His POV
Its been days simula nang nagpunta kami ni kath sa amponan.
Yearly pala talaga siya nagpapasko sa amponan, nitong year lang hindi dahil nga sa kasama niya ang daddy niya.
Naging mabuti ang mga sumunod na araw samin ni kath.
Masaya ako ! Sobrang saya !
Ngayon papunta na kami sa resort nila dahil doon kami magbabagong taon !
Kasama ang pamilya ko at sila ni tito gab.
Tulog ka muna, mahaba pa byahe natin traffic pa naman" sabi ko sa kanya.
Umiling lang siya.
"Nah, ayokong matulog ! Wala kang kausap" nakangiti niyang sabi.
Shete !
Biglang nagsayawan ang mga paru paru sa tiyan ko !
Ghad, kath wag kang ganyan !
"Bakit ka nakangiti?" Paenosente niyang sabi kahit ang totoo ay alam na niya kong bakit.
"Psh, alam mo naman kong bakit e! Wag ka ngang ganyan. Alam mo bang hulog na hulog na ako sayo, baka mamaya hindi mo ako saluhin. Masaktan lang ako" pabiro kong sabi. Pero half meant yun.
"Hahaha, nahulog kana pala, hindi mo naman sinabi sakin, nag aabang pa naman ako" alam kong pabiro niya lang sinabi yun pero, darn ! Kinikilig na talaga ako ! Kanina pa siya banat nang banat sakin. Hindi naman masamang kiligin ang lalaki hindi ba.
"Yiiii, kinikilig siya" sabay sundot sa tagiliran ko.
"Isa, nagda.drive ako baka mabangga tayo" suway ko sa kanya.
Pero hindi parin siya tumitigil.
"Okey lang. Atleast magkasama tayong mamamatay" banat niya sakin !
Nag iinit na ang pisnge at tenga ko.
Takte tong babaeng to. Simpleng banat niya lang kinikilig na ako.
-----
Ninang!!!!sigaw nang anak nila pat at arisse.
Patrisse! Sigaw naman pabalik ni kath.
Sinalubong naman siya nang yakap ni patrisse.
"Ipasok ko lang to sa loob" pagpapaalam ko kay kath. Medyo mabigat kasi itong dala kong mga gamit niya. May bakal ata itong laman.
"Sige, sunod ako" sabi niya at tumango naman ako sa kanya bilang pagtugon.
Pagpasok ko sa loob nandoon sina pat at arisse, abalang abala sa pagluluto.
"Andiyan na pala kayo. Si kath? Tsaka yong magulang mo?" Tanong sakin ni arisse.
"Ahh, on the way na sila mama kasama na nila si tito gab nauna lang kami nang konti" sabi ko naman kay arisse.
Nagpaalam na muna ako sa kanila at umakyat patungo sa kwarto ni kath para ilapag itong mga gamit niya.
Nagpalit lang ako nang white shirt at summer short para mas makagalaw ako nang maayos, tutulong muna ako dun sa mag-asawa. Nakakahiya naman !
"Bro, anu ang maitutulong ko?" Tanong ko kay patrick.
"Finally, meron na akong taga hiwa hahaha" natatawang sabi niya.
At inutusan niya akong maghiwa nang bawang,sibuyas,carrots,patatas at kong anu ano pang rekado.
Nong sibuyas na ang hinihiwa ko, bigla akong naluha ! Sht ! Ang hapdi sa mata !