FIVE - Ice Cream Treat

70 2 0
                                    

Maghapon akong tulala at walang naintindihan sa mga lectures. Kahit sa mga activities ay hindi ako nakikisali. Bumabalik na naman sa utak ko si Vin at nararamdaman ko na naman ang sakit. Kahapon pa lang yun nangyari, baka pwede ko pa syang kausapin. Puntahan ko kay sya ulit mamaya? Eh paano kung kasama nya ulit yung Judi na yun? Anong gagawin ko? Sabi ng utak ko puntahan ko sya ulit tapos parang sinasabi naman ng puso ko na wag na. Alin ba dapat ang sundin ko?

"Hoy balak mo bang dito matulog?" bigla akong bumalik sa katinuan nang magsalita si mushroom na sobrang lapit ng mukha sa mukha ko.

"Ha? Uwian na ba?" nagtatakang tanong ko saka inilibot ang tingin sa classroom. Wala ng tao bukod sa aming dalawa.

"Kanina pa po! Nasaan ba ang utak mo?!" masungit na tanong nya at saka tumayo ng ayos.

Ang sungit nito ngayon, meron ba sya?! Tsaka hindi ko talaga maiwasang isipin kung totoo talagang galing syang ibang bansa. Di kasi sya pala English, tapos straight pa yung Tagalog nya although yung ibang words may accent na pang-foreigner.

"Ano miss broken-hearted girl, dyan ka na lang ba?" inis na tanong nya habang naglalakad papunta sa may pinto.

"Hoy ano ulit yung tinawag mo sa akin?!" tumayo na ako at saka kinuha yung bag ko. Sya naman ay dumeretso na sa paglabas

"Miss Broken-hearted girl. May angal ka?" sabi nya ng may pang-aasar. Ginagalit nya ba ako?! Tsaka miss na nga girl pa.

"Wag mo nga akong tawaging ganon! Mushroom ka!" sigaw ko sa kanya

"Mushroom talaga ako broken-hearted girl. Mushroom mo ako di ba? Ikaw naman ang broken-hearted girl ko." A-ano daw? Broken-hearted girl nya?

"Hoy baliw ka na! Sabing wag mo akong tawaging broken-hearted girl e!! sigaw ko ulit sa kanya.

Wala na namang ibang tao kundi kaming dalawa e. Ang layo pala talaga ng nilipad ng utak ko, akalain mong nakalabas na lahat ng estudyante tapos ako tulala pa din kanina. Amazing!

"Hulihin mo muna ako!" he teased. Gusto nya ng habulan ha.

"Akala mo hindi kita mahuhuli ha, hoy baka hindi mo alam champion ako sa track and field last year kaya humanda ka!" sigaw ko ulit

"Really? Then com' on, chase me!" sigaw nya at saka sya tumakbo. Grrr! Inaasar nya talaga ako. Tingnan natin. Nagsimula na akong tumakbo para habulin sya. Grabe! Ang bilis nyang tumakbo. May lahi ba syang kabayo?

Tumigil ako sa pagtakbo sandali dahil hinihingal na ako. Nakakapagod.

"Ano My Broken-Hearted Girl? Pagod ka na? Akala ko ba nag-champion ka sa track and field?" pang-aasar nya habang nakangising nakatingin sa akin sa malayo

"Eh bakit, sinabi ko bang sa kabayo ako nakipag-marathon nuon? Grabe! May lahi ka bang kabayo at ang bilis mo tumakbo?"

"Anong kabayo? Kahapon lang kabute ako tas ngayon kabayo na? Ano ba yung kabayo?"

Napatawa ako sa tanong nya. Potek! Hindi nya pala alam kung ano yung kabayo. Ano bang klaseng tao to, alien ba sya? Kabayo lang di pa alam. Kung sabagay, foreigner nga pala sya. Ay mali, half foreigner.

"Seryoso ka? Di mo alam kung ano yung kabayo?" tanong ko ng natatawa

"No. What's kabayo? Paano ba mag-sound ang kabayo?" inosenteng tanong nya

Yung totoo?

"Hoy saang planeta ka ba galing at kabayo lang di mo pa alam. Eh di yun yung nagsa-sound ng *ginayaanghuningkabayo*"

"Wahahahahaha.."

Pakihanda na po nung ataul at mga bulaklak. Mamamatay na po sya sa kakatawa.

"What..what makes you think...that..that I didn't know what a horse is.." tawa-tawa pa din sya ng tawa kaya paputol-putol ang pagsasalita nya.

So ibig sabihin pinag-tripan nya lang ako?! Alam nya talaga kung ano yung kabayo pero nagkunwari syang hindi alam para kagayahin ko yung sound ng kabayo. Grrr! Inaasar nya talaga ako! Tumakbo palapit sa kanya at dahil tawa pa din sya ng tawa hindi nya napansin na nakalapit na ako.

Hinawakan ko sya sa magkabilang pisngi nya at saka ko pinisil yun ng sobrang diin.

"Ang cute-cute mo talaga mushroom." Pang-aasar ko habang patuloy na pinipisil yung pisngi nya.

"Ah..mas..mashakit..tama na..mashakit.." pagmamakaawa nya. Nakakatawa ang itsura nya.

Binitiwan ko na ang pisngi nya dahil sobrang namumula na. Bakit ang cute nya yata lalo sa mapulang pisngi? Regaluhan ko kaya sya ng blush on para lagi syang cute.

"Masakit yun ha. Kala mo! Makakaganti din ako sayo." Sabi nya na parang bata saka hinimas-himas yung pisngi nya

"Eh ikaw kaya nauna. Pinagtripan moko. Kunwari ka pang di alam yung kabayo tapos pinagtawanan mo pa ako." Sabi ko

"Eh nakakatawa ka kasi nung ginaya mo yung sound ng kabayo. Epic!" sabi nya at saka muling tumawa

"Tse! Ewan ko sayo." Sabi ko tapos ay naglakad na ako paalis.

"Sus! Tampo ka na nyan? Tara, libre kita ng ice cream." Sagot nya at saka ako inakbayan. Aba chansing! Pagbigyan na, ililibre naman nya ako e.

"Talaga? Sige, libre mo ha?" nginitian na lang nya ako. Hala! Ang cute nya talaga.

*********

Next week ulit..

Comment.

-syeshapotz-

Broken-Hearted GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon