research at sa hindi inaasahang pagkakataon, ako ang naging ka partner ni Mylene. After nung last subject namin nung tanghale, nag decide ako na pumunta na kami sa interview namin at dun na lang kumain sa madadaanan naming fast food chain.
"Tara na Mylene, pumunta na tayo sa interview. Kumain na lang tayo along the way." ako.
"Ha? eh hindi. Mauna kana, susunod na lang ako." Mylene.
"Bakit? May problema ba?"
"Eh, wala naman. Dadaan muna kasi ako sa boarding house. Susunod na lang ako." Mylene.
"Ganun ba? Walang problema, Sasama ako. Antayin na lang kita." ako.
"Sigurado ka?"
"Oo."
Sa madaling sabi, sumama ako sa boarding house nya. Laking gulat ko nung nakarating kami. Hindi ko alam pero biglang bumigat yung nararamdaman ko. Para akong binuhusan ng malamig na tubig. Ilang segundo rin akong natutulala bago ako tuluyang humakbang papasok ng bahay nila.
Isang pinto at isang maliit na bintana. Yan lang ang tanging dinadaanan ng hangin at liwanag sa bahay nila. Napakasikip at sa tantya ko, mas malaki pa yung kuwarto ko dito. Tatlo silang naghahati hati sa bahay na yun. Nahihiya sa akin si Mylene na dinala nya ako doon, pero sa loob loob ko, mas nahihiya ako sa kanya. Hindi ko alam kung bakit.
Pinatuloy nya ako at pinaupo sa isang maliit na upuan. At nagsimula na sya maghain ng pagkain. Kinuha nya nag isang maliit na kaldero, mga pinggan at saka binuksan ang isang lalagyan na may takip na platito.
Napatulala ako sa kanya, hindi ko namanlayan na inaalok nya na pala ako ng pagkain.
"Phyll. Pasensya kana sa bahay namin ha? Gusto mo bang kumain?" Mylene.
Nakatulala pa rin ako, tiningnan ko ang laman ng platito na inaalok nya, 2 pirasong sardinas. Bumalika ang tingin ko sa kanya at hindi pa rin ako makapag salita.
"Siguro hindi ka kumakain ng sardinas ano? Ganun kasi yung alam ko sa mayayaman. Yung iba nga hindi alam kung ano yung sardinas eh. Pero lechon na to saken. :) Mahirap lang kasi kami eh, kung hindi dahil sa scholarship na nakuha ko hindi ako makakapag aral dito. Kaya nung lumuwas ako dito sinabi ko sa sarili ko na hindi ako uuwi samin ng wala akong nararating, at kahit anu pang mangyari, kahit gano kahirap mamuhay dito, kakayanin ko. Siguro napapansin mong hindi ako sumasama sa mga kaklase natin kapag nagyayaya sila. Wala kasi akong pera katulad nila. Kapag break naman hindi ako sumasama sa kanila sa canteen, umuuwi na lang ako dito, tutal malapit lang naman, at ito ang pagkain ko, sardinas. Ito lang kasi ang kaya ng pera ko eh. Tuwing umaga bago ako pumasok, nagsasaing ako dito sa maliit kong kaldero, tapos bibili ako ng isang lata ng sardinas. Tapos ulam ko na yun, isang piraso sa umaga, isa sa tanghalian at isa sa hapunan. Maswerte ako kapag apat yung laman ng lata, kasi pwede pa akong magmiryenda. :)"
Natapos syang magsalita ng nakangiti pa rin. Napangiti na rin ako at pinanuod ko syang kumain. Hindi ko na nagawang saluhan pa sya, dahil ayaw kong problemahin nya yung magiging hapunan nya mamaya. Ayaw ko na syang mamroblema. Mabigat na ang dinadala nya pero nagagawa nya pa ring ngumiti. Napakatatag ng babaeng ito. Nung mga oras na yun, talagang humanga ako sa kanya.
Lumipas ang araw at naging mabuting magkaibigan kami ni Mylene. Lagi kaming magkasma at magkadamay sa lahat. Nagkwekwento na sya sa akin, at kapag may problema ako, sa kanya ako tumatakbo para gumaan ang loob ko. Naging mas masayahin sya at natuto syang makihalubilo sa iba. Pero kaming dalawa pa lang ang may alam ng sekreto nya.
Naging masaya ang lahat hanngang sa dumating ang oras na kinailangan kong magpaalam kay Mylene. May dumating na oportunidad para makapag aral ako sa ibang bansa, at sinabi rin nya na huwag ko yung pakawalan, kaya napilitan akong iwan sya. Sa ibang bansa, lagi ko syang naalala. Minsan nagtangka akong umuwi at iwan na ang lahat pero sa tuwing naaalala ko yung mga payo nya sa akin, mas pinagbutihan ko pa ang pag-aaral.
Dumating ang isang araw na mahalaga sa kanya. Birthday na ni Mylene at napagpasyahan kong bigyan sya ng isang surpresa. Natuwa ako sa resulta ng supresang yun nung natanggap ko yung sulat ni Mylene.
Phyll,
Salamat sa surpresang bigay mo sa akin. Hinding hindi ko ito makakalimutan at napaka espeyal nito sa akin. Ngayon lang ako nakatanggap ng regalo sa buong buhay ko at natutuwa ako na galing yun sayo. Salamat. Mag iingat ka dyan!
Mylene.
Alam nyo ba kung ano ang regalo ko? Pinadalhan ko sya ng isang kahong sardinas at nilagyan ko yun ng mensahe na:
"Siguradong may merienda kana araw-araw :)"
Sa ngayon, isang matagumpay na Psychometrician na si Mylene. Ganun din ako sa ibang bansa. May kanya kanya na kaming mga buhay, pero hindi ko makakalimutan si Mylene. Sya ang babaing bumago ng buhay ko. Si Mylene at ang kanyang isang lata ng sardinas.