bestfriend: (n) the one you can only stay mad at for a short period because you have important things to tell them.
~*~
Nasa loob kami ng sasakyan ni Mommy dahil pupunta kami kay Tita Arlene.
"Mommy, malayo po ba house ni Tita?" Nakanguso kong tanong.
"Yes, baby." Sabi ni Mommy.
"Ahh, okay po!" Masigla kong sabi.
Nung nasa byahe kami nakatulog ako pero nagising ako dahil sa hawak ni Mommy.
"Wake up, baby girl." Sabi ni Mommy.
"Nasa house na tayo ni Tita Arlene?" Nakangiting tanong ko.
"Yes, baby girl." Tinanggal ni Mommy ang seatbelt namin at binuksan niya yung pinto ng kotse.
"Tara na, baby." Sabi sakin ni Mommy habang nakahawak siya sa kamay ko.
Namangha ako sa bahay ni Tita Arlene. Ang ganda. Parang mansyon. Sinalubong kami ni Tita Arlene sa labas ng gate nila.
"Hi, Chase!" Bati sakin ni Tita.
"Hi po, Tita!" Sabi ko sa kanya. Ngumiti lamang siya at mahinang kinurot ang pisnge ko.
"Tara pasok na tayo sa loob." Pumunta na kami sa loob ng bahay nila. Sobrang ganda.
May nakita akong bata. Siya ata yung anak ni Tita, hindi ko sure. Kaya tinanong ko si Mommy.
"Mommy, sino po siya?" Bulong ko kay Mommy.
"Siya si Destiny. Ang anak ni Tita, baby. Say hi!" Sabi ni Mommy.
"Hi Dezteneh!" Sabi ko kay Destiny. Nabubulol kasi ako sa name niya.
"Hi, Cheyst!" Sabi niya at ngumiti siya sa akin. Bulol rin pala siya, hehehe.
"Tara, laro tayo ng mga barbie dolls!" Sabi niya sa akin. Napangiti naman ako.
I love barbie dolls.
"Oshige! Play na tayo." Naglalaro lang kami, ang saya pala maging kaibigan ni Destiny! Ang bait bait niya.
"Ilang taon na ikaw?" Tanong sa akin ni Destiny.
"Payb, ikaw?" Sagot ko sa kanya habang nakangiti.
"Payb rin ako! Yehey! Same tayo." Sabi niya at niyakap niya ako kaya niyakap ko rin siya.
*After 10 years*
"Chase, naalala mo pa ba yung kababata mo?" Tanong ni Mom sa akin habang nakain ako.
"Sino, Ma?" Tanong ko kay Mommy at kumagat sa pizza.
"Yung anak ni Tita Arlene mo!" Sabi ni Mommy. Inaalala ko kung sino.
"Sino ba, Ma?" Tanong ko habang kumakain ng pizza. "Ang rami ko na kaya naging kaibigan."
"Si Destiny." Napangiti ako dahil naalala ko siya. Namimiss ko na rin siya, lalo na yung naglalaro pa kami ng barbie dolls.