Chapter 18: Choices.
Luke's POV
Hind ko na alam kung ano pa ang maari kong gawin upang masolusyonan ang problema namin ni cedie. Kailangan kong ayusin ang lahat ng ito. Kailangan ko nang gumawa ng aksyon ngayon pang mas lalo akong napapahamal kay cedie.
Hindi pa din ako kinakausap ni daddy. Kapag tinatanong ko siya kung bakit niya ito nagagawa sa akin amg tanging sagot lamang niya ay layuan ko si ced dahil para din ito sa aking kapakanan. Mahirap ang gusto niyang manyari. Hindi ko kayang gawin.
Pinuntahan ko siya sakanyang opisina upang makausap ito. Kailangan ko na maayos ang lahat bago pa mahuli ang lahat.
Pagdating ko sa building namin ay kaagad na akong dumiretso sakanyang opisina at isinarado ang pinto. Sakto namang wala siyang kameeting ng oras na iyon.
"Dad, gusto kong malaman kung ano ang buong kwento sa iyo ni tita lucia."
"For what? Para maipagtanggol mo yang baluktot mong paniniwala?"
"Hindi, upang malaman ko kung bakit mo ako natitiis. Dad tama na ito, sa tingin mo ba masaya si mama sa mga nangyayari ngayon sa atin?"
Hinila niya ang aking kwelyo at akmang susuntukin ako. Galit na galit ang mukha niya, ngayon ko lamang siya nakitang ganito. Nakakatakot.
"Wag na wag mong idadamay ang nanay mo sa mga kagaguhan mo!"
"Dad sorry. Di ko naman po sadyang idamay si mama."
"Alam mo ba kung bakit ko ito ginagawa? Dahil pinoprotektahan lamang kita!"
"Kanino? Kay cedie?"
"Oo."
"Saan sa pag-ibig niya? Siya lang ang taong nagpakita ng buong pagmamahal sa akin bukod kay mama. Oo minahal niyo ako, pero kahit nakangiti kayo at pinapakitang masaya kayo sa akin ay ramdam ko pa din na sinisisi niyo ako sa pagkamatay ni nanay.. Ang sakit dad.. Ang sakit sakit." Hindi ko na napigilan pa na hindi umiyak. Sobrang sakit ang aking naramdaman.
"Pera lamang ang habol sayo ni cedie. Balak nilang pabagsakin ang Company natin."
Nagulat ako sa mga sinasabi ni dad. Kailan man ay hindi ko naramdaman na iyon ang tanging gusto ni ced sa akin. Kailan man ay hindi ko naramadaman na Peke ang pagmamahal niya.
"Mali ang sinasabi ninyo dad. Hindi totoo yan!"
"Totoo anak. Yan ang nalaman ni Tita Lucia mo."
Si tita? Walanghiya talaga yong babaeng iyon! Pagkatapos ko siyang tanggapin at galangin ay nagawa pa niyang sirain ang taong pinakamamahal ko!
"Hindi totoo yan dad! Walang katotohanan ang mga sinasabi niya. Kasinungalingan yan!" Sinampal ako ni dad. Ngayon lamang niya akon napagbuhatan ng kamay sa tanan ng buhay ko. gulat man ako sa nangyari ay nagpasorry pa din ako. Hindi ako pinakinggan ni Dad bagkus ay pinalabas ako sa opisina niya. Hindi ko na alam kung ano pa ang pwede kong gawin. nahihirapan na ako.
Hindi ako naniniwala sa sinasabi ni Tita lucia. Hindi totoo iyon.
Tinawagan ko si ced at pinuntahan sa kanilang bahay. Kinausap ko ito at sinabi kung ano ang aking nalaman. Tama ang hinala namin na may kasinungalingang sinabi si tita kay dad. Naikwento na din niya na pinuntahan din niya si Dad at si Tita sa opina noong isang araw. Lalong kumulo ang dugo ko sa babaeng iyon nang malaman kong siya ang dahialan sa pasa sa kaliwang pisngi ni ced noong isang araw. Ayaw pa sanang aminin ito ni ced ngunit pinilit ko siya. Hindi tama ang ginawa ng Babaeng iyon.
Nagisip kaming muli lung ano ang aming maaring gawin upang Mapatunayang hindi pera ang habol sa akin ni ced.
Sa dami ng aming naisip na solusyon, isa lamang ang aming tanging naiisip na makakasagot sa aming problema.
Iyon ay walang iba kundi si Tita Dawn, ang mommy ni cedie.
end of chapted 18.
Pasensya po sa short and slow updates :(
I Love You Friends.
BINABASA MO ANG
Tough Guys Turn Me On (BoyxBoy)
Ficção AdolescenteThe Broken hearted and The Player. a story between two young man with different personalities who met in a very unusual way. but how the two of them barge in each others life and how will they find the true meaning of LOVE. Will the broken hearted...