Chapter 10 The Soft Side of the Gangster

7 0 0
                                    

Can't get over the kiss ang ating prinsesa. Let's see what happens next in this chapter.


--------*


Jaeri's POV

(o__o) Hmmm...

(>__<) Hmmm...

(> 0 <) Huwaaah!!!

Hanggang ngayon ay hindi ko parin makalimutan yung ginawa niya sakin kanina sa school. At hanggang ngayong pag-uwi ko, hindi ko parin nakakalimutan. Aaaargh! Nakakainis!

Isang oras na akong pagulong-gulong dito sa queen size bed na aking kinahihigaan at hanggang ngayon ay hindi parin ako makamove-on dun sa... (o///o) Aaaaah!

Aaaaah... (>///<) Ayoko nang maalala pa yun. Magnanakaw siya, magnanakaw.

*Flashback*

"But..." Hindi ko na natuloy ang sasabihin ko nang gawin niya ang isang bagay na hindi ko inaasahan na nakapagpabilis ng tibok ng aking puso.

"You're still my angel." Sabay halik sa aking mga labi.

*Flashback ends*

Huhuhu (T ^ T) He stole my FIRST KISS.

Huwaah... ano na lamang ang sasabihin ng magiging first boyfriend ko? Na napaka-unfaithful ko at naibigay ko sa isang stranger ang aking first kiss? Huwaah. ANONG GAGAWIN KO!? \\(> 0 <)//

On the other side...

Ryuji's POV

"HUY!"

"Anak ng tokwa naman oh!" Sigaw ko nang napakalakas. (> 0 <)

"Aray!" napatakip naman siya sa tenga sa sobrang lakas ng pagsigaw ko. "Ano kaba Lance! Wala kana bang natitirang preno sa katawan mo?"

"AISH!" Napasabunot naman ako sa ulo. "Pwede ba Ate Hana! Stop messing me! I'm busy!" Sabay baling ko ulit sa paperworks sa harapan ko. (=__=")

Paano ba naman hindi sasakit kaagad ang ulo ko, tambak ang paperworks dito sa desk ko dito sa bahay. Imbes na tong magaling kong Ate ang pumirma at i-analyze isa-isa ang mga reports, nagawa pa niyang maglakwatsa kung saan-saan. (=__=)

"Uys. Sorry na little brother." Panunuyo niya sakin. "Hindi na mauulit talaga. May pinuntahan lang talaga akong importante. Huwag kanang magalit oh." At sinudot pa ang tagiliran ko.

"The heck!" Saway ko sa kanya. "Umalis kana dito!"

"Ang sungit mo na talaga kahit kailan." Sabay cross arms niya. "Kung nandito lang sana si Jaeri, siguradong mawawala iyang baku-baku sa noo mo. Hay naku..." She sighed.

Dahil naman sa sinabi ni Ate Hana, napatigil na lamang ako sa ginagawa ko. Nakaramdam ako ng sobrang pangungulila sa kanya.

"Oops!" Sabay takip niya ng kanyang mga bibig. "Sorry for that, Lance."

"It's okay Ate." Pagpapatuloy ko ulit sa ginagawa ko. "Hindi mo naman sinasadya."

Nang pumasok naman si Nagi na may yakap-yakap na teddy bear. Si Nagi Rednaxela, ang nakababata kong kapatid. Isinilang siya ni Mom ilang buwan lamang bago siya namatay. Nagi is 8 years old now pero para parin siyang baby kung umaasal. Maliit kasi ang height niya kaya para parin siyang 5 years old, she's like my Mom when she was little.

"Oh bakit gising kapa baby?" Sabi naman ni Ate Hana sabay lapit sa kanya at umupo para magka-level sila. "Is there any problem?"

"I can't sleep Mama Hana." Ang sabi niya.

Mama ang tawag niya kay Ate kasi si Ate na ang tumayong ina para sa kanya nung mawala si Mom. Thankful na din ako kasi tanggap narin niya ang pagkawala ni Mom kahit hindi na niya ito nasilayan nang personal. Tanging sa pictures na lamang niya nakikilala si Mom. It is sad to think na hindi man lamang niya nayakap o nahalikan man lang si Mom.

"Why is that you can't sleep, baby?" Sabay hawi ni Ate sa hibla ng mga buhok na tumatakip sa mukha ni Nagi.

"I want Kuya Lance to sing to me a lullaby." Sabi niya sabay pout at turo sakin.

Napatigil na naman ako sa aking ginagawa.

"Oh kuya daw." Tawag naman sakin ni Ate kaya napalingon ako sa kanila. "Kantahan mo daw siya."

Wala na akong nagawa kundi pagbigyan si Nagi. Bukod kay Angel, isa rin siya sa pinakamahalaga kong kayamanan sa lahat.

Ngumiti naman ako sabay lapag nung folder na hawak ko sa desk at tinapik ang aking lap. "Come here baby."

Gumuhit naman sa kanyang mga labi ang isang malawak at masiglang ngiti habang patakbong lumapit sakin. Kinarga ko naman siya para maiupo sa aking hita. "What song do you want me to sing baby?" Tanong ko sa kanya.

"Hmmm..." Nag-isip siya habang nakahawak pa sa chin niya na parang matanda.

"Well?" Tanong ko ulit. Hindi naman maiwasan ni Ate na mapangiti.

"Aha!" Biglang niyang sambit. "Could you sing for me... yung... yung... song na palagi mong kinakanta?"

She is referring to the song of FM Static, "Tonight". Paborito niya talaga yung kantang iyon, kaya sa tuwing hindi siya makatulog ay basta pupunta na lamang siya sakin at hihilinging kantahin yun para makatulog siya.

"Okay baby." I said and give her a smile.

"Yehey!" Napapalakpak naman siya sa tuwa at tsaka sumandal saking dibdib at ipinikit ang mga mata.

I started to sing the song while brushing her hair with my free hand.

At makalipas lamang ng 30 minutes, tulog na siya.

"Tulog na ba?" Bungad ni Ate na papasok pa lang sa pinto.

"Yeah." Sabay halik ko sa kanyang noo.

"Hay naku." Ate sighed. "Close na close talaga sa'yo si Nagi eversince, brother. I don't know why but... she seems to see Mom in you."

Naningkit naman ang mga mata ko sa sinabi niya. "What do you mean Ate?"

"Alam mo Lance, noon pa din man." Siya sabay karga kay Nagi paalis sa yakap ko. "You resemble Mom so much. Pilosopo, medyo cold, talented and kind."

"I'm not kind." Sabay iwas ko ng tingin at balik sa aking ginagawa. "It happens to be that I love Nagi, that's all."

"Lance, I know you're kind." Pangungumbinsi ni Ate. "You're just, denying it to yourself. I know that you're a gangster in the outside... but inside, you're fragile."

"Ate, don't make things complicated." Ang sabi ko. "Kung ano ako ngayon, ako na ito habang-buhay at hindi na magbabago. That's the real me."

"Lance, I know that there is a place in your heart."Ang sabi niya.

"Will you please just leave Ate?" Ako sabay himas ng sentido ko. "Take Nagi to her room. I'm gonna finish this first."

She sighed. "Okay." At tsaka nagsimulang maglakad paalis pero may pahabol pa siyang sinabi.

"You know what brother..." she smiled. "You have a soft side when it comes to your loved ones. You know that. I hope that the wound in your heart heals quickly." Sabay sara ng pinto.

Naiwan naman akong napaisip sa mga sinabi niya. "I know what's your point Ate." Tumingala naman ako sa kisame. "But I'm still hoping for her to come back to my side again."

Bigla ko na lamang naalala nung hinalikan ko siya kanina. She never fail... to make me smile.


--------*

Nice! She never fail to make me smile. Nagiging korni na po ang ating gangster. Haha

Until next time guys. ^^

Your AngelTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon