Chapter 8 Who Are You?

7 0 0
                                    

Here comes kilig overload again. Let's see kung anong mangyayari sa first encounter ng ating prinsesa sa pinakakinatatatukatan at pinaka... well, pinakatinitilian ng mga girls na leader ng isang sikat na gang. ^^




Jaeri's POV

Hmmm... (-__-")

Ang sakit ng ulo ko, parang sasabog na sa sakit.

Huh? (0__0)?

Teka! Nasaan ba ako? Bakit parang hindi naman classroom ang lugar na ito? At mas lalong hindi naman clinic kasi parang living room ang itsura.

Ang pinagkaiba nga lang ay may isang bar counter na puno pa ng alak na display, may malaking flatscreen na may naka-install pang Xbox at may billiard table pa dun sa kabilang side. Meron ding mga nakasabit na mga gitara dun sa wall.

Pero... teka! (>__<)

NASAAN BA AKONG LUPALOP NG MUNDO!?

Patuloy lamang ako sa pagpalo sa ulo ko dahil baka panaginip lamang ito at sa pamamagitan ng pagpalo ng ulo ko, baka magising ako sa panaginip na ito. (>__<)

Nang may marinig akong pagbukas ng pinto at kasunod nun ang boses ng isang tao.

"So you're awake?" Nababakas ko ang pagka-cold ng boses niya ng banggitin niya ang mga salitang iyon.

"Ha-ha?" Nanginginig kong banggit.

Nakarinig ako ng footsteps na papalapit sakin. (>__<) Kinakabahan ako. Papa Jesus, ano po ba hetong napasukan kong gulo. Huwaaah.

Tumungo na lamang ako at napapikit nang marinig ko naman ang paglapag ng isang matigas na bagay sa mesa na nasa harapan ko. Nang imulat ko ang aking mga mata ay isang plastic bag ang nakita ko na may lamang lunch box or yung bento na tinatawag ng mga Japanese. (o__o)

"I know that you're hungry so... eat that up." Ang sabi nung tao sa harapan ko.

"Tha-thanks." Yun na lamang ang nasabi ko.

"I'm glad that you're safe, Angel." Bigla niyang sabi.

Napatigil naman ako sa pagkuha nung dala niyang pagkain at napanganga nang bahagya. Inangat ko ang aking paningin at nakita ang isang lalaki na matamang nakatitig sa akin na tila ba may ipinapahiwatig ang kanyang mga titig sakin.

"Why... are you staring at me... like that?" Medyo natatakot kong sabi.

"Angel..." Iyon na lamang ang nasabi niya.

"Why... are you calling me...Angel?" Tanong ko sa kanya.

"You...you..." Unti-unti siyang lumapit sakin. "You're... Jaeri Park ri-right? Te-tell me."

"Yes." Sagot ko.

"This can't be...you don't...recognize me?" Nanginginig niyang sambit na tila maiiyak na.

Hindi ako makasagot sa tanong niya. Pero bakit ganito ang nararamdaman ko? Bakit parang kilalang-kilala siya ng puso ko? Bakit parang may nagsasabi sakin na kilala ko na siya nang matagal?

Hindi ko maintindihan ang sarili ko ngayon. Sino ba siya sa buhay ko?

Matagal ko siyang tinitigan. Sino ba siya? Bakit kilala niya ako? Ngayon ko pa lang siya nakita sa tanan ng buhay ko. Sino ba siya?

"Who are you exactly?" Tanong ko sa kanya.

"AAARGH!" Bigla na lamang niyang sinabunutan ang sarili sabay upo dun sa katapat kong sofa. "This can't be happening!"

Hindi ko maintindihan ang inaasal niya ngayon sa harapan ko. Bakit siya ganito?

"I can't believe this... you..." Sabay baling niya ng tingin sakin. "...don't remember me."

Puno parin ng katanungan ang aking isip ngayon. Hindi ko magawang sumagot sa mga tanong niya.

"Sorry if... I don't remember you... I'm sorry." Tumungo na lamang ako.

"It's okay, you don't have to feel sorry." Siya sabay tayo at pumunta dun sa bar counter at kumuha ng alak. "Hindi kita pipilitin na alalahanin ako. I was just glad that you came back."

Ininom naman niya ang sinaling alak sa baso at tsaka humarap sakin na nakangiti pero pilit. "You don't know how happy I was when I saw you again."

"Who... are you?" Naguguluhan kong tanong.

Your AngelTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon