I'm just a past of his life. He's happy with his new wife. But I'm still hoping that he will come back to me. To stay at my side, to be my everything, my forever, and my life... always.
Pero sino nga ba ako? Diba isang hamak na princess sa isang mansion na nabiktima lang naman ng ARRANGE MARRIAGE? Nagawa ko syang mahalin na mas higit pa sa pagmamahal nya. Pero ano ba ang kulang sakin? Wala naman diba?
Ilang beses na kaming naghiwalay. Nagkakabalikan din naman kami agad. Pero bat ngayon, pilit kong inaayos ang sira naming relasyon. Pinipilit kong mahalin nya ulit ako.
"May anak tayo! Hindi mo kami pwedeng iwan Kevin! Ano ba!" Ang katagang yan ang pilit kong ipagpipilitan sa kukute nya. Pero alam mo ang sagot nya?
"Kaya mong palakihin ang mga bata na wala ako! Mayaman ka rin! Kaya hindi ko susustentuhan ang mga yan!" Ang sakit diba?
Oo. Mayaman ako. Pero wala akong pake kung hindi nya susustentuhan ang mga bata. Ang gusto ko lang namang ipaintindi sa kanya na, may amang susubaybay sa bawat hakbang na gagawin ng kanyang anak na hindi ko naranasan sa ama ko.
"Mas mahal ko sya kesa sa inyo! Sya ang mas nauna kong mahalin kaysa sayo! Kaya maghiwalay nalang tayo Miyuki! Hindi na kita mahal!"
Akala ko maiiwasan ko na ang mga katagang yan. Pero nagkamali ako.
Naulit nanaman. Mas malalala nga lang nyayon. Hindi na sya nagpapanggap. Kundi totoo na ang naramdaman nya.
Iniwan nya sakin ang apat na bata... na galit na galit sa kanya. Lalo na si Elodie at Hendrix. Ngayon lang naranasan ni Elodie na may amang nasa tabi nya. Kaso nawala pa. Si Hendrix naman, hindi nya matanggap na iiwan sya ng ama nya. Nawala na nga ang ina nya sa piling nya simula nung bata pa sya, ngayon naman, ang ama nya ang nawala sa kanya.
Nung panahong kailangan ko ng masasandalan. Wala na sa akin ang mga naging kaibigan ko, pamilya ko, at mga taong alam kong pinalagahan ako... noon. Iniwan nila ako dahil mas kinampihan nila ang taong mahal ko. Ako daw ang nanloko, ako daw ang puno't dulo ng lahat kahit sya naman ang may gawa. Pero sino nga ba ako sa kanila? Isang kaibigan. Isang pinsan. At isang anak na sakit sa ulo nuon.
Pati pamilya ko, itinakwil nila ako. Dahil niloko ko daw ang taong mahal ko. Tinggalan ng mana. Pinutol ang credit card. Kinuha ang mga kotseng pinaghirapan kong bilihin. Lahat lahat. Pati ang mga bata nawalan din. Buti nalang, nung umpisa nakapag-ipon ako. Mabuti nalang, pati iyon, hindi kinuha sakin.
Ang naiwan sakin ay ang perang naipon ko sumala nuong pumasok sa mundong hindi karapat dapat sa akin. Nung panahong tinahak ko ang karerang iyon, nakapagpatayo ako ng maliit na kompanya... na hindi alam ng DATI KONG PAMILYA. Duon ko binuhos ang lahat ng atensyon ko, pati si Elodie at Hendrix na parehas anim na taong gulang palang, tinulungan nila ako mapalakad ang kompanyang nasimulan ko.
Ang dati kong pamilya, kasama ang anak sa labas ng aking ama na unang minahal ng aking mahal, nakasalubong ko isang beses sa isang mall dito sa Amerika. Alam kong napansin nila ako, pero dinaanan lang nila ako taas noong nilampasan. Simula nuon. Pinalabas ko na si Aishiteru Miyuki Furukawa, Ynna Elodie Alionee Furukawa, Ethen Graysen Hendrix Furukawa, Blake Xavier Josh Furukawa, at si Aiden Luke Ashton Furukawa ay PATAY NA.
Dahil nabuhay ang pamilyang MILLER. Wala na si Miyuki, dahil ang pumalit sa kanya ay si Sophie Alliah Grace Miller at mga anak nya na si Samantha Sadie Allison Miller, Nathaniel Andrew Watt Miller, Brent Ethan Sean Miller, at si Ashley Lincoln Miles Miller. Mabuti nalang, naintindihan ng mga bata ang tungkol sa desisyon kong iyon, at alam kong ikinatuwa nila.
Kaso... hindi ko alam kung masaya ba ako sa nangyayari. Oo. Alam kong kung sino si Miyuki--- ay mali. Si Alliah ang kanilang binaliwala. Pero sino nga ba ulit ako sa taong mahal ko? Ako ang kanyang pangalawang minahal. I'm his second love.
XOXO
BINABASA MO ANG
I'm his second love [MTGBB BOOK2]
FanfictionAnnyeong ahgase. Your waiting is over. This is the Book 2 of Married to GOT7 Bambam! Tapos na ang prologue and may kasamang video prologue!Just search on Youtube: [GOT7 FF] I'm his Second Love [MTGBB BOOK 2]. I'm hoping na magustuhan nyo ang proloug...